Chapter 36

631 16 0
                                    

1 week later

Mapungay ang mata ni Aezthal na bumangon.

Hanggang ngayon lumuluha parin siya sa nangyayari ngunit sa isang linggo na iyon ang kasama naman niya ay si Brent dahil nag-leave muna ito sa trabaho.

Lumabas sa kwarto si Aezthal. Nanghihina parin ang kaniyang katawan ngunit pinilit niya ang sariling labasin ang kaniyang kapatid upang makita ito.

"Ma'am Avery pasensya na po talaga, hindi ko po maiwan kapatid ko ngayon eh." Rinig kong sabi ni Kuya.

"Ok lang naman, ipapasara ko nalang ang shop ko ngayon. Pakikamusta nalang ako kay Aezthal ha..." Nalaman namin na si Ate Avery na asawa ni Kuya Albus ang boss ni Brent, hindi naman na malaking gulat ito para sa amin. Nagpapasalamat parin ako kasi talagang mabait si Ate Avery.

"Salamat po." Iyon ang huling sinabi ni Kuya bago ko siya nakitang ibinaba ang cellphone. Lumingon siya kaya napansin niya akong nakatayo sa hindi kalayuan sa kaniya.

Napuno muli ng kaba ang kaniyang mukha bago ako nilapitan at hinawakan ang aking balikat upang ako'y alalayan dahil hanggang ngayon nanghihina parin ako.

Pabigat na nga ako sa kaniya pati trabaho niya napapabayaan na niya...

Napatingin ako sa kaniyang kamay. "Pumasok kana Kuya..." Bulong ko bago siya binigyan ng ngiti.

"Hindi kapa pwede iwan dito, paano kung may mangyari sa'yo?" Umiling iling naman ako.

"Kuya trabaho mo iyon, a-ayaw ko naman na magpabigat sayo... A-alam kong mahalaga mo trabaho mo at pag nagpatuloy kang hindi pumapasok mapaalis ka—" hinawakan niya ang aking ulo at kinusot ito.

"Mas mahalaga ka sa akin tandaan mo iyan. Mawala na sa akin ang lahat h'wag lang ikaw, kaya huwag mo akong pilitin iwan ka dito at hindi ko minsan inisip na pabigat ka... Simula nang mawala sila Nanay at Tatay nangako ako sa sarili ko na hindi kita iiwan lalo na ngayong kaylangan na kaylangan mo ako..." Muling tumulo ng luha sa aking mata. Hindi kona mabilang kung nakailang pagluha na ba ako sa buong linggo. Walang araw na hindi ako umiiyak, inaalala ko ang aming anak... At siya... Alam ko ngayon ang araw ng kasal niya... Ilang oras nalang talagang mawawala na siya sa akin.

"Salamat kuya..."

"Ganito nalang bibili lang ako ng sahog para sa carbonara, babalik din ako, ipagluluto kita," sabi niya. Tumango naman ako muli. Kinusot niya ang aking buhok at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

Never niyang sinabi sa akin na kaylangan ko ng tumahan o tumigil sa pag-iyak bagkos wala siyang imik na niyayayakap ako sa tuwing umiiyak... Pareho sila ni Valencia n hindi sila umalis sa tabi ko.

"Papunta na dito si Valencia kaya naman magiingat ka dito." Tumango ako. Muli niya akong tinapunan ng tingin, ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. Bakit parang pakirandam ko hindi kona siya makikita pagkatapos nito?

Gusto kong tawagin si Kuya nang makalabas siya pero nanunuyo ang aking lalamunan at walang kahit na anong tunog ang lumabas galing doon.

Nang makaalis si Kuya dumiretso nalang ako papuntang upuan at naupo doon ngunit napatingin ako sa isang magazine na nakapatong sa maliit na mesa doon ko nakita   ang magazine kung saan nakabuklat iyon sa mukha ni Sir Bowen. Mapait akong napangiti at saka ko ito kinuha.

Idinampi ko ng aking kamay sa kaniyang mukha... Ito ang mukhang sinabi kong kinamumuhian ko... Sinabihan kong mukhang nerd at plastik pero hindi ko inakala kung sino pa ang lalaking kinamumuhian ko noong una kong masilayan iyon pa ang lalaking iibigin ko... Iaalayan ng lahat...

Kung buhay pa ba ng anak namin may lakas ng loob ba akong pumunta sa kasal nila ngayon? Upang tumutol? Kung ganoon nga meron pa akong laban ngunit ngayon wala na... Namatay ang aming anak dahil sa pagiging tanga ko... Napabayaan ko siya...

"Tao po." Naibaba ko ang magazine at napatayo bago ko pinagbuksan kung sino ang kumakatok.

Nang mabuksan ko ito bumungad sa akin ang apat na naggwagwapuhang kalalakihan... Kahawig nila ang taong laman ng aking puso.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Sumilay ang mapilyo nilang ngiti.

"Maari ba kaming pumasok?" Hindi ako nakasagot ngunit gumilid ako para makapasok sila. Doon nila mismo inanyayahan ang kanilang sarili na naupo sa aming upuan kaya naman sinundan ko nalang sila.


"Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Napaka galang naman. Nandito lang naman kami para baguhin isip mo." Kumindat pa na sabi ni Crue pero hindi ko pinansin ang kaniyang ginawa.

"Wala kana bang balak na pigilan ang kasal?" Tanong ni Kuya Albus. Napalunok ako ng malapot at desidido akong tumango. Alam ko kakamuhian niya ako pag nalaman niyang kasalanan ko kung bakit nalaglag ang aming anak.

"Ganiyan na ba ang Aezthal nakilala namin?" Napatingin ako kay Rufus. Nakakunot ang kaniyang noo pero hindi ako nakaimik.

"Aezthal go back tell him you're against this f*cking marriage." Nailipat ang aking tingin nang magsalita si Maximus.

"Hindi niya ako kaylangan—"

"Nagkakamali ka! Kaylangan na kaylangan ka niya! Dahil sayo dalawang buwang naging maayos ang lagay ni Bowen!" Sigaw ni Kuya Albus.

"Kuya Albus akala ko ba hindi niyo alam?" Tanong ko pero kita sa kanilang mukha na alam nila ang lahat.

"We know everything... We know he was blaming himself because of us... Gusto namin bumawi... Alam namin ang nararadaman ni Kuya para sa iyo, alam namin ikaw ng naging dahilan kung bakit mas nagiging maayos na siya ngayon," sambit ni Crue. Napatingin ako sa ibaba, hindi ako mapakali.

"He love you Aezthal." Wala na, muli nang tumulo ang luha sa aking mata.

"Ngunit buntis si Chloe... Kaylangan niyang panindigan iyon." Inangat ko ang aking tingin at saka ko sila tinignan, doon nabalot ng lungkot ang kanilang mata bago ibinuka ni Kuya Albus ang kaniyang bibig ay may sinabi na nagpabago ng aking isipan.

Napatayo ako at mabilis na tumakbo palabas. Narinig ko ang sigaw nila ngunit may huminto ng taxi sa harapan ko kaya naman pumasok ako sa loob.

"Saan tayo Ma'am?" Tanong ng driver sa akin.


3rd Pov

Samantala sa simbahan panay ang dungaw ni Bowen sa may aisle. Umaasa siya na dumating ang babaeng ninanais niyang makita habang naglalakad na palapit si Clhoe sa kaniya, malawak ang ngiti nito.

Bagsak ng balikat ni Bowen na kinuha ang kamay ni Chloe nang makalapit ito.

"Bago simulan ang seremonya may gusto bang tumutol sa kasal na ito?" Tanong ng pari. Hinihiling ni Bowen na sana marinig niya mula sa labas ang boses ng kaniyang babaeng minamahal.

"Meron ba?" Muling taong ng pari. Tinignan naman ni Chloe si Bowen habang nakangisi ito dahil alam niyang wala ng tututol.

"Itigil ang kasal!"

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon