Chapter 8

769 12 0
                                    

"Ma'am, Sir. Please calm down a bit..." Natataranta nang sabi ng doctor habang inaawat ang dalawa.

"Sino ba napirwisyo sa ating dalawa?" Tanomg ni Sir Bowen habang nakakunot ito noo.

"Teka naman! Hindi ko naman sinabing hindi ko kasalanan ah! Ang sinasabi ko is pareho tayong may kasalanan ok?! Gusto mo saluhin ko lahat?" Inis na sabi ko. Kainis kasi, nagui-guilty na sana ako kaso ganito naman ugali niya, h'wag na, hindi niya deserve ang kaawaan.

"Doc tell us who is at fault here?" Tanong ni Bowen. Napabuntong hininga naman ang doctor bago kami tinignan. Napa-smirk ako nang pareho niya kaming tinuro.

"Oh diba sabi ko sayo, kasalanan ko na nagulungan ko paa mo pero kasalan mo din kasi hindi ka tumitingin sa dinadaana. Kaka-cellphone mo iyan!" Sabi ko. Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Akala naman niya matatakot ako sa sama ng tingin niya.

"I have date later, do you know how you ruin it?" tanong niya. Napairap nalang ako sa hangin bago siya nilapitan at hinawakan ang kamay niya, nagulat naman ito dahil sa aking ginawa at sinubukan pang hinalin mula sa akin ang kamay niya pero hinila ko ito pabalik at pinisil ito ng malakas.

"Shit!" Pagmumura niya dahil sa aking ginawa. Ngumisi naman ako ng may pagkapeke.

"Sir dahil sa may kasalanan naman ako, tutulungan nalang kita makarating sa date mo mamaya. Ok ba iyon?" Tanong ko pero mabilis naman niyabg hinila ang kamay niya palayo.

"I don't need it," sabi niya. Tinignan ko naman ang doctor na napapangiwi habang nakatingin sa amin.

"Diba doc, kaylangan niya ng kasama? Eh diba sabi mo kaylangan niyang ipahinga 'yong paa niya para madaling gumaling? Pagalitan mo nga," pagsusumbong ko sa doctor. Napapailing naman siyang ngumiti sa sinabi ko.

"I think kaylangan niyo po ng kasama kung may pupuntahan kayo st nag priprisinta na po si miss, hindi po ba?" Tinignan ko si Sir Bowen ng may ngisi sa labi. Buti nga nagmamagandang loob pa ako eh, pasalamat siya naiisip ko si kuya kung hindi lang edi sana pinabayaan ko na siya kanina pa.

"Ok fine." sabi ni Sir Bowen. Mukhang gusto ko ng bawiin, wala naman akong mapapala dito eh.

"Ok maiwan ko na po muna kayo, pwede na din po kayong umuwi kung gusto niyo," sabi ng doctor. Tinanguan ko lang naman ito sa kaniya g sinabi bago siya umalis.

Dahil sa naiwan kmi ni Sir Bowne hindi kami nagsasalita na para bang hindi kami ng e-exist sa harapan ng isat-isa.

Sa loob ng ilang minutong katahimikan, napatikhim ako bago ko siya tinignan. "Tara na Sir?" Tanong ko. Tumango lang naman siya kaya nilapitan ko siya upang alalayan. Kinuha ko na din ang tungkod upang ipagamit ito sa kaniya at doon sabay kaming lumabas, inayos kona din kasi kanina 'yong bill habang chini-check siya kqnina no'ng doctor.

Nanag makalabas kami pumara nalang ako ng taxi at ang amo ko kanina pa tahimik, malamang para ngayon gusto na kong itulak nito eh.

"Saan po ito Ma'am?" Tanong ng driver. Naalala ko anniversary pala nila Mama at Papa ngayon, kaylangan kong magluto baka maaga din magpaaalam sa trabaho si kuya.

Since noong namatay sila Mama at Papa lagi talaga naming pinagce-celebrate ang anniversary nila kahit pa noong napunta kami sa bahay ampunan, tumakas lang din kami ni kuya paalis doon.

"Sa mall Kuya," sabi ko habang nakangiti. Tumango naman siya.

"Teka, hindi naman doon ang punta ko ah, anong gagawin sa mall?" Tanong ng katabi ko.

"Sir mamaya pa naman date mo hindi ba? Dahil sasamaan kita, wala na akong time mamaya para makapag-grocery," mahinahon kong sabi. Sinamaan niya ako muli ng tingin. Sabi na eh pinaplastik niya lang kami noong unang dating niya. Ito talaga siya, mahilig sumama ang tingin, masama din pala talaga ugali ng isang ito.

"Ibalik mo, I don't want to go," sabi niya. Pilit akong ngumiti pero napapakuyom na ang aking kamao sa gilid ko.

"Sir, don't be selfish," sabi ko bago ako umayos ng upo at sinalpak ang headset sa aking tenga para hindi ko na siya marinig na magreklamo pa.

"Hey!" Sigaw niya. Bigla niyang hinila ang headset ko kaya nanlalaki ang mata kong tumingin sa kaniya.

"Sir akin na nga iyan!" Inis na sabi ko at handa nang kukunin ang head set sa kaniya pero dahil sa bigla kong paggalaw nahila niya ang kamay ko palapit sa kaniya.

Nakatulala kaming nakatitig sa isat-isa habang sobrang lapit na ng aming mukha, naaamoy ko ang mala green mint na hininga niya.

Mabilis akong lumayo at sinamantala ko ang pag-agaw sa headset ko habang nakatulala pa siya.

"100 pesos lang bili ko dito pero hindi ibig sabihin no'n pwede mo ng hilain basta-basta, hirap kaya kumita ngyaon ng 100 pesos, palibhasa mayaman ka kaya kahit mamahalin na headset kaya mong bilhin," sabi ko. Nakakainis lang kasi talaga, perp deep inside kinakabahan ako, hindi ko alam bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko habang magkalapit ang mukha namin sa isat-isa, ibig sabihin ba noon ay sobra talaga ang pagkainis ko sa kaniya?

"Sorry." Napatikom ang aking bibig sa kaniyang sinabi. Nag-sorry ba siya?

Bahagya ko siyabg nilingon. "Ano Sir?" Tanong ko. Nakita ko siyang napabuntong hininga.

"I'll pay for it or you can choose when we're in the mall, pumili ka ng gusto mong bilhin na headset." Napatulala ako sa kaniyang, mata bakit ngayon ko lang na-realize na mahinahon siyang magsalita na para bang wla siyang masamang balak at purong magandang intensyon lang ang aking nakikita.

"Nandito na po tayo," sabi ng dirver. Binigay ko lang ang bayad bago ako lumabas, inalalayan ko din naman lumabas si Sir Bowen bago kami pumasok sa mall, pumasok nalang kami sa may grocery store para bumili ng kaylangan ko onti lang naman lulutuin ko since kami lang naman ni Kuya ang kakain.

Nang matapos na, nagbayad na din ako at sabay kaming muling lumabas.

"That's it? What about the headset?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng mall.

"Hindi na Sir." Hindi qko mapagsamantalang tao no. Bakit ko ipapagastos sa kaniya headset na isang daan lang tapos gusto niyang palitan sa mataas na presyo, h'wag nalang, kaya ko naman bumili ulit.

"You sure?"

"Oo naman Sir, bibili nalang ako ng bago, same price," sabi ko. Hindi naman siya nakaimik saktong nakalabas na kami nagpara ako ng taxi dahil gabi na din, didiretso na kami sa restaurant na sinabi niya.

Buong byahe tahimik kaming dalawa kaya nang makarating kami napabuntong hininga ako dahil sa wakas hindi na ako mapapanisan ng laway.

Maglalakad na sana kami papasok pero bigla kaming natigil nang makita namin ang isang babae at lalaki na magkahawak ang kamay.

Teka nga...

"Chloe?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Sir Bowen. H'wag niyang sabihing ito ang girlfriend niya.

Natigilan ang dalawa at biglang nagbitiw ng kamay.

"Babe you're here..." Napasama ang tingin ko sa lalaki na nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin.

"Why you're holding his hand?" Tanong ni Sir Bowen habang nagtatakang nakatingin sa babae.

"It's not what you think, let's get in? Wait what happen to you?" Tanong ng babae at hinawakan si Sir Bowen habang ako nanatili sa aking pwesto habang ang babae inalalayan na si Sir Bowen na maglakad palayo.

"Nothing..." Teka ganoon nalang iyon? Hindi manlang ba siya nagtataka kung bakit magkahawak ang kamay nila.

"Teka nga! Hoy! Sinungaling kayong dalawa!"

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon