Aezthal Pov
"Ok na pakiramdam mo?" Tanong ni Rose sa akin nang makapasok ako sa mismong building.
Alam kong alam na niya ang nangyari, kalat ba naman ito sa internet pero syempre lahat ng bad comments tungkol lang kay Eron. Hindi ko din naman masisisi si Sir Bowen kung bakit niya pinarusahan si Eron eh pero sariwa parin. Hindi ko mabatid bakit niya ginagawa iyon para sa akin.
Naguguluhan ako pero at the same time natutuwa kasi nga gusto niya akong ipaghiganti idagdag pa na kasama niya doon sila Kuya Albus, Maximus, Crue, at Rufus, para akong nagkarooon ng bagong kakampi...
Naikwento panga sa akin ni Bowen na binato ni kuya Albus ng cellphone ang mukha si Eron dahil utos daw iyon ni Ate Avery. Grabe naiyak ako kagabi dahil sa over whelmed. Napakabait ng pamilya nila, parang ituring nila ako para akong parte ng kanilang pamilya.
"Huy natutulala kana d'yan." Naibalik ako sa tamang wisyo at tinignan si Rose. Banatili parin pala kami sa aming kinakatayuan
"Ano kasi—" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang may isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan namin sabay na napalingon din si Rose.
Ang garbo naman nito. Doon my isang babaeng lumabas. Napanganga ako nang mapagtanto kung sino ito.
"Aezthal, anak!" Nakangiti nitong bati ang mga malalapit sa amin nagsitinginan habang ako mahiya hiya namang akong umiwas ng tingin. Anong ginagawa ni Mrs.Gastrell dito?!
"Ma'am," tawag ko. Bigla naman niya akong nilapitan at saka ako niyakap ng saglit bago humiwalay at hinawakan ang aking kamay.
"Kamusta ka? Nabalitaan ko ang nangyari! I swear I will make that bastard pay." Gusto kong matawa kasi parang si Sir Bowne talaga siya umasta.
"Naku! Ok lang po ako."
"Hindi parin ok iyon! Pinuntahan kaba ng anak ko? Kinamusta ka naman ba niya? Naku kung hindi makakatikim sa akin ang batang iyon." Napangiwi ako at bahagyang napatingin kay Rose na hindi parin makapaniwala ang kaniyang mukha.
Binalik ko ang aking tingin kay Mrs.Gastrell. "Pinuntahan naman po ako ni Sir Bowen, Ma'am."
"Ma'am? Sir Bowen?" Patanong niyang sambit. Tumango naman ako.
"Opo..."
"Just call me Mom, ano kaba while Bowen, you shouldn't call your fiance like that Ijah." Napaubo sa tabi ko si Rose at ang iba naman napansin kong napahinto at nalaglag ang kanilang hawak.
"A-ah ano po pala ginagawa niyo dito? Samahan kona po kayo sa office ni Sir— Bowen," pag-aaya ko sa kaniya pero inilingan lang niya ako bago niya binuksan ang bag niya. May kinuha siya doon sa loob at inabot sa akin.
Napatulala ako kasi naka envelope pa ito. Shit! Bakit kinakabahan ako.
"Ma'am kahit hindi niyo po ako bayaran lalayuan ko po si Sir Bowen kung iyan po gusto mo." Biglang natahimik ang buong kapaligiran ngunit kaya maya-maya pa biglang napuno ng halakhak ng ginang.
Nagtataka ko naman siyang pinagmasdan.
"Hahahah! You're so funny ijah! I'm not giving you money to stay away from my son masyado kang nagpapniwala sa mga napapanood mo sa tv nako. This is ticket." Sabi niya. Napakunot naman ako ng noo.
"Ticket po saan?" Tanong ko.
"Ticket papuntang Italy." Napanganga nanaman ako sa kaniyang sinabi.
"Po? Doon niyo po ba ako papatirahin para hindi kona po malapitan si Sir Bowen?" Tanong ko biglang natawa nanaman siya at napailing.
"Hahaha no, of course not. May business meeting kasi si Bowen sa Italy, gusto ko sanang samahan mo siya." Kumindat ito dahilan upang mamula ng aking mukha. Bakit? At para saan?!
"Po?"
Hinawakan ni Mrs.Gastrell ang aking kamay at biglang sumeryoso ang kaniyan mukha.
"Pwede ba kitang makausap sa sasakyan?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot pero tumango ako.
Naglakad kami palapit sa sasakyan niya at doon kami pumasok sa loob.
"Ito kasi ang unang pagkakataon na mag-iibang bansa si Bowen ng mag-isa... Nag-aalangan ako ng hindi niya kami kasama..." Sambit niya dahil sa kniyang sinabi mas lalo akong naguluhan.
"Po? Hindi po ba malaki na si Sir Bowen?"
Bigang lumungkot ang kaniyang mukha." Nawala sa amin si Bowen noong bata pa siya, pwersahan siyang kinuha sa amin at pindala sa orphanage. Isang taon siyang nawala sa amin kaya nang may nagbalik sa kaniya sobrang takot na itong umalis sa tabi namin at hindi siya makalayo." Soon ko lang naintindihan kung bakit nag-aalala siya para dito.
"Ijah, hindi ko alam kung bakit pumayag siya ngayon makipag-meeting samantalang binibigay naman niya ang ganoong trabaho sa kuya Albus niya pero sabi niya gusto niyang subukan. Sana naiintidnihan mo ako—" hindi kona siya pinatapos magsalita bagkos ngumiti ako at tumango.
"Naiintindihan ko po kayo. Anong oras po ba flight?" Tanong ko. Tumingin siya sa kaniyang relo.
"30 minutes nalang." Nanlaki ang aking mata. Medyo malayo pa kaya dito ang ariport.
"Po?! Baka hindi ko po maabutan," sabi ko pero ngumisi lang siya.
"Bilisan mo Manong Nestor ha," sabi niya sa driver.
"Yes Madam," sambit nito at sinimulan nang ipaharurot ang sasakyan.
—
Napapakuskos sa kamay si Bowen nang makasampa na siya sa eroplano. Hindi siya sanay sa ganitong feeling. First time niyng maramdam ng takot sa loob ng ilang ton na naging kalmado ang kaniyang pakiramadam.
"Sir are you ok?" Tanong ng stewardess sa kaniya. Pilit naman siyang tumango. Hindi talaga siya komportable, parang aatekihin siya ng kaniyang anxiety.
Nagsimulang mamawis ang kaniyang palad habang kinukuskos ito sa isat-isa, yumuyogyog na din ang kaniyang hita at ilang beses siyang napapatingin kung saan-saan, kasabay pa no'n ang malamig n pawis na namumuo sa kaniyang noo.
Nagsisimulang siya mag-isip ng kung ano-ano, bumabalik ang araw kung saan nailayo siya sa kaniyang magulang, kung saan sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyari noong bata pa sila.
"Bowen calm down," sinimulan niyang pakalmahin ang sarili ngunit hinihingal na siya sa bilis at lakas ng tibok ng kaniyang puso.
Nanginginig at namamawis ang kaniyang kamay.
Sa ganoong kalagayan natigil siya sa pag-pa-panick nang may isang kamay ang pumatong doon. Unti-unti siyang napalingon.
Tila ba nagsimulang huminto ang kaniyang mundo, naging malabo ang lahat ng nakapaligid at mukha lamang ng dalaga na nakahahawak sa kaniyang kamay ang tangi niyang nakikita.
"Sir Bowen." Sa labi nito ay may matamis na ngiti, at ang boses nito ay tila naging isang himig sa kaniyang pandinig. Ang mala candy nitong amoy ang nagsimulang magpakalma sa kaniyang kalooban.
Habang pinagmamwsdan niya ang dalaga bumilis at lumakas ang tibok ng kaniyang puso at alam nitang hindi na iyon dahil sa kaniyang anxiety kundi sa dalagang biglang sumulpot sa kaniyang harapan.
"Sasamahan kita Sir. Hindi ka nag-iisa." Doon na siya tuluyang nawalan ng ulirat nang marinig niya ito. Napahawak si Bowen sa kaniyang dibdib. Hindi ito ang unang pagkakataon na naramdaman niya ito at alam na niya ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon.
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
RomanceBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...