Chapter 24

694 17 1
                                    

"Ako na. When I'm with you, you won't carry any burden just be with me nd I'll do anything for you."

Napalunok si Aezthal habang ang crew naman lihim na kinikilig sa likod nila.

Nang makatrating sila sa kotse nilapag na nila doon ang pagkain, nagpasalamat naman sila agad sa crew at binigyan pa siya ng tip.

Binuksan ni Bowen ang pintuan ng passenger seat.

Nakangiti namang pumasok doon si Aezthal at hinintay niyang pumasok sa loob si Bowen. Nang makapasok ito pinanadar na agad niya ang kotse.

"Sir napakaswete naman ng mapapangasawa mo. You know, ikaw lang ata nakilala kong gan'yan," sabi niya habang nakatingin kay Bowen. Hindi naman ito ngumiti pero umiling ito.

"I don't think so. I have secret that I don't want my partner to found out." Sambit ng malamig nitong tinig. Napakunot naman ng noo si Aezthal pero tumingin na siya sa bintana dahil ayaw na niya pang dugtungan ang usapan. Ayaw niyang makabitaw ng salitang pagsisisihan din niya sa huli kaya pinili nalang niyang manahimik.

Pero sa loob ng katahimikan hindi din niya natiis kaya bigla siyang napalingon. "Sir is that the fact that you have anxiety?" Muntikan nang maitama si Aezthal sa harapan nang biglang iprineno ni Bowen ang kotse at nanlilisik ang mata nitong nilingon siya.

"How di you found out about that?! May pinagsabihan kaba?!" Nanlaki ang mata ni Aezthal. Ramdan niya ang galit sa boses ni Bowen. Tila namamawis ang kaniyang palad sa hindi maipaliwanag na tensyong na kaniyang nararammdam.

"B-bakit ka n-naman agad s-sumisigaw Sir?"

"Tell me!" Napaatras ang katawan ni Aezthal sa muling pagkagulat pero mabilis siyang umiling.

Biglang hinampas ni Bowen ang manibela at parang hingal na hingal itong napasadandal sa upuan. Hindi nag-iba ng ekspresyon sa mukha ni Aezthal. Hindi naman niya alam na may mali ba sa kaniyang sinabi, ang alam niya normal lang sa isang tao ang magkaroon ng anxiety pero ngayon lang siya nakita ang isang taong na napakabig deal nito sa kaniya na para bang ayaw niyang malaman ng iba.

Napatingin si Aezthal nang manginig ni Bowen, katulad ng kaniyang nakita doon sa apartment nila.

"S-Sir?" Utal niyang tanong pero walang sumagot kayannaman nanahimik nalang siya, tanging hingal lang ni Bowwn ng naririnig.

Gustong damayan ni Aezthal si Bowen ngunit naalala niya na mas maganda itong pabayaan nalang.

Lumipas ang ilang minuto natahimik ang kapaligiran at naibalik na tamang wisyo si Bowen. Walang imik nitong pinaandar ang sasakyan.

Maluha luha si Aezthal na lumingon sa may sasakyan. Gusto niyang maiyak sa takot, ang inaakala niyang taong napaka-soft biglang naging halimaw sa kaniyang paningin, takot na takot siya, halos gusto na niyang umalis.

Nasasakal siya sa buong sasakyan.

Isang mahinang hikbi ang narinig sa buong sasakyan. Hindi na napigilan ni Aezthal ang maiyak pero pinipigilan niyang hindi siya marinig ni Bowen pero huli na ang lahat, nahinto na ni Bowen ang sasakyan dahil nakaratangin na sila at naibalik siya sa tamang wisyo.

"Are you crying?" Tanong niya. Hindi lumingon si Aezthal pero umiling siya at biglang binuksan ang sasakyan bago lumabas.

Nanlalaki ang mata niyang pinanood si Aezthal na pumasok sa gate ng orphanage, muli siyang napahilamos ng kaniyang mukha.

"What did you do?!" Pagalit niya sa kaniyang sarili.

Huminga siya ng malalim bago siya lumabas dala-dala ang mga pagkain.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon