Chapter 19

701 19 1
                                    

"What are you doing?" Hindi huminto si Aezthal sa pagpupunas sa mukha ni Bowen pero tinignan niya ang binata.

"Ano pa nga ba Sir? Pinupunasan ka, alangan naman dinudumihan ka," sambit ni Aezthal na parang nang-aasar pa pero dahil sa kaniyang tinuran napasimangot si Bowen bago siya naupo kaya naman natigilan si Aezthal at inalalyan niya si Bowen na maupo at sinandal ito sa kama.

Aezthal Pov

"I can do it by myself," sabi ni Bowen. Akma na sana niyang kukunin ito mula kay Aezthal pero inilayo ko ito palayo.

"Mamaya na ito. Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot," sabi ko bago inilagay muli ang towel sa palangana. Hindi naman siguro agad lalamig ito.

Kinuha ko ang bowl na may lamang lugaw na niluto ko bago ko siya akmang susubuan pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig.

"Galit ka parin ba sa akin?" Tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin.

"Grabe naman Sir galit din ako sayo pero binaba ko pride ko para lang bisitahin ka. Pwede ba ibaba mo din pride mo?" Inis na sabi ko bago ko nilapag ang pagkain sa lamesa. Nakakainis lang kasi, hindi ko din maintindihan sarili kung bakit ako nagkakaganito, kahit naiinis ako sa kaniya hindi ko parin mapigilan mag-aalala.

"You shouldn't go here."

"Why not sir? Nilalagnat ka hindi ba? Sabi mo you will take responsibility to me. Hindi sa nag-aalala ko ha! Na-gui-guilty lang ako, iyon lang 'yon!" sabi ko sabay irap sa kaniya pero ang nakkunit niyang kilay at naging kalmado at nagsimula nang kumurba ang ngiti sa kaniyang labi bago siya napailing.

"I'm sorry for shouting at you yesterday Aezthal." Hindi ko siya inimikan sa halip kinuha ko ang lugaw at sumandok bago ko ito tinapat sa kaniyang bibig.

"Say ahhh..." nakangisi kong sambit. Umiling siya pero bahagyang nakangisi din.

Sinimulan niyang isubo ito. Nagkatitigan kaming dalawa habang ngumunguya siya. Napalunok naman ako bago umiwas ng tingin.

"Kaya mo na ba kumain mag-isa?" Tanong ko bago ko siya muling tinignan. Mabilis naman siyang umiling-iling.

"Ouch my heads hurt.." napahawqk siya kaniyang batok bago sa kaniyang bewang." My stomach hurt." Napataas ng ang aking kilay. Ginagago ba ako ng isang ito?

"Pinagloloko mo ba ko Sir?" Tanong ko pero ngumisi naman siya.

"I'm not lying. Hurry up, feed me," sabi niya. Napairap nalang ako bago ko siya pinagpatuloy na subuan.

Naging tahimik na kami habang kumain siya matapos no'n binigay ko sa kaniya ang gamot at ininom naman niya iyon.

Matapos no'n sinumulan kong muling punasan ang mukha niya patungo sa leeg niya, iwas ang tingin ko nang simulan niyang hubarin ang kaniyang damit.

"Kaya mo na ata Sir eh. Ikaw na kaya," sabi ko habang iwas naman ang tingin. Kainis kahit gusto ko tignan 8 packs niya hindi parin pwede.

Huminahon ka Aezthal!

"You clearly saw every part of my body, why you're still shy?" Mapang-asar na sambit niya. Masama ang tingin ko siyang tinapunan ng tingin.

"Shy mo mukha mo," sabi ko at binilisan ang pagpunas ang buo niyang katawan bago ko siya hinagisan ng damit pagkatapos no'n nilagay ko sa noo niya 'yong cooling patch.

"Ayan matulog kana ulit," sabi ko at inalalayan ko siyang mahiga.

"Aezthal—"

"Shh huwag kang magulo, matulog kana par, mamaya wala ka ng lagnat," sambit niya. Hindi naman nakapagreklamo pa si Bowen kaya sinumulan niyang pumikit muli.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon