Chapter 17

678 11 2
                                    

"Oh Aezthal, ok ka lang ba?" Tanong ni Rose sa akin habang nagpapalit ako ng damit.

Lumungon ako bago ko siya tinanguan.

"Oo naman. Bakit ba?" Tanong ko nang tuluyan ko ng maisuot ang uniform namin.

"Para ka kasing napuyat. Ang putla din ngukha mo, don't tell me iniisip mo parin nangyari kahapon?" Tanong nitong muli. Natigil naman ako sa pagsara ng pintuan ng locker ko. Naalala ko nanaman kahapon noong nagkasagutan kami ni Sir Bowen.

Hindi na kami muling nag-usap pa, dapat nga balak naming kumain ng lunch ng sabay pero hindi na nangyari. Nakakainis lang kasi sa akin pa siya galit samantalang pinagkakalat na ng hinayupak na Eron na iyon ang kasinungalingang hindi ko naman ginawa, I'm just defining my self and also him.

"Ayos lang talaga ako. Tara na," sabi ko bago ko siya iniwan at nagpatuloy nalang sa pagtratrabaho.

Halos kalahating araw akong ganoon pero nakikita ko nalang sa salamin nakatulala na pala ako, ewan ko ba bakit ang lakas ng tama ng pag-aaway namin ni Sir Bowen.

"Tara na Aezthal mag lunch." Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya pero napatingin ako sa itaas kahit hindi ko naman kita ang room ni Sir Bowen.

Napabuntong hininga ako bago pingpatuloy ang paglalakad papatungong canteen.

Nang makarating na kami doon nag-order na kami ng pagkain, pagkatapos non ay naghanap kami ng mauupuan.

"Aezthal, so peke lang ang balita na sinulot mo si Sir Bowen?" Tanong niya, halos mabulunan pa ako sa sinabi niya.

"Ano?!"

"Kasi iyon ang sabi-sabi kahapon. Pasensya kana ayaw ko lang kasing madamay kahapon." Napabuntong hininga ako. Dito ko talaga makikita ang isang kaibigan at isang matalik na kaibigan.

Kung si Valencia siguro ang nakarinig baka bugbog sarado silang lahat.

"Ok lang naiintindihan ko naman at saka noong araw kasi na iyon nadisgrasya ko paa ni Sir Bowen kaya sinamahan ko siya eh saktong iyong girlfriend pala niya 'yong kahalikan ni Sir Eron kaya naisabi ko." Naiinis parin talaga ako sa tuwing naaalala ko ang eksenang iyon.

"Pero bakit sinabi mo?" Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"Huh? Anong gagawin ko? Tatayo nalang? Rose hindi ko gusto si Sir Bowen pero kahit sinong tao hindi ko pagkakaitan ng katotohanan. His girlfriend is cheating on him at malapit na silang ikasal, sa tingin mo matatake ko 'yong guilt?" Sabi ko. Pangengealam man o hindi, hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon.

"You're right..." Bulong niya. Napabuntong hininga nalang muli ako.

"Hindi pa naman kayo tapos kumain right? Pwede ba akong sumabay?" Parehas kaming napaangat ng tingin at nakita namin ang secretary ni Sir Bowen na si Kristen.

Nginitian ko siya saka tumango. "Ngayon ka lang ata lumabas. Hindi ka nag break time?" Tanong ni Rose. Friendly kasi itong si Kristen kahit bago palang siya.

"Oo eh, nag-sick leave si Sir Bowen kaya naman balik-balik ko sa isa pang hotel." Nanlaki ang mata ko at biglaang napatayo.

"Sick Leave?" Natigilan naman siya sa pagsubo ng kaniyang pagkain at nagtatakang napatingin sa akin.

"Oo. Tinawagan niya ako kanina na hindi siya makakapasok at nilalagnat daw siya—" hindi kona siya pinatapos magsalita at nagmadli nalang akong tumakbo.

"Aezthal saan ka pupunta?" Sigaw ni Rose pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Pumunta ako sa locker room at nagpalit ng damit bago kinuha ang bag ko

Karipas ang takbo kong pumunta sa labas para mag-abang ng sasakyan.

Nang makakita ako ng tricycle sumakay agad ako.

Sinabi ko lang ang address kay manong driver at saka siya nagpatuloy na mag-drive.

Mga ilang minuto ang nakakalipas pumunta ako sa bahay ni Sir Bowen pero nagtungo ako  sa kwarto walang tao.

"Asan kaya iyon?" Tanong ko sa aking sarili.

Tumakbo akong muli palabas, mabuti nalang hindi pa nakakaalis sa manong.

"Manong tara ulit." Muli kong sinabi ang address, sa pagkakagaon na ito ang address ng magulang ni Sir Bowen baka kasi nandoon siya.

Malapit lang naman ito kaya nakarating din ako agad.

Nang makarating ko pumunta agad ko sa guardhouse.

"Sino po sila?" Tanong ng guard, mukhang hindi pa niya ako kilala.

"Nandiyan po ba si Sir Bowen?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako taas baba.

"Pasensya na Ma'am, hindi po kami pwedeng magpapasok ng kung sino dito." Napabuntong hininga naman ako dahil doon, akala ko pa naman mapapakiusapan ko siya about dito.

"Sige na manong," pagmamakaawa ko pero bago palang siya makasagot may isang sasakyan ang dumating at binuksan nito ang bintana nang makatapat siya sa akin.

"Sir Maximus nandito ka na pala," sambit ng guard at bago kumaripas ang takbo upang buksan ang gate.

"You're Aezthal?" Tanong niya. Tumango naman ako. Hinihintay ko siyang magtanong pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"A-ah bibisitahin ko sana si Sir Bowen ang kaso hindi daw ako pwedeng pumasok," sabi ko. Ano bang klaseng lalaking ito.

Nakita ko siyang may pinindot at kusang bumukas ang pintuan.

Tumango siya, nanatili naman ako sa aking kinakatayuan pepo hindi siya nagsalita kaya naman dalian akong pumasok sa loob ng kaniyang kotse.

Nang maisara niya ang pintuan pinaandar na din niya ito. Nanatili naman akong nakaupo, napakatahimik sa loob ng sasakyan niya buti hindi siya napapanisan ng laway.

Mga ilang minutong pada-drive nakarating na din kami sa pinaka mansyon. Hininto niya agad ang sasakay at saka siya lumabas kaya sumunod nalang ako.

May nagbukas ng pintuan at bumungad ang mga katulong sa amin.

"Good morning Sir Maximus," bati nila pero nailipat ang tingin nila sa akin.

"Son you're here. Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Napatingin ako sa babaeng naglakad pababa.

"Mn." Laglag ng panga ko sa sagot niya sa kaniyang ina. Siya na ata ang pinakatamad na tao nakilala ko.

Nailipat ang tingin sa amin ng ginang, nanlaki ang lata niya pero kalaunan napangiti bago niya ako nilapitan at hinagkan.

"Anong ginagawa mo dito ijah?" Tanong niya. Ngumiti naman ako.

"Nillagnat daw po si Sir Bowen, pwede ko po ba siyang bisitahin?" Nagkatinginan si  si Maximus at ang ginang bago kumurba ang ngiti sa labi ng babae.

"Ngayon lang may bumisita kay Bowen pag nilalagnat siya. Halika ihahatid kita sa kwarto niya," sabi niya. Nagtaka naman ako, ibig sabihin hindi manlang siya binibisita ni Chloe pag nilalagnat siya?

Naglakad kami papuntang hagdan halos mangalay ang paa ko sa taas ng nilakaran namin at sa layo ng magkakahiwalay na kwarto.

Ngawit ang aking paa nang makarating kami.

Binuksan niya ang pintuan. "Andyan siya, mainwan ko na muna kayo ah," sabi niya bago niya ako bineso, matapos non ay umalis na din siya habang ako naman nagalakad patungo kay Sir Bowen. Nakatulog ito sa may kama kaya naman nilapitan ko siya.

"Hmmm..." Biglang  niyang hinila ang aking kamay at hinigpitan ang kapit doon.

Nanlambot ang aking puso habang pumupilig ang kaniyang ulo.

"Chloe..."

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon