Chapter 38

650 12 0
                                    

Aezthal Pov

"Kuya pakibilisan naman oh baka kasi hindi kona maaubatan." Pangungulit ko kay manong driver.

"Pero Ma'am kaylangan po natin magingat at maraming truck ang dumadaan dito." Hindi ako nakaimik oo nga pala pero paano kung hindi kona madatnan? Paano kung mahuli ako?

"Chloe pregnancy is fake. She was fooling our brother." Iyon ang sinabi ni Kuya Albus bago ako tumakbo palabas. Napapakusot ako sa aking kamay... Walang hiya kang babae ka makita lang talaga kita ilulublob kita sa kanal!

Napatingin ako sa harapan hindi na kasi ako mapakali ngunit saktong pagtingin ko sa harapan isng truck ang pagewang gewang na palapit sa amin ang aking nakita.

"Manong—" bago ko paman matapos ang aking sinasabi nang maramdama ko bigla ng pananakit ng aking katawan.

"Ack.." napahawak ako sa aking bibig nng maramdaman kong may tumulong likod mula doon... Nanghihin ko itong tinignan... Dugo...

"Aezthal!" Sigaw iyon kung saan ngunit naging malabo na ang lahat...

Unti-unti akong nawalan ng lakas at tuluyan nanag bumagsak aking katawan...

Sir Bowen... Pasensya kana...

                                       —

"Iyong taxi incident, dead on arrival..." Laglag ang balikat ni Bowen na tila naitamin na siya sa kaniyang kinakatayuan habang tahimik sina Crue at Rufus sa kaniyang tabi maging sila hindi din inasahan ang kanilang narinig.

"This can't be.." bulong niya. Samantala biglang sumulpot si Albus at Maximus galing sa isang corridor ng hospital.

Napaangat ng tingin si Bowen sa kaniyang kapatid na papalapit kanila. Nang makalapit ang mga ito tinapik nila ang balikat ni Bowen. "Don't worry, she's safe now." Biglang nabunutan ng tinik ang lalamunan ni Bowen at tuluyan nang tumulo ang luha sa kaniyang mata.

"I thought she's gone... " Bulong niya. Nagkatinginan ang apat, napangiti sila at sabay-sabay pa nilang dinaluhan si Bowen dahilan upang mapatigil ito.

"Para saan iyon?" Tanong niya pero imbis na sagutin siya tinulak pa siya nila Crue.

"Dalian mo. Dami mong reklamo diyan eh. Sinasabi ko sayo pag hindi kayo naging ok ni Aezthal Kuya kalimutan mo ng kapatid mo kami," sambit ni Rufus. Sumilay ang ngiti sa mukha ni Bowem bago siya tumakbo.

Ilang room lang nadaanan niya hanggang sa makarating siya sa isang kwarto. Nasa labas si Brent habang nakayuko sa gilid niya ay si Valencia na pinapatahan siya sa pag-iyak.

Natigil si Bowen sa harapan at sumilip siya sa bintana, doon niya nakita si Aezthal na may mga aparatong nakakabit sa kaniyang katawan.

Napahawak sa salamain si Bowen habang ang sikip-sikip ng kaniyang dibdib, hindi niya maatim na panoorin na ganito ang kaniyang minamahal.

"Bowen..." Pagpansin ni Valencia dahilan upang mapaharap si Bowen sa kanila at sakto ding napaangat ng tingin si Brent. Puno ng luha ang mga mata nito at naginginig na ang kaniyang kamay

Walang sabi sabing tumayo si Brent at sinugod ng suntok si Bowen.

Walang balak lumabas si Bowen at malaya lamang niyang tinanggap ang suntok mula kay Brent.

"Brent tama na!" Pagmamakaawa ni Valencia at hinila ito palayo. Tinignan ng ibang naroon habang si Bowen naman ay walang imik na pinunasan ng dugo sa kaniyang labi.

"Kasalanan mo lahat ng ito! Hindi paba sapat sayo na nakunan si Aezthal at ngayon pati buhay niya gusto mo na din mawala?!" Doon nanlaki ang mata ni Bowen.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon