Amoy mint? Teka nga...
Nanlalaki ang mata kong napaatras at mas nanlalaki ang mata kong makitang nakaupo si Sir Bowen habang gulo ang kaniyang glasses.
Teka... Napatingin ako sa inuupuan ko. Shit...
Nagkatitigan kaming dalawa at ewan ko biglang lumakas ang tibok ng puso ko....
"Get up," smbit nito sa malamig niyang timig. Napanganga ko nang maramdaman ko ang kung anong matigas sa aking kandungan
Namumula ang tenga akong napatayo at napaaatras.
"S-sorry sir-" napansin kong tatayo na sana siya pero biglang namatay ang ilaw at biglaang huminto ang elevator, dahil doon nawalan ako ng balanse at muli akong napaupo ngunit sa hindi inaasahang pangyayari napasubsob ako sa kung ano.
Ramdan ko ang mainit na labi na nakadikit sa aking labi habang bahagya kong nakagat ang bahaging iyon.
Nanlalaki ang aking mata at bigla muling sumindi ang ilaw.
Nagkatingin kami ni Sir Bowen at napagtanto ng nangyari. Mas lalo akong nagulantang nang makitang magkalapat ang aming labi.
Mabilis akong napatayo at ganoon din naman siya.
Ano bang kamalasan ng nangyayari?!
Napahawak ako sa aking labi habang napapatingin sa kaniya. "Sorry," sabay naming sabi at dahil doon nagkatitigan kaming muli ngunit kalaunan napaiwas kaming pareho ng tingin.
"Woof woof." Nabaling ang atensyon ko sa aso at tinatahulan na kami ngunit maya-maya pa pinuntahan ako nito dahil at biglang tinulak ang paa ko kaya napahakbang ako hanggang sa maidikit muli kay Sir Bowen. Naamoy kong muli ang kaniyang katawan.
Napaangat ako ng tingin.
"What are you doing?" Tanong niya. Biglang sumama ang aking tingin at mabilis na humiwalay bago tinuro ng aso.
"Iyan kasing aso hindi naman po kita hahawakan kung hindi dahil sa kaniya eh," sabi ko bago umatras hanggang sa maitama ako sa pinkadulo ng elevator.
Hindi naman siya sumagot sa halip nakita kong binuhat niya 'yong aso.
"T-teka aso mo yan Sir Bowen?!" Sigaw. Napansin kong tila nagulat siya dahil biglang gumalaw ng bahagya ang katawan niya.
"Why are you shouting? Only us is here," sabi niya pero hindi ko ito pinansin
"Well Sir Bowen para sabihin ko sa iyo bawal ang aso dito," pagpapangaral ko sa kaniya habang nakapamewang pa.
Napaawang ng bahagya ang kaniyang bibig habang hinahaplos ang balahibo ng aso.
"Para sabihin ko din sayo Ms.Ramos this is my building, I can do everything I want," sabi niya. Dahil sa sinabi niya napasimangot ako, kasi totoo nman.
"Sabi ko nga, hindi ko naman sinabi na hindi sa'yo yung building eh," bulong ko pero biglang napasama ang tingin niya sa akin. Mukhang narinig nga niya ang sinabi ko.
"I can hear you," sabi ng kaniyang malamig na tinig.
"Syempre the sir may tenga ka_ este mali po kayo ng narinig hehe," pagiiba ko. Mamaya kasi pag sumobra ako ng sasabihin tanggalin na talaga niya ako sa trabaho.
Tinitigan naman niya ako kaya napasipol ako bago naptingin ako sa paligid. Hindi parin kasi umaandar ang elevator.
Naupo nalang ako sa sahig kasunod naman nung aso na biglang tumalon at pumunta sa kandungan ko.
Aww ang cute.
Tinignan ko ang brown niyang balahibo habang labas pa ang dila niya. "Do you want snack? So cutiee," pinaggigilan ko ito at hinalikan pa ang noo.
Gusto ko din kasi talaga magkaroon ng aso ang kaso si Kuya Brent may allergy sa balahibo kaya hindi ako nakapagalaga.
Umalis ang aso sa kandungan ko bago niya iwinagayway ang kaniyang buntot habang tumatalon talon pa. Itinaas ko naman kamay ko sa malapit sa ulunan niya at nagsisimula na siyang naglalaro.
Nakangiti ko habang ginagawa niya iyon. "Ang ganda ng balahibo mo para kang pinagsamang kape at gatas," sabi ko bago ko siya ulit binuhat.
—
3rd POV
"Anong pangalan mo baby?" Tanong ni Aezthal. Bahagya namang napatingin si Bowen sa kanila at pinapanood si Aezthal na nilalaro ang bagong bili niyang aso. Ireregalo niya ito sa kaniyang fiance na si Clhoe at kakabili lang niya ito kanina.
Tumahol ang aso kay Aezthal. "Wala kapang name? Ok tatawagin nalang kitang 3 in 1 dahil para kang instant coffee hahaha." Napatikhim si Bowen ngunit nakita naman niyang niyakap muli ni Aezthal ang aso niya habang pinanggigigilan.
"Ang cute, kung pwede lang ako mag-alaga ng aso inuwi na kita kaso bawal si kuya eh, at saka iyong amo mo masungit." Wala ng pakealam si Aezthal kung marinig pa siya ni Bowen.
Napakunot lamang ng noo si Bowen ng sa kaniyang narinig, handa na sana siyabg magsasalita pero saktong tuluyan nang umandar ang elevator kaya naman napatayo naman si Aezthal habang buhat ang aso.
"Here," sabi niya at inabot kay Bowen ang aso. "Hope we see each other again my love." Napatulala si Bowen sa mukha ni Aezthal habang nilalaro ang aso sa kamay niya at mas nagpatulala pa nito nang tawagin nitong 'my love' ang aso niya. Tila isang matamis na timig ang kaniyang na rinig.
Nang himito na ang elevator umalis na din si Aezthal ng hindi nagpapaalam kay Bowen.
Nang maibalik sa tamang wisyo si Bowen mabilis niyang ipinilig ang kaniyang ulo bago siya lumabas nh elevator.
—
Aezthal Pov
Lumipas ang ilang oras sa wakas tapos na din ang trabaho ko.
Dumiretso ako sa may stock room ngunit bago paman ako makarating doon nakasalubong ko na si Rose, nakangiti ito ng malapad.
"Hoy totoo ba nililigawan kana ni Sir Eron? Pinagkalat na niya sa buong hotel." Biglang namula ang aking pisngi sa aking narinig.
"Ano?" Utal kong tanong. Grabe hindi talaga ako makapaniwala. Wala naman akong balak ilihim eh, natuwa pa nga ako kasi hindi siya katulad ng ibang lalaki na kinakahiya ang girlfriend nila, pero hindi pa naman niya ako girlfriend eh.
"Oo kaya, shet ikaw na. Grabe kinikilig kaya kami tapos alam mo ba nakita namin siya kanina may hawak siyang malaking bouquet ng roses," sabi niya. Napangiti ako sa aking narinig.
"Talaga? Saglit itatapon kona itong basura pata makauwi na ako, kunwari wala akong narinig ha," sabi ko. Napapailing naman siya habang ako tumakbo ako palabas sa likod ng building.
Nang makarating ako doon itatapon kona sana ng basura nang makita ko ang isang paper bag.
Biglang nag-init ang ulo ko nang mapagtantong ito ang binigay ko kay Sir Bowen.
Nakaka-badtrip lang, pinaghirpan ko iyon pero tinapon lang niya.
Unti-unti kong itinapon ang basura bago maluhaluhang napayuko.
"Eron hindi dapat natin gawin ito dito, paano kung may makakita?" Nagpantig ang aking tenga nang marinig ito. Bigla akong napaupo sa likod ng basurahan at saka bahagyang sumilip.
Napansin kong may dalawng taong naghahalikan doon sa gilid, kitang kita ko mga mukha nilang dalawa.
Ang luhang pinipigilan ko kanina dahil sa galit kay Sir Bowen bigla nalang tumulo dahil sa nasaksihan ko.
Hayop...
Napapunas ako sa aking luha bago kinapa ang aking cellphone bago ito kinuhanan ng picture matapos muli akong napatingin at kasalukuyn arin silang naghahalikan.
Tumayo ko at nagmadaling pumasok sa loob ng building...
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
RomanceBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...