Chapter 40

926 20 0
                                    

Lumipas ang isang buwan ganoon parin, walang pinagbago kaya napilitan nalang si Bowen na pumasok sa kaniyang trabaho.

"Aalis kana?" Tanong ni Aezthal nang mkababa ng hagdan si Bowen.

Kasalukuyan namang inaayos ni Bowen ang kaniyang neck tie pero napahinto siya sa biglang pagbungad ni Aezthal. Nilapitan siya ni Aezthal at tinulungan siyang ayusin ito. Nakangiti ang dalaga habang ginagawa niya iyon sa binata, napapatitig naman si Bowen sa maamong mukha ng dalaga na nasa harapan niya ngayon.

Hindi matutumbahasan ang kaniyang saya kung ang dalagang umaayos ng neck tie niya ay may naaalala tungkol sa kaniya.

"Ayan tapos na. Alam mo pinagaralan ko talaga iyan, gusto ko kasi ako ang gumawa nito para sa iyo," sabi niya ng may ngiti sa kaniyang labi.

Kumubra ang labi ni Bowen bago hinaplos ng pisngi ng dalaga. "Babalik ako..."

"Hmmm nga pala nangealam ako sa kusina. Pinaghanda kita ng makakain para hindi kana lumabas ng lunch break." Hindi naman ito inaasahan ni Bowen ngunit pinanood nalang niya si Aezthal na tumakbo papuntang kusina at pagkalabas nito may hawak na siyang lunch box.

"Bakit nag-abala ka pa? Paano kung napagod ka? Paano kung—" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang inilapat ni Aezthal ang kaniyang labi sa labi ni Bowen bago siya humiwalay.

"Huwag kana mag-alala sa'kin, gusto ko lang naman ipaghanda kita ng kahit ganito lang. Ang dami mo ng ginawa para sa akin, kahit simpleng pagluluto lang makabawi manlang ako, sige na tanggapin mo na." Ang nag-aalalang mukha ni Bowen napalitan ng isang malawak na ngiti.

"Salamat misis ko." Nanlaki naman ang mata ni Aezthal at saka napaatras ngunit napansin ni Bowen ang biglang pagmumula ng mukha nito.

"H-hindi naman tayo kasal ah! Anong misis?!" Sigaw nito. Natatawa namang kinuha ni Bowen ang lunch box bago inilapit ang mukha sa tenga ng dalaga.

"Pero noong nasa italy tayo nag-post ka sa story mo sa facebook at sinabi mo 'salamat mister ko...' hindi ba?" Mabilis na umatras si Aezthal palayo sa pilyong binata.

"G-Ginawa ko iyon?" Natatawang kinusot ni Bowen ang buhok ni Aezthal.

"Una na ako. Mag-ingat ka dito," sambit nito. Tumango naman si Aezthal, iyon na din ang naging hudyat ni Bowen upang umalis.

Tahimik lamang siya buong byahe hanggang sa makarating siya sa opisina.

Binati siya ni Kristel sa harapan ng office niya pero walang imik siyaang pumasok.

Doon niya nilugmok ang sarili sa pagtratrabaho. Wala naman siyang masyadong na missed dahil kahit sa bahay siya nagagawa niya ang pinapadalang document ni Kristel.

Buong tanggali babad ang mata ni Bowen sa computer.

Nang sumapit ang tanghali napagpasyahan ni Bowen na mag lunch break. Inilabas niya ang kaniyang pagkain na galing mismo kay Aezthal at napapangiti siya habang binubuksan 'yon.

Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang nilutong menudo ni Aezthal para sa kaniya.

Akma na sanang susubo si Bowen ng kaniyang pagkain ngunit naitapat palamang ito sa kaniyang labi nang may biglang nagbukas ng pintuan at niluwa doon ang apat niyang kapatid.

"Oh kumakain kana? Aayain ka sana namin kumain sa labas tutal first day mo naman ngayon simula ng mag leave ka," sabi ni Albus. Napabuntong hininga si Bowen at ibinaba ang kutsara.

"May pagkain na ako." Naglakad papapit si Rufus at Crue sa kaniya habang si Maximus naman nahiga sa may sofa at ipinikit ang kaniyang mata habang si Albus naman naupo sa my harapan ng table ni Bowen.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon