Chapter 35

601 14 0
                                    

"Bowen I'm pregnant." Nakagawa ng ingay si Aezthal kaya naman lahat ng mata naituon sa kaniya. Halata ang gulat sa mga mata ng mga ito.

"Aezthal..." Bulong ni Bowen. Pilit namang ngumiti si Aezthal at winagayway pa ang kamay.

"Hindi tuloy niyo lang, nagkamali ata ako ng lugar na pinuntahan," sambit niya at tumalikod. Handa na sana siyang hahabulin ni Bowen nang hilain siya ni Clhoe.

"Bowen!" Sigaw nito. Namumula ang mata ni Bowen na nilingon si Clhoe.

"Bowen what is this? We thought you're going to propose to Aezthal?" Mahinahong tanong ng kanilang magulang. Wala namang imik ang magkakapatid, maging sila Avery wala ding balak makisabat.

"This is misunderstndig-"

"Bowen you're going to be a dad, are you not happy? Didn't we talk about this before?" Biglang sambit naman ni Chloe. Dahil sa kaniyang sinabi lahat ng tao doon napakunot ang noo.

"Paano kami makakasiguro na siya ang ama?!" Mag halo nang hinanakit na sambit ni Rufus. Kinakainisan niya sa lahat ang ganitong babae, ang manloloko.

"You cheated. Bakit ako parin sinasabi mong ama ng pinagbubuntis mo?" Malamig na sambit ni Bowen. Hindi na siya mapakali, gusto niyang habulin si Aezthal ngunit hindi niya magawa dahil pilit siyang pinipigilan ni Chloe.

Nagsimula nang bumuhos ang luha sa mga mata ni Chloe habang pinipisil ang kamay ni Bowen. "Bowen walang nangyari sa amin maniwala ka naman oh, kaya kong patunayan na sa'yo ang batang pinagbubuntis ko." Bagsak ang balikat ng lahat nang magpakita ng ultrasound picture si Chloe at dalawang buwan na itong buntis. Ang araw na huling nangyari sa kanila ay ang nag-propose si Bowen sa kaniya.

Napapailing si Avery habang pinapanood ang eksena.

"This is rediculus! You're showing up after he finally move on!" Sigaw ni Rufus. Binigyan naman siyang makahulugang tingin ng kaiyang ama at ina dahilan upang mapatikom siya ng bibig.

"You need to marry me..." Nanlaki ang mata ng lahat ng nandoon.

"Teka hindi pwede iyon. Nabuntis ka niya pero kaylangan ba talagang panagutan ka? Hindi naman diba? Cleary, you cheated on him, he can take responsibility to your child but it doesn't mean he will marry you." tanong ni Avery dahil hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi magsalita. Napatingin siya kila Albus na tikom ang bibig.

Hindi nalipat ang tingin ni Chloe sa kanila at tanging kay Bowen lamang ito nakatuon

"You knew if you won't marry me maiiba ang tingin ng mga tao sa inyo at simula na iyon ng pagbagsak ng mga hotel niya. Here's my number, call me and I will arrange our marriage," sambit nito at tuluyan nang nagpaalam. Napaupo naman sa may upuan si Bowen at saka siya dinaluhan ng kaniyang pamilya.

"F*ck!" Singhal niya habang nakkakusot ng marahas sa kaniyang buhok.

Aezthal POV

"Aezthal anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni kuya. Hindi ako nakaimik. Nanatiling nakadukdok lamang ang aking ulo habang humihikbi. Hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang magmahal at sa maling tao ko pa unang naranasan.

Naramdaman kong naupo si Kuya sa aking tabi at alam kong pinipilit niyang tignan ang aking mukha ngunit mas tinatakpan ko ito.

"Nag-away ba kayo ni Bowen?" Tanong niya pero umiling iling ako.

"Kapatid mo ako at alam mo din pag ganitong may problema ka ako lang masasandalan mo," sambit niya. Dahil doon unti-unti akong napaangat ng tingin bago ko siya tingnan. Halata naman sa kaniyang mata ang gulat nang mapansin ang basa ko nang mukha.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon