Mahina akong kumatok sa pintuan habang bagsak ang aking balikat.
"Come in." Napabuntong hininga ako bago ako pumasok.
Naglakad ako papunta sa harapan ng lamesa niya bigla naman siyang napaangat ng tingin at mukhang hindi niya inaasahan na ako ito.
"What are you doing here Ms.Ramos?" Malamig na tinig niyang tanong. Unti-unti ko namang inilapag ang paper bag sa lamesa niya.
"Para sa inyo po," sabi ko. Sa totoo lang wala talaga akong mood pumasok ngayon dahil sa nakita ko kahapon pero ayaw kong magmukhang kawawa kaya naman pinipilit kong maging ok.
Tatlong taon akong naghintay para kay Sir Eron na mapansin niya ako pero no'ng akala kong nangyari na nga na gusto ko bigla naman nagkaganito ang inakala kong napakabait na tao isa palang manloloko.
"Didn't I say, I won't eat something from stranger." Napapikit ako upang pakalmahin ang sarili ko, baka pag hindi ako nakapagtiis mababangasan ko ito.
Iminulat ko ang aking mata at tinignan siya. "Sir hindi po ako pumunta dito para makipagbangayan, not today." Sambit ko habang seryosong nakatingin sa kaniya. Napansin ko namang napasandal siya sa swivel chair at mataam akong tinitigan.
"Then spill what do you need from me," he said with authorization. Muli akong napabuntong hininga, ang hirap pala maging kalmado sa isang 'to.
"Magpapasalamat po sana ako sa ginawa niyo para sa kuya ko, tinatanaw ko pong utang na loob iyon," sabi ko habang nakatitig lamang sa kaniya. Bakit ngayon ko lang napansin, hindi pala siya mukhang nerd talaga, siya nga lang ata ang nakita kong nakasalamin na may itsura parin ang kaso plastik nga lang.
"That's it?" Napakunot ako ng noo ss kaniyang sinabi.
"Ayun lang," sabi ko. Ano pa ba dapat kong sabihin na maganda sa kaniya? Kung panget lang ang sasabihin ko sa harapan niya baka abutin kami ng bukas dito sa dami ng kapintasan sa pag-uugali niya.
"Then get out." Napanganga ako sa kaniyang sinabi pero kalaunan napasimangot at biglang tumalikod. Maluha luha akong naglakad paalis, kainis para lang akong nagmumukhang tanga eh.
_
3rd pov
Nakangisi si Bowen nang tumalikod na si Aezthal ngunit natigilan lang siya nang makitang nangingilid ang luha sa mga mata nito. Napatikom siya ng bibig bago umiwas ng tingin dahil sa hindi malamang dahilan, hindi niya makuhang nakita ito.
Nang makalabas na ng kwarto si Aezthal tinignan ni Bowen ang paper bag at binuksan niya ito, naamoy niya ng matamis na amoy mula doon, saktong merong tumawag sa kaniyang telepono.
Pinulot niya ito at napatayo nang makita ang pangalan ni Crue.
"Kuya where are you?" Bungad nito sa tawag. Napakunot ng noo si Bowen dahil sa narinig niya.
"Why?"
"You see, a girl was following me. Can you help me?!" Ito na ang inaasahan ni Bowen. Sa tuwing may kalokohan itong ginagawa, laging siya ang tinatakbuhan hindi naman niya matakbuhan si Albus dahil sa may asawa na ito ngayon at ayaw nitong magpahawak sa kahit na sino kahit noong wala pa siyang asawa.
Wala sa wishing pinupot ni bowen ang isng piraso ng graham ball at kinagat ito dahil sa inis niya s kaniyang kapatid .
"Crue, I have a girlfriend. Manage your own mess!" Inis na sambit niya.
"Kuya naman, ikaw lang ang pinakamatino sa atin, sige na! Si Rufus hindi ko maasahan iyon baka nga isumbong pa ako kay Mom, edi natali ako ng wala sa oras tapos si Maximus naman mapagsasalita mo ba iyon?! Kuya help me this one please!"
Inilayo ni Bowen ang cellphone sa tenga niya at pinatay ang tawag nito sabay sinubo ang huling kagat sa isang pinulot niyang Graham ball.
Nginuya ito ni Bowen pero kalaunan natigilan siya at unti-unting nilipat ang kaniyang tingin sa lamesa kung, saan nandoon ng Graham ball at tatlong piraso nalang ang natira.
Napanganga siya habang nalalasahan parin ito. Hindi niya inakala na masasarapan siya.
Hindi makapaniwala si Bowen hanggang sa hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nakatulala sa lamesa niya.
Napaupo si Bowen sa swivel chair at napahilot siya sa kaniyang sintido.
Lumipas ang ilang oras umilis na din siya at naglakad si Bowen paalis dahil may pupuntahan din siya, sa isa hotel na pagmamayari niya, kaylangan din niya itong bisitahin at ang iba pa.
Habang naglalakad si Bowen napatingin si Bowen sa kaniyang cellphone dahil nagchat si Chloe na magkita sila mamayang gabi.
Habang nasa ganoon siyang kalagayan sakto namang naglalakad si Aezthal habang tulak ang lagayan niya ang tool. Sa harapan lang ang kaniyang tingin ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nagulungan ng kaniyang tulak-tulak kung ano na bigla niyang nadaanan kasunod noon ay ang pagbulagta ng isang lalaki sa gilid niya.
"Aray!" Umalingaw-ngaw ang sigaw na iyon, nanlalaki ang mata ni Aezthal na napatingin sa taong iyon.
"Naku!" Nag-aalalang sambit ni Aezthal at nilapitan si Bowen, tinutulungan niya itong tumayo ngunit hindi kaya ni Bowen.
"Shit!" Pagmumura ng binata habang si Aezthal natataranta na.
"Tulong!" Sigaw ni Aezthal, saktong may isang lalaki siyang kasamahan na napadaan, napalingon ito sa kanila.
"Sir? Anong nangyari?" Tanong nito.
"Tama na muna ang tanong. Tulungan mo muna akong dalhin siya sa hospital," sambit ni Aezthal. Talagang natataranta na ito sa nangyayari ngunit buong lakas nilang dalawa na pinatayo si Bowen na napapangiwi nalang sa sakit ng kaniyang paa.
"Oh sige," sabi ng lalaki bago sila naglakad palabas ng building.
Tinginan ang mga tao doon ngunit hindi na nila ito pinansin kumuha sila ng taxi at si Aezthal nalang ang kasama ni Bowen.
Nang makarating sila sa ER inasikaso agad si Bowen. "Nagkaroon lang ng pamamag dahil sa nangyari, babalik dito ito sa dati sa loob ng isang linggo kaylangan lang nitong magpahinga."
Sambit ng doctor bago tinignan #i Aezthal na maluluha na dahil kanina pa niya sinisisi ang kaniyang sarili.
Napatingin si Bowen kay Aezthat at masama ng tingin nito sa dalaga. "Great, you really do a great job this time Miss Ramos."
Napalunok si Aezthal. "Sir, hindi ko lang naman po kasalan iyon, kasi nga hindi din naman kayo tumitingin sa dinadaanan niyo, nakita ko kaya cellphone niyo for sure doon kayo nakatingin kaya kayo napadaan ng tulak tulak ko," pagtatanggol ni Aezthal sa kaniyang sarili.
Napanganga naman ang doctor habang pinapanood silang dalawa.
"Oh, really? Sino ba ang nakadisgrasya sa ako ako ba?" Napataas ng kamay ang doctor upang awatin ang dalawa pero wala ni isa sa kanila ang nagpapaawat.
"Kasalan talaga ng cellphone iyon!"
"Not, it's your fault."
"No, it's not! It's you!"
"You."
"You!" Natataranta na ang ang doctor maging ang mga nurse na nakakarinig naguguluhan na din.
"Ma'am, Sir. Please calm down a bit..."
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
RomansBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...