Chapter 14

704 14 2
                                    

Aezthal POV

"Oh Aezthal anong ginagawa mo dito?" Tanong ng secretary ni Sir Bowen nang makarating ako sa office ng binata.

"May ibibigay sana ako sa kaniya," sabi ko. Naisipan ko kasi baka this time kainin na niya 'yong graham na ginawa ko.

"Graham ba iyan?" Tanong niya. Napakunot naman ako ng noo. Bakit niya alam?

Tumango ako. "Oo," simple ko lamamg na sagot. Nakita ko naman siyang napabuntong hininga.

"Pero pinatapon lang ni Sir Bowen 'yon binigay mo dati. Sigurado kaba?" Napabuntong hininga ko bago muling tumango.

Nakita ko naman siyang tumayo at pumunta sa pintuan.

Kumatok siya doon bago bahagyang binuksan ang pintuan.

"Sir nandito po kasi si Aezthal, may ibibigay daw. Papayagan ko po ba siyang pumasok?" Tanong nito.

"Let her in," sagot ni Sir Bowen mula sa loob, kaya naman tinignan ako ng secretary niya bago siya tumango.

Nagsimula naman akong maglakad papatungong office ni Sir Bowen bago sinara ang pintuan.

"Good morning Sir," tawag ko. Inangat niya ang kaniyang tingin na kanina lamang ay nasa laptop nakatuon.

Tinignan niya ako taas baba, napakunot naman ako ng noo.

Uwian na kasi kaya hindi na ko naka-uniform. nakasuot nalang ako ng crop top at jogger pants habang nakapony tail ng mahaba kong buhok.

"You're going home?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Ahm oo. Nga pala, busy lang ako kanina kaya hindi ko naibigay ito," sabi ko bago nilapag ang pqper bag sa harapan niya. Tinignan naman niya ito bago niya ito kinuha at tumayo sa kaniyang kinakaupuan.

Napaatras ako nang simulan niyang maglakad palapit sa akin pero laking gulat ko nang hawakan niya ang aking bewang bago hinapit palapit sa kaniya. Doon ko muling naamoy ang mala mint niyang katawan.

"Hatid na kita." Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa kaniyang bulong.

Wala na sa wisyo akong napatango.

"O-ok..." Pagsangayon ko. Hinila naman niya ako sa aking pulsuhan bago kami sabay na lumabas ng opisina niya. Maya-maya pa nang mabuksan niya ang pintuan inilipat niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

Hindi parin nawala ang pagiinit ang aking pisngi at mas lalo pa itong nadagdagan.

Ano bang nangyayari sa akin? Nasun-burn b ako? Pero hindi pa naman ako nasinagan ng araw ngayon ah.

"Sir uwi na ba—" natigil ako nang madaanan namin ang secretary ni Sir Bowen na napahinto sa pagsasalita at napatulala sa amin bago nanlaki ang kaniyang mata.

Hindi na ako nakapagpaliwanag kasi nalagpasan na namin siya at wala namang balak huminto si Sir Bowen

Maya-maya pa nakababa na kami ng palapag at lahat ng empleyado na nadadaanan namin pareparehas ng reaksyon, for sure kami ang laman ng balita sa buong hotel nito bukas.

Bakit ba kasi gusto niyang ilantad? Ako malalagot nito eh.

Nang makarating kami sa parking lot pinapasok niya ako sa passenger seat pagkataos tumuloy siya papunta sa may driver seat bago siya nagsimulang mag-drive.

Tahimik lamang ako buong byahe, iniisip ko kasi bakit ganito siya. Matapos nang dumalaw kami sa bahay ng magulang niya nag-iba na trato niya, he always treat me like a glass who will be broken anytime if he won't take care of it. Syempre natutuwa ako ng sobra pero at the same time I feel the guilt because I know he want to do it to someone he love but I'm not that woman, it supposedly Clhoe.

"Sir iba ata daan natin," pagpukaw ko ng atensyon. Hindi kasi ito 'yong daan papunta sa apartment namin.

"Can you stay in my new house? Just for today." Natigilan naman ako pero napansin ko mukha niya, hindi talaga maayos ang ekspreyson niya, para siyang lantang gulay.

"Ok sige. Chat ko lang si kuya para sabihin sa kaniya," sabi ko bago ko hinugot ng aking cellphone sa bulsa at pinaalam agad kay kuya ang plano ko.

"Thanks..." Natigil ako sa pagtatype ng ilang segundo bago pinagpatuloy ito.

Maya-maya pa natapos na din, saktong huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa labas, bumungad ang isang malaking bahay na sa tingin ko bago lang na gawa pero tapos na lahat.

"Wait for me," sabi niya nang akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

Nagtataka akong pinanood siyang lumabas at naglakad patungo sa pintuan ko ngunit nang matanto ko ang gusto niyang gawin wala sa sariling kumurba ang aking labi.

Binuksan niya ang pintuan saka ako lumabas.

"Salamat," sabi ko. Tinanguan lang niya ako bago niya ako hinawakan sa kamay at saka kami sabay na pumasok sa loob ng gate.

Napansin kong wala pang guard, sa tingin ko hindi pa siya nakakauha.

Naglakad kami ng tahimik hanggang sa makapasok kami sa loob ng malaking bahay.

Mangha akong napatingin. Talaga ngang bago pa ito dahil 'yong mga gamit nakatambak pa sa gilid, mga nakakarton at bagong bili.

"What do you want to eat?" Tanong niya. Nahalata ko namang wala parang wala parin siyang gana.

"Ako nalang magluluto," sabi ko bago ko siya hinila patungong kusina. Kasing laki na ata ng apartment namin itong kusina niya eh.

"I buy pizza inside the fridge, you can re-heat it," sabi niya. Tumango naman ako. Wala pa naman kasi siyang mailuluto at mukhang hindi naman siya dito talaga tumitira.

"Binuksan ko 'yong frigde at tinignan ko ito, ang kaso hindi na pwede 'yong sinasabi niya pero hindi manlang ito nabawasan. Don't tell me hindi pa siya kumakain.

"Hindi ka pa kumakain since kahapon?" Tanong ko. Hindi siya nakaimik.

"I don't have appetite," sabi niya. Ganoon na ba siya nasaktan upang ganituhin niya sarili niya?

"Akina cellphone mo," sabi ko. Nagtataka man pero inabot niya ito.

Agad akong nag-order ng pagkain bago naupo sa tabi niya.

                                      —

Matapos ng tahimik na paghihintay, maya-maya pa dumating na din ang in-oder ko kaya kinuha ko ito mula sa delivery rider at saka pumasok sa loob.

Nang makapasok ako sa kusina agad kong nilapag ng pagkain sa harapan niya.

"Ayan kumain ka," sabi ko pero tinignan lang naman niya ito.

"Gusto mong subuan kita?" Pang-aasar na tanong ko dahilan upang mapaangat siya ng tingin kaya ngkatitigan kami pero makalipas ng ilang segundo binuwag niya ang aming titigan at saka siya bahagyang natawa.

"Ok then..." Napanganga ako, pero dahil sa kalokohan niya kinuha ko ang kutsara at sinubo ito sa kaniya.

Nakangisi na siya habang gingawa ko ito. Gusto lang pala magpa-baby eh.

Akalain mo iyon, isang bilyonaryo, matikas na lalaki nagpapa-baby sa akin.

Nakita ko ang isang lumpia kaya sinubo ko naman iyon sa aking sarili. Natigil ako sa pagnguya nang may humila sa batok ko bago kinagad ang dulog bahagi ng limpia na nakapasak sa bibig ko, pero dahil sa lapit non nagtama ang aming labi.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya nang linayo na niya ang kaniyang labi at simulang nguyain ang lumpia.

"That's taste better." Laglag ang aking panga habang pinagmamasdan kung paano niya ini-enjoy ang lumpia na galing sa labi ko.

"Bastos ka Sir!" Sigaw ko bago ko siya hinampas, pero imbis na lumayo sa akin mahina lang siyang natawa habang napapailing.

"Bakit nahihiya ka? Didn't we did it, all the way?"

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon