Chapter 4

823 12 0
                                    

"Ano iyang hawak mo Aezthal?" Bungad ni Rose habang naglalakad ako papasok sa hotel kakadating lang din kasi niya

"Ito ba? Wala ito," pagsisinungaling ko. Tinago ko ang isang lalagyan kung saan may lamang graham ball. Sinunod ko kasi sinabi ni Valencia na gumawa ako ng pagkain tapos magta-thank you ako kay Sir Bowen. Good luck sa akin, kung gusto pa niya ako makita.

Habang naglalakad kami sa loob nakita ko si Sir Eron kinawayan lang naman kami pero napansin kong parang mapungay mata niya, may problema kaya? Siguro marami siyang ginawa kaya kulang siya sa tulog pero pogi parin naman siya kaya ok lang iyon.

"Huy Aezthal may nakalap akong balita," sabi ni Rose nang makapasok kami sa changing room para magpalit kami ng aming damit. Nilagay ko na din 'yong graham sa locker. Mamaya ko nalang ibibigay mukhang hindi pa naman pumapasok si Sir Bowen eh.

"Ano nanaman iyan?" Pagbabaliwala ko. Paano lahat nalang kasi nakakalap niya, may pagkamarites talaga ang babaeng ito.

"Alam mo na bang engage na si Sir Bowen sa girlfriend niya?" Isinara ko ang locker bago tinaasan siya ng kilay.

"Oh, tapos? Gagawin ko? Hay nako tao lang siya naiinlove, anong bago doon?" Sabi ko bago naglakad muli pero sinundan naman niya ako palabas.

"Palibhasa wala kang gusto kay Sir Bowen pero paano naman kaming may gusto sa kaniya?! Hay sayang naman." Natatawa akong napapailing.

"Kahit naman wala siyang girlfriend hindi siya papatol sa katulad natin, ang mga mayayaman ay mas gusto din nila ng mayayaman kaya ok na 'yon," sabi ko para pagaanin loob niya, mukha kasing masama talaga loob niya dahil nalaman lang naman niyang engage na ang crush nila.

Good luck sa magiging asawa ni Sir Bowen... Naaawa talaga ako sa magiging asawa niya tsk, tsk.

"Waahh kahit na! Full package kaya siya," pagdradrama ni Rose. Napailing nalang ako. Hindi ko na siya kinubo at naglakad nalang ako papasok sa stock room at kumuha kami ng cleaning tool bago kami lumabas muli.

"Tantanan mo nga kakadrama Rose, maraming pumupunta dito para magpalipas ng oras kaylangan pa natin maglinis ng kwartong iniwan ng mg pumapasok dito," sabi ko bago siya iniwan. Napansin ko namang sinimangutan niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

Naglakad ako sa isang kwarto, room 508. Binuksan ko iyo, napabuntong hininga nalang ako nang madatnan ko ang kwartong magulo, ang wild naman ng nag-stay dito.

Pinagpupulot ko ang unan sa ibaba at ang mga punda bago ako nag walis at pinalitan ko ang mga punda maging ang mga stock doon na sabon at kung ano ano pa bago ako nag brush sa C.R, matapos noon ay lumupat ako sa isang kwarto kung saan ako naka asigned.

Ilang kwarto ang nalinis ko bago sumapit ang lunch break kaya naman nagmadali akong naghugas ng kamay at pumunta sa locker room.

Patakbo kong kinuha ang paper bag na pinaglagyan ko at pumunta agad sa may elevator.

Mabuti nalang walang masydong tao doon kaya naman hindi ako nahirapan, siguro nasa canteen na ang lahat.

Naglakad ako papasok at pinindot ko ang 3 flor kung saan ang office ni sir Bowen, hanggang fifteen floor ito pero nasa ika unag palapag ako kaya sandali lang huminto na din ang elevator.

Naglakad ako patungo sa opisina ni Sir Bowen.

Nangg makarating ako nadatnan ko ang lamesa sa labas ng kaniyang office, mukhang lunch break din ng secretary niya.

Kumatok ako sa malaking pintuan.

"Come in," isang baritong boses ang aking narinig mula sa loob. Kung hindi ko lang kilala kung kanino galing iyon baka kinilig na ako kaso kung siya lang wag nalang no.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon