Chapter 34

679 13 0
                                    

Aezthal Pov

Unti-unti kong minulat ang aking mata nang makapa kong wala na akong kasama. Hubad ang aking katawang nakabalot sa makapal na kumot ni Sir Bowen.

Napaupo ako sa kama. Nakarating na pala kami kagabi lang at dumiretso kami dito sa bahay niya.

Magtataka na sana ako bakit wala akong kasama pero napukaw agad ng aking tingin ang maliit na papel na nakapatong sa may bed side table.

Pinulot ko ito at saka sinimulang basahin. "Nauna na ako pumasok because I need to visit my other hotel, I'll be busy this day but meet me at the Hotel rooftof, I have something to tell you. By the way I order a breakfast, don't forget to eat it before you go to work." Sumilay ang ngiti sa aking labi bago ako napatayo sa kama at dumiretso na sa banyo upang makaligo.

Ilang minuto ang lumipas natapos na din ako at sinimulan ko ng ayusin ang aking sarili bago ako lumabas ng kwarto at bumaba.

Nadatnan ko sa kusina ang pagkaing tinutukoy ni Sir Bowen. Nilantakan ko lamang ito at nang matapos hinugasan ko lamang ang plato at mga kubyertos na aking ginamit bago ako pumanik muli upang kunin ang aking bag at tuluyan na akong lumabas.

Nang makalabas ako may isang sasakyan ang bumungad sa akin. Binuksan nito ang pinto at bumungad sa akin si Rufus.

"Hello. Tinawagan ako ni Kuya Bowen na sunduin ka daw para ihatid sa trabaho mo." Nakangiti niyang sambit. Napakunot ako ng noo bago tumango at pumasok na sa loob.

Tahimik lamang ako noong una pero lihim ko siyang tinitignan nang makita kong napapatingin siya sa cellphone niya.

"F*ck! How dare you bastard!" Halos mapatalon ako sa sigaw niya. Grabe may temper issue pala itong si Rufus.

Napakapit ako sa inuupuan ko nang bigla siyang mapatingin sa akin. Nananalim ang kaniyang mata pero nang makita ako biglang umiba ang timpla nito.

"I'm sorry." Umiling-iling lang ako. Grabe, siya ang bunso pero grabe magalit.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Rinig kong bulong niya. Hindi ko nalang siya pinansin, mukhang ayaw din naman niyang pansinin ko siya eh.

Napaayos ako ng upo nang humito ang sasakyan. Nilingon ko siya at ngumiti ng matamis. "Thank you sa paghatid," pagpapasalamat ko. Madilim parin aura niya pero tinanguan naman niya ako. Bubuksan ko na sana ag pinto pero may naalala ako kinapa ko ang candy sa bag ko galing kay Valencia at saka ito inabot sa kaniya

Napatitig naman siya doon. "Pampakalma. Salamat ulit," sabi ko. Nang maiabot kona sa kaniya saka lang ako lumabas.

Naglakad ako papunta sa loob at nadtanan ko si Rose sa locker room, nagbibihis na ng uniform namin kaya ganoon din naman ginawa ko.

"Kamusta ang date niyo ni Sir Bowen?" Mapangasar niyang turan. Napailing nalang ako.

"Date ka d'yan. Tara na nga," sabi ko bago lumabas.

Papunta palang sana kami sa elevator nang isang yakap ang sumalubong sa akin.

"Aezthal na miss kita." Nanlalaki ang aking mata nang yakapin ako ni Triton.

"Ahem!" Mas lalong nanlaki ang aking mata nang marinig ko ito sa aking likuran.

Hirap akong lumingon at doon ko nakita si Sir Bowen katabi si Kristel kaya naman pilit akong kumakawala kay Triton.

"Good morning Sir," bati naming tatlo nila Rose. Napansin kong masama ang tingin ni Sir Bowen kay Triton na nakangiti lang na parang hindi naman niya iniintindi ang sama ng tingin ni Sir Bowen.

"Mr.Javier clean Room 135 before lunch break." Iyon lang ang kaniya sinabi bago ako tinapunan ng maikling tingin at saka sila umalis. Napakunot naman ako ng noo, hindi naman siya ang nagbibigay ng bawat room namin ah.

Napaka-weird naman niya.

3rd Pov

"Sir Hindi naman po kayo nag aaa-sign ng room bakit bigla n'yong ipapalinis ang room 315 kay Triton?" Tanong ni Kristel habang nasa loob na sila ng elevator. Mas lalong napakunot ang noo ni Bowen nang muling marinig ang pangalan ng binata.

"Just let him be." Saktong bumukas ang elevator. Naglakad sila palabas pero nahinto si Bowen at nilingon ang kaniyang secretary na napahinto din sa paglalakad mula sa kaniyang likuran.

"Call the new manager, tell her to mess the room 135, the more mess it is the more I pay her," nakangi niyng sambit bago siya tumalikod at umalis.

Nakanganga naman si Kristel na naiwaan na nakatayo doon kung saan sila huminto. She didn't know saan nahuhugot ni Bowen ang pagiging isip bata nito ngayon, para itong gustong gumanti dahil lang sa naagawan siya ng isang pirasong lollipop.

Aezthal Pov

Sa wakas tapos ko na din ang aking ginagawa pero wala pa namang lunch pupuntahan ko nalang si Rose at Triton tutal magkatabing kwarto lang naman ang nililinisan nila ngayon.

Nang makarating ako sa palapag naabutan ko silang nakasilip sa isang kwarto kaya napakunot ang aking noo at saka ko sila nilapitan.

"Anong nangyayari dito?" Napatingin ako sa loob at halos malaglag ang aking panga nang makita kong napakadumi ng loob nito.

"Aezthal, tell me hindi naman ganito kadumi pag may check in diba? Basurahan na ito eh!" Reklamo ni Triton. Natatawa naman sa gilid si Rose pero sinamaan siya ng tingin ni Triton kaya naman natigil siya.

"Oh Mr.Javier bakit hindi kapa nagsisimula?" Napalingon kami nang sumulpot agad si Sir Bowen. Napataas ako ng kilay, nahahalata ko kasi ang pagngisi niya.

"Sir hindi ba parang sobra naman ito?" Tanong ko pero umiling siya bago pinag-cross ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib.

"You want to quirt Mr.Javier?" Napansin ko ang pagsimangot ni Tirton pero umiling siya, parang ayaw talaga magpatalo.

"Grabe naman magselos ito." Rinig kong bulong ni Triton bago siya pumasok sa loob. Mukhang ako lang naman nakarinig no'n.

"Well, I'll go now," sab ni Sir Bowen. Sinimangutan ko siya nang lampasan niya ako pero laking gulat ko nalang nang bumalik siya bago ako ninakawan ng mabilis na halik.

Nanlalaki ang aking mata hanggang sa tuluyan na siyang umalis.

"Kyah! Grabe kana Aezthal, habang hair mo," sambit ni Rose pero mas namula ang aking pinsgi sa kaniyang tinuran.

Ipinilig ko ang aking ulo at nag-focus nalang.

                                        —

Mabilis lumipas ang oras at sa wakas natapos na din ang trabaho ko. Dumiretso ako sa locker at pagkakuka ko doon napakunot ako ng noo nang may makita akong dress na kulay sky blue, isang rosas na kulay pink at letter na nakaibabaw doon.

Iyong letter muna ang aking binuksan.

"Meet me at the rooftop." Napangti ako bago ko nilabas ang damit at doon tumambad ang off shoulder na dress..

Mabilis akong nagpalit at kinuha ang letter at rosas bago ako lumabas at dumiretso sa rooftop.

Hindi nawala ang ngiti sa aking labi nang maaninag ko ang nagkalat na petal sa hagdan hanggang sa tumambad sa akin ang rooftop.

Doon ko nakita ang maraming kandila. Napatayo ako sa entrance, una kong napansin sina Mr. And Mrs.Gastrell at mga kapatid ni Sir Bowen at sila Ate Avery na nakakunot ang noo habang nakatingin sa isang direksyon. Nailipat ang aking tingin sa kanilang tinitignan ngunit biglang napawi ang ngiti sa akng labi nang masilayan ko si Sir Bowen na nakatayo sa gitna kaharap ang isang babaeng kilalang kila ko.

May malawak itong ngiti, nakaipit ang ubahang bahagi ng kaniyang buhok at nakasuot ito ng purple dress.

Nawala ang aking ngiti at unti-unting naluluwagan ko ang hawak sa letter at sa rosas.

"Bowen I'm pregnant." Halos gumuho ang aking mundo at doon ko na tuluyang nabitawan ang rosas sa aking kamay. Rinig ko ang pagbagsak nito sa semento kasabay ng pagbagsak ng aking luha...

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon