Chapter 31

585 13 0
                                    

Aezthal Pov

Nasaan na kaya iyon? Gabing gabi na tapos sabi niya isang oras lang siyang mawawala.

Nagdadalawang isip akong tumakbo palabas ng condo, habang dala-dala jacket ko.

Nagpara agad ako ng taxi kahit hindi ko naman alam kung saan siya pumunta pero natigil ako nang mapadaan kami sa isang lugar. Nahawi ng aking mata ang isang lalaking nakahawak sa tulay. Sa pammagitan langng kaniyang tindig napansin ko na agad kung sino ito kahit pa nakatalikod siya.

"Stop the car," sambit ko. Kaya naman huminto agad ito. Nagmadali akong lumabas. Hindi ko na nga naisip pang magbayad kaya hinayawan ako ng driver pero hindi ko siya pinansin pa.

Nagmadli akong tumakbo ng walang katakot takot kung masasagasaan ba ako.


Isang mahigpit na yakap ang binigay ko kay Sir Bowen.

Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang katawan dahil sa aking ginawa kaya naman nagsimula nang tumulo ang aking luha. Takot na takot ako, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito pero natatakot ako sa maaari niyang gawin.

Nang maisabi ko ang lahat humarap siya sa akin at binigyan ako ng malalim na halik. Natigilan man ako pero maya-maya pa sinuklian ko din ng malalim at puno ng emosyon nitong mga halik.

Napapikit ako habang pinapakiramdaman siya. Maya-maya pa humiwalay siya ng halik, nakahawak ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Hindi ko na alintana ang patak ng ulan basta gusto ko lamang siyang titigan. Nagkatitigan kami ngunit nanlaki ang aking mata nang bigla nalang bumigy ang kaniyang katawan at saka ito napapikit ng mata.

Napaupo ako habang sapo-sapo siya.

"Let me help you." Naapangat ang aking mukha nang isang babae ang lumapit sa amin at tinulungan niya akong itayo si Sir Bowen.

Hindi ko siya kilala pero hindi ko na makuha pa siyang tanungin.

Tinulungan niya akong isakay si Sir Bowen sa taxi na sinakyan ko kanina, mukhang hinintay talaga niya ako.

Maya-maya pa pumasok din siya sa loob, isinandal ko si Sir Bowen sa aking balikat.

"W-who are you?" Tanong ko. Napatingin siya kay Sir Bowen kaya wala sa sarili kong tinakpan ang mukha ni Sir Bowen. Natigilan siya bago ako tinignan at bahagyang natawa.

"I'm his cousin," sambit niya ng may ngiti. Napakunot ako ng noo. Ayaw ko lang kasi na tignan niya si Sir Bowne madamot ako no! Pero teka, pinsan?

"Cousin?" Pag-uulit ko.

"Oo, pero hindi na ngayon. Hindi na ako part ng family because of my father..." Hindi ako nakapagsalita. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. "I regret everything. My father become ambitious, he want everything that our great grandparents have, kinalimutan niya lahat maging ang pamilya niya, dahil sa kasakiman niya napahamak sila."

"Anong ibig mong sabihin?" Nahinto siya at napabuntong hininga.

"My father kidnapped them and send them away. Bowen stay in orphanage at dahil din doon his mental health become unstable. Siya ng nakausap ni Dad bago sila pinasok sa bahay nila. Ang akala niya kasalanan niya ang lahat kasi sinabi niyang wala silang kasama kahit kabilinbilinan ng magulang nila na huwag sabihin kahit kanino pero dahil naging malapit si Bowen kay Dad iyon ang nangyari." Napalunok ako at muling tumingin kay Sir Bowen. Napahawak ako sa kaniyang pisngi. Basa parin ito dahil sa ulan.

Ganoon na ba kalalim ang kaniyang napagdaanan?

"Nabalitaan ko nalang na hindi naging maganda ang childhood nilang lima. Isa na sa nag-suffer si Bowen, nababalitaan ko kay Tita na ilang beses na tinangkang patayin ni Bowen ang sarili niya dahil sinisisi parin niya ng nangyari sa kaniyang sarli." Tumulo ang luha sa aking mata at napayakap sa ulo ni Sir Bowen. I want to protect him, I want to tell him it's not his fault.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon