Aezthal POV
Naalimpungatan ako at biglang napamulay ng mata at napatayo.
Tumingin ako sa paligid. Wala na pala si Sir Bowen. Saan naman kaya siya nagpunta.
Magpa-panick na sana ako dahil hindi ko alam kung saan na siya napadpad pero nakahinga agad ako ng maluwag nang makita ko ang isang papel na nakaipit sa may lamp shade. Inabot ko ito at saka binasa.
"Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka. I order a meal for you, may meeting lang ako ng isang oras babalik din agad ako, don't worry, have a rest. You need it." Kumurba ang ngiti sa aking labi. Kung ganito ba naman siya kahit sinong matigas na babae matatamaan.
Wala sa sariling napahalik ako sa note na iyon at napahigang muli sa kama at parang tangang nagpaikot-ikot at napapadyak padyak.
"Ahhhh!" Sigaw ko. Ramdm ko ang pagkiliti sa aking sikmura at parang kamatis kung mamula ang aking pisngi.
Mga ilang minuto akong parang teenager na kinikilig hanggang sa mahimasmasan ako.
Nang ok na ang lahat tumayo ako na parang wala akong kabaliwan na ginawa bago ako lumabas ng kwarto at doon ko nadatnan sa lamesa ang pagkain na binanggit ni Sir Bowen.
Parang wala akong ganang kumain, pero paano kung magalit siya kasi hindi ko kinain order niya?
Naglakad nalang akong patungong lamesa at sinimulan ang kumain.
Nang makaisang subo ako, agad akong natigilan at saka ako napatayo.
mabilis akong napatakip sa aking bibig at karipas ang takbong pumunta sa CR at nagduwal.
Habol hininga ako. Anong nangyayari sa akin? Na food poisoning na ba ako?!
3rd Pov
"Thank you Mr Gastrell." Nakipagkamayan si Bowen sa lalaki habang tanaw ang ngiti sa mata nito.
Naglakad sila palabas ng building.
Nagbook siya ng sasakyan at nang tumapat ito handa na sana siyang uuwi nang may mapansin siya sa hindi kalayuan. Isang babaeng nagtatapon ng basura sa isang store. Napatingin ang babaeng iyon at nagkatitigan silang dalawa.
Nabalot ng takot ang mata ni Bowen.
Umiwas siya ng tingin at minadaling pumasok sa taxi.
Nanginginig na ang kamay ni Bowen. All of the place doon pa niya makikita ang taong ayaw niyang makita.
Bellatrix... The daughter of his hated person.
Napapikit siya, hinanahanp niya ang kaniyang gamot upang pakalmahin ang sarili ngunit naalala niyang naiwan niya ito sa condo dahil akala niya mabilis lang siyang makakabalik.
"Sir are you ok?" Tanong ng driver sa kaniya.
"Just stop here," sambit niya saktong nasa
Ponte Vecchio bridge sila ngayon.Binuksan niya ang pintuan at tuluyan na siyang lumabas.
Hirap siyang naglakad patungo doon, napadandal siya doon at habol hininga.
"Why?" Bulong niya sa kaniyang sarili. Matagal na siyang tinakatasan ng lakas ng loob pero hindi niya alam na dito niya makikita ang taong ayaw niyang makita habang buhay.
22 years ago
"Kuya Bowen let's go!" Sigaw ni Maximus with patalon talon pa. Ito talaga ang pinaka energetic sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
Любовные романыBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...