Chapter 33

639 15 0
                                    

"Sir ang ganda dito," bulong ni Aezthal. Gabi na ngayon at nandito sila nakaupo sa dalampasigan.

Tinupad ni Bowen ang gusto ni Aezthal kaya naman nandito sila ngayon nakasamid sa karagatan na walang tigil sa pag-agos.

"Aezthal... I'm sorry," bulong ni Bowen. Napakunot naman ng noo si Aezthal dahil wala naman siyang matandaang kasalanan ni Bow sa kaniua.

"Huh? Para saan naman Sir?" Tanong niya. Nagkatitigan silang dalawa ng binata.

"For not telling the truth... I-I was afriad that if you found out the truth about my past you will hate me—" hinaplos ni Aezthal ang pisngi ni Bowen dahilan upang matigilan ito sa pagsasalita.

"I know..." Bulong niya. Nanlaki naman ang mata ni Bowen pero ngumiti naman si Aezthal at patuloy lang ang paghaplos niya sa pinsgi ng binata. "And I don't hate you... It's not your fault... Stop blaming yourself."

Napansin ni Aezthal na naluluha ang mata ni Bowne. "Paano mo nalaman?"

"Bellatrix..." Medyo napaatras naman si Bowem pero hinila siya pabalik ni Aezthal. "She help me to bring you homenwhen you pass out. Sinabi niya sa akin ang lahat... Maging siya sinisissi ang sarili sa ginawa ng kaniyang ama... Sir, hindi mo kasalanan kung bakit kayo na-kidnapped, plano na nila iyon kaya wala kang kasalanan," pagpapaintindi ni Aezthal kay Bowen.

"Y-you..." Umiling iling si Aezthal.

"Binigyan tayo ng diyos ng buhay, hindi upang sayangin ito... May purpose ka dahil nandito ka, hindi ka parin niya pinapabayaan kahit ilang beses mo ng tinangkang kitilin ang iyong buhay... Sir sana naman pahalagahan mo na itong buhay mo na ito... Sasamahan kita..." Hindi nakaimik si Bowen. Si Aezthal ang unang taong nakapagsalita ng ganoon sa kaniya na talagang ipinasok niya sa kaniyang isipan, maging ang kaniyang magulang na paulit-ulit sinasabi ang katagang wala siyang kasalanan hindi niya napakinggan ngunit tila isang tala ang dalaga upang pakinggan niya ito.

"Salamat..." Napangiti na si Aezthal at nag-thumbs up pa.

"Wala iyon. Ayaw ko lang nagkakaganyan ka sa nakaraan, kalimutan mo iyon dahil mas mahalaga ang kasalukuyan. Ang nakaraan ay masasabi mong isang masalimuot na panaginip at ang magandang mangyayari naman ay isang napakagandang panaginip..." Naramdaman naman ni Bowen ang paggaan ng kaniyang dibdib. All this years ngayon lamang niya naramdaman ito, at dahil doon hinila niya si Aezthal upang hagkan ang dalaga.

Noong una natigilan si Aezthal ngunit kalaunan napangiti siya at sinimulang tapikin ang likod ng binata.. "Ang sarap mabuhay... Malaya ka kung anong gusto mong gawin sa future... Malaya ka magmahal at sumaya..." Mahinanag sambit ni Aezthal, gusto niyang pahalagahan lahat ng meron siya ngayon.

"Salamat... Ikaw ang naging kasama ko maging noong bata palang tayo at ikaw parin ang nagpapagaan ng loob ko hanggang ngayon." Napahiwalay naman ng yakap si Aezthal at nakakunot ang noong tinignan si Bowen.

"Anong ibig mong sabihin Sir?" Tanong niya. Lumingon naman si Bowen sa dalampasigan bago ipinalupot ang kamay sa bewang ni Aezthal.

"Do you remember the little guy you met in the orphanage? The one who promise to marry you?" Tanong niya. Banlaki ang mata ni Aezthal na tinignan si Bowen.

"Teka, huwag mong sabihing ikaw iyon?!" Sigaw ni Aezthat. Nilingon siya ni Bowen bago tumango.

"Thank you, ikaw ang naging dahilan kung bakit nakabalik muli ako sa aking pamilya..." Napanguso naman si Aezthal dahil doon.

"Pero hindi mona ako hinanap matapos no'n, magkaibigan ang ating magulang ngunit hindi kana nagpakita pang muli," parang nagtatampo niyang sambit dahilan upang mapangisi si Bowen.

"I'm sorry, nag-stay ako sa hospital ng ilang buwan... Hindi ako lumalabas ng ilang taon pero noong nag -teenager ako sinubukan kitang hanapin ngunit tanging puntod nalamang ng iyong naging magulang ang aking nadatnan... Pumunta ako doon upang magpasalamat ngunit wala kana," pag-amin ng binata.

Nabalot ng lungkot ang mata ni Aezthal. "Namatay sila dahil sa isang kasakiman din... Pinalabas na aksidente ang nangyari kahit sadya naman talagang binangga ang kotse nila, ang pamilya ng magulang namin ni kuya hindi kami natanggap kaya pinalayas kamis sa aming tahanan..." Tumalim ang tingin at napakuyom ng kamao ni Bowen.

"Tell me who they are! I will make them pay!" Imbis na matakot sa matalim at malalim na boses ni Bowen sumilay ang ngiti sa labi ni Aezthal at pabiro pa niyang pinalo si Bowen sa braso.

"Huwag ka ngang nagbibiro... Hayaan mo na, masaya naman na ako ngayon kaya ikaw Sir maging masaya kana din! Fighting!" Pagpapalakas ng loob niyang sambit at talagang tinaas pa ang kaniyang kamay.

"Paano?" Inangat ng bahagya ni Bowen ang kaniyang kamay, inulit naman ni Aezthal ang kaniyang ginawa.

"Fighting!"

"F-fighting!" Itinaas din ni Bowen ang kaniyang kamay. Parehas silang natawa at bago nahiga sa buhanginan, nakaunan naman ang ulo ni Aezthal sa braso ni Bowen habang ang tingin ay nasa kalangitan.

"Sir tignan mo iyon oh, ang laking star." Tinuro ni Aezthal ang star na kaniyang nasilayan kaya naman napatingin doon si Bowen.

"Kasing laki ng puso mo." Napailing naman si Aezthal sa banat na iyon ni Bowen.

"Hay naku, sobrang laki kaya niyan pag malapitan."

"Hindi ko sinasabing aktwal ma kasing laki. What I mean is it's like your heart, it's full of love." Hindi na maiwasan ni Aezthal ang mamula ang kaniyang pisngi at hanggang tenga na ang kaniyang ngiti. Talagang tinatamaan siya sa banat na iyon ni Bowen.

Napaupo si Aezthal at tinignan si Bowen na nanatiling nakahiga parin. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa binata habang nakasilay ang ngiti sa labi niya. Pinagmasdan naman ito ng binata ngunit maya-maya pa kinuha  ito binata at tuluyan nang naupo sa tabi niya.

"Tara tumayo," sambit ni Aezthal. Doon naman sila tumayo at saka tinaas ni Aezthal ang kamay nilang dalawa dahil magkahawak parin ang mga ito.

Nagtataka man si Bowen pero sumunod nalang siya sa gustong gawin ni Aezthal kahit wala siyang idea kung para saan iyon..

Dumampi ang hangin sa kanilang mga mukha. Napapikit ang dalaga habang si Bowen naman ay pinagmamasdan ang nakapikit na mata ng dalaga.

Ramdam ni Aezthal ang saya sa kaniyang kalooban,nmakasama lamang ang binatang laman ng kaniyang puso.

"Sana maulit ito..." Sambit ni Aezthal. Napalunok naman ng malapot si Bowen pero kalaunan kumurba ang ngiti sa kaniyang mga labi at saka napatingin sa harapan.

"This will happen agian... I promise you..."

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon