Chapter 39

681 13 0
                                    

"She's awake," pinalabas muna si Bowen na tulala.

"Bowen saan ka pupunta?" Tanong ni Valencia ng pasigaw ngunit hindi umimik si Bowen sa halip tumakbo siya sa chapel sa loob ng hospital. Lumuhod siya doon habang lumuluha.

Araw-araw siyang nandito at walang araw niyang hindi pinagdasal na sana gumising na ang dalaga.

"Salamat," bulong niya habang nakaluhod doon. Taimtim lamang siyang nananalangin bago siya bumalik sa kwarto.

Nang makarating siya doon wala na siyang nadatnan.

"Nurse saan po pinunta ang pasyente na kakagising lang?"

"Nilipat na po siya ng kwarto Sir, pinapasabi din po ng kapatid ng pasyente na nasa room 17 po sila." Nagpasalamat muna siya at saka pumunta sa kwartong sinabi nito.

Nang makarating siya, nagdadalawa pa ng kaniyang isip na buksan ang pinto ngunit nang mabuksan niya ito nadatnan niya sa loob sina Valnecia at Brent kasama ang doctor habang si Aezthal at nakadilat na ang mga mata.

Lumapit si Bowne sa kama kasabay ng pagtingin ni Aezthal sa kaniya. Hinanda na niya ang kaniyang sarili na kamuhian siya ng dalaga ngunit walang ganoon na nababalot sa mukha nito.

"Amnesia?" Tanong ni Brent. Napalingon si Bowen sa mga ito. Nakita niyang tumango ang doctor.

"Temporary lang ito at hindi namin alam kung kaylan siya makakaalala," sambit nito. Halos mawalan ng lakas si Bowen sa kaniyang narinig hinawakan niya ang mukha ni Aezthal na nagtataka lang nakatingin sa kaniya.

"Ang gwapo, sino ka?" Iyon ang una nitong salita simula nang makagising siya. Bumuhos na ang luha sa mata nila Bowen, Brent, at Valencia. Hinaplos ni Bowen ang pisngi nito.

"Bakit ka umiiyak? Sino nagpaiyak sa iyo?" Hindi nakaimik si Bowen. Hinalikan niya ang noo ni Aezthal na napaigtad naman sa ginawa nito.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong nito. Napapikit nalang si Bowen kahit na wala ng ala-ala ang babaeng minamahal niya pero umaasa siya na balang araw maalala siya nito.

                                   —

Lumipas ng ilang araw lumabas na din ng hospital si Aezthal. Napagpasyahan ni Bowen na ilipat ang magkapatid sa bahay niya pumayag pansamantala si Brent pero gusto din niyang humiwalay pag nakaalala na si Aezthal. Hindi na masama ang loob niya nang malaman ang nangyari at hindi na niya sinisisi si Bowen sa nangyari dahil ramdam at nakikita niya kung paano pahalagahan ni Bowen ang kaniyang kapatid.

"Bowen hindi kaba papasok?" Tanong ni Brent na naggagayak na para makapasok sa kaniyang trabaho. Nadatnan niya si Bowen na nasa harapan ng kaniyang laptop.

"On leave ako, babantayan ko muna si Aezthal," sambit niya ng may ngiti. Pinagmasdan ni Brent si Bowen, halata sa mata nito ang pagod.

Naupo naman si Brent sa tabi nito bago tinapik ang kaniyang balikat. "Makakaalala din siya, huwag kang mag-alala."

"Ang hirap lang ng ganitoz mas gusgustuhin ko pa na kamuhian niya ako kaysa wala siyang kaalam-alam sa nangyari, hindi makuha ng loob ko na tignan siya na para bang wala akong kasalanan."

"Wala kang kasalanan, alam ko noong una sinisi kita pero biktima ka din sa panloloko ng EX mo." Hindi nakaimik si Bowen dahil doon. "Oh siya, mauna na ako," sambit niya. Tumango si Bowen bago umalis si Brent.

Pinagpatuloy ni Bowen ang pagtitipa sa keyboard dahil may kaylangan siyang gawing proposal sa company niya.

"Anong ginagawa mo?" Napaangat siya ng tingin at doon nakita niya si Aezthal na kakababa lang galing sa kaniyang silid. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi bago nilapitan ang dalaga.

"Kumain kana. May pinahanda akong pagkain kila manang," sabi niya bago hinaplos ang buhok ng dalaga.

"Hindi mo ba ko sasabayan?" Tanong nito. Hindi naman ito inaasahan ni Bowen pero malugod siya tumango.

Naglakad sila patungong kusina at doon may nakahanda na sa hapagkainan.

Pinaghila ng upuan ni Bowen si Aezthal bago sila nagsimulang kumain.

"Sabihin mo... Ano mo ba ako? Bakit pinapatira mo kami ni Kuya sa bahay mo?" Tanong niya. Natigil sa pagsubo ng kanin si Bowen at kinuha niya ang baso ng tubig upang ito'y inumin.

"Ako ay—" hindi niya maisabi ang totoo sa dalaga.

"Narinig ko sabi ng mga kasama mo dito sa bahay ako daw ang iyong iniibig, totoo ba iyon?" Halos mawalan ng hangin sa lalamunan si Bowen nang marinig ito.

"Ah ano..." Hindi siya makapagsalita ngunit at mas lalo pa siyang natulala nang malawak na ngiti ang sumilay sa labi ni Aezthal.

"Mabuti naman... Iniisip ko kasi baka may utang lang kami sa'yo kaya kami nandito." Nakahinga ng maluwag si Bowen

"Hindi kaba nagtataka o natatakot sa akin?" Tanong niya. Dito umiling naman si Aezthal bago sumubo ng pagkain

"Hindi. Ang gwapo mo kaya at saka alam ko sa puso ko mapagkakatiwalaan ka." Hinawakan ni Bowen ang kamay ni Aezthal

"Gaano ako kagwapo?" Pangaasar niya. Umiwas naman ng tingin si Aezthal.

"Hindi mo naman dapat tinatanong iyan," sambit niya habang napapakagat pa ng labi. Napangisi nalang si Bowen bago binitawan ang kamay niya.

"Nais mo bang mamasyal pagkatapos kumain?" Nagliwanag ang mukha ni Aezthal sa tinuran ng binata.

"Talaga?!"

"Oo naman." Doon pinagpatuloy na nila ang pagkain.

Matapos nila, naggayak agad sila upang makaalis na.

Habang nasa byahe panay ang tanaw ni Aezthal sa paligid, puno ng mangha ang kaniyang mga mata sa bawat tanawing nakikita niya.

Lumipas ang ilang minuto nakarating sila sa isang tanawin, nasa itaas sila ng maliit na bundok habang pinagmamasdan ang maliit na lawa sa ibaba.

Dumadampi ang mga hangin sa kanilang mga balat kaya hindi maiwasan ni Aezthal ang mapapikit.

Lumingon siya kay Bowen, nakatingin ito sa malayo at tila may iniisip na malalim. Napapangiti siya habang pingmamasdan ang binata, hindi niya alam kung bakit s tuwing tinitignan niya ito napupuno ng saya ang kaniyang puso.

"Sabi ni Kuya nawalan daw ako ng alala, tama ba?" Tanong niya. Tumango si Bowen bago tinanggal ang jacket niya at pinatong ito sa balikat ni Aezthal.

"Ibig sabihin may mga bagay akong hindi naaalala? Maaari mo bang isabi lahat sa akin." Umiling naman si Bowen bago siya napabunong hininga.

"Hindi na kaylangan, alam ko babalik ang alala mo at pagnangyari iyon dadalhin kita sa lugar kung saan hiniling mo sa akin noon na puntahan kaya alagaan mo sarili mo maraming naghihintay sa iyo." Ngumiti si Aaezthal ngunit natigilan si Bowen nang sinimulan siyang yakapin ng dalaga.

"Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita kong malungkot ang iyong mata na nakatingin sa akin kumikirot ang aking puso, ngunit sa tuwing ngumingiti ka parang hindi ito magkamayaw. Parang ang alala na meron ako ay mahal na mahal ka... Hindi man ako nakakaalala, kilala ng puso ko kung sino ang laman nito. Kaya salamat, kasi nakikita ko ang effort na ginagawa mo para sa akin." Hinaplos ni Bowen ang buhok ni Aezthal.

"I know you will hate me when you remember everything but it's ok as long as you remember your past I'm fine with it. I will accept anything just to make you back..."

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon