Chapter 29

624 14 0
                                    

Nanatiling nakatingin lamang si Bowen kay Aezthal kaya naman naupo na si Aezthal sa tabi niya.

"Wow first time ko sumakay sa eroplano. Kinakabahan ako pero may kasama naman ako kaya ok lang." Nakangiti kong sambit bago ko tinignan si Sir Bowen na naiwas ang tingin, halatadong tensyonado parin siya pero hindi na katulad kanina.

Napangiti ako. Hindi ko akalain na mamahalin ko ang isang seryosong taong katulad niya pero masisi ba ako ng sarili ko kong ganito kagwapo at kabait ang lalaking ito?

Unti-unti kong pinaglandas ang aming mga kamay at pinalupot ito kaya naman napatingin siya sa akin pero umiwas na ako ng tingin.

Ngayon ko masasabi na tama nga ang timgin ng tao sa kaniya. Noon ang akala ko plastik lamg ang pakikitungo niya eh pero hindi pala.

"Paano ba natitimbang ang pagmamahal?" Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Valencia. Hindi ko siya masagot hanggang ngayon. Paano nga ba?

I don't have any idea kung paano matitimbang o talaga bang natitimbang siya.

"Why are you here?" Tanong ng nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakalipad na pala ang sinasakyan namin.

"You're Mom found me," pagsasabi ko ng totoo.

"You shouldn't go if she make you come here," sambit niya. Umiling ako ng ilang beses.

"Hindi niya ako pinilit, pumunta ako kasi gusto ko samahan ka." Nagkatitignan kami at eto nanaman ang puso ko sobrang lakas ng tibok kasabay na parang may kumikiliti sa aking tyan.

"Why?" Tanong niya. Napaawang ng kaonti ang aking labi.

Umiwas ako ng aking tingin. "Wala lang," pagsisinungaling ko pero ang totoong sagot ay dahil nagaalala ako para sa kaniya. Gusto ko siyang samahan kasi ayaw ko siyang nag-iisa lalo na ngayon hindi niya feel ang nahihiwalay sa kaniyang pamilya.

"Inaantok ako pwede ba matulog?" Tanong ko bago napahikab. Hinigpitan niya ng pagkakahawak sa aking kamay kaya lihim akong napangiti.

Maya-maya pa umusog siya at umayos ng upo. "Here." Noong una hindi ko siya maintidihan nang tinapik niya ang kaniyang balikat.

"Huh?" Tanong ko pero itinaas niya ang kaniyang kamay bago marahang inihilig ito sa kaniyang balikat.

Nakatulala ako habang nakahilig sa kaniyang balikat pero maya-maya pa ipinikit ko na din ang aking mata. Nagpapakalma talaga sa akin ang kaniyang amoy.

                                      —

Naalimpungatan ako nang may mahinang tumatapik sa akin pero hindi ko iminulat ang aking mata at tila ba may nagtutulak sa akin upang gawin iyon.

"Aezthal wake up kaylangan mo kumain." Nanatiling tikom parin ang aking mata.

"Sir ito na po ang pagkain niyo may idadagdag pa po ba kayo?" Rinig kong tanong ng isang babae sa, tingin ko flight attendant ito.

"Ah, can I have a glass of chocolate please? My wife doesn't like coffee that much." Nag-init ang aking pisngi sa aking marinig. Ano daw, wife?!

"I'll get it right away, Sir," sambit nito, sunod na nakarinig ako ng padyak palayo sa amin kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"I know you're awake." Halos mapatalon ako sa gulat nang dumampi ang kaniyang hininga sa aking tenga.

Napatakip ako doon at saka ko tinakpan ang kaniyang bibig.

Nanlalaki ang aking mata na napatingin sa kaniya.

"What was that for?" Tanong ko. Mahina siyang natawa at umiling saktong dumating naman ang babae at nilapag niya ang chocolate drinks sa harapan namin.

"Enjoy your meal, Ma'am and Sir," sambit nito bago siya umalis. Napatingin ako sa aming pagkain.

"Anong oras na?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot sa halip hinihiwa na niya ang chicken na order na para sa akin habang ang order naman niya ay pasta.

Paano kaya niya nalaman na mahilig ako sa chicken?

"Here, eat it," sambit niya. Tumango naman ako bago nagpasalamat matapos no'n ay sinimulan ko ng kumain. Tahimik lang kami habang kumakain pero napatingin ako sa pasta niya, gusto ko din ng ganoon kaso nahihiya naman ako.

Isang kamay ang umangat at doon ko nakita ang tinidor na itinapat sa aking labi. Ito nga ang pasta na sinasabi ko.

"Hindi. Ayaw ko," pagkukunwari ko.

"I don't like it anymore. I want to eat yours," sambit niya. Saktong nakanganga na ako kaya niya naisubo ito sa aking bunganga bago niya pinagpalit ang aming plato.

Nakakalahati ko na iyon pero wala siyang kaarte-arteng sinubo ang kutsarang aking nagamit na.

Hindi ako nakaimik habang siya naman napapangiwi. Doon ako may napagtanto. Ibig sabihin ba binigay niya sa akin ang pasta kasi alam niyang gusto ko ito at pinipilit lang niyang kainin ang kinakain ko.

Inagaw ko ang plato sa tabi niya at ginilid 'yon.

"Why?" Nagtataka niyang tanong nang mapansin niya ang aking ginawa.

"Hati nalang tayo dito," sabi ko pero kinuha ko ang chicken para papapakin iyon.

"No. You can have it," sabi niya pero wala siyang nagawa nang subuan ko na siya. Napangiti ako nang isubo niya ito at ako naman ang sumandok ng para sa akin.

"Ang sarap..." komento ko habang nakangiti.

"Is it because my saliva is in there?" Halos maibuga ko ang pagkain sa aking bibig nang marinig ko iyon kaya kinuha ko ang baso na may lamang tubig at saka ito nilagok.

Nang mahimasmasan ako, nanlilisik ang mata kong tinapunan siya ng tingin.

"Hindi nakakatawa Sir," sabi ko nang mapansin kong bahagya siyang tumatawa.

"Yes. It is." Inikot ko nalang ang aking mata at pinagpatuloy ang pagkain.

Matapos naming kumain natulog akong muli.

                                     —.

Lumipas ang ilang oras nagising ako nang makarating kami sa aming destinasyon.

Dumiretso kaming dalawa sa hotel, iisa lang ang na book ni Sir Bowen na hotel pero wala namang kaso sa akin iyon, mas gusto ko nga iyon kasi masosolo ko siya— este kasi mababantayan ko siya, malay ko ba kung anong gawin niya kung wala siyang kasama diba.

Inilapag namin ang aming bag sa tabi at saka ko siya hinila pahiga.

Mukhang natigilan naman siya sa aking ginawa pero pinalupot kona ang aking kamay sa kaniyang katawan. Ewan ko hindi na ko nahihiya kahit hindi naman talaga ganoon kalinaw relasyon namin. Alam ko gusto niya akong panindigan pero gusto kong kunin ang pagkakataon na iyon para makasama siya.

Noon hindi kopa alam nararadaman ko aminado akong ayaw ko ang gagawin niya, malayong malayo ito sa mala fairy tale na gusto kong maranasan pagdating sa pag-ibig pero siguro maglalaho nalang lahat ng ini-imagine mo pag nakasama mo na ang taong mahal mo. All you want to do was to be with him.

"Liz..." Pumukit ako at siniksik pa ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"Pwede bang ganito muna tayo Sir?" Nanigas ang kaniyang katawan ngunit napangiti ako nang unti-unti niyang ipinalupot ang kaniyang kamay sa aking bewang.

Nakapagpasya na ako, hanggat ako ang kaylangan niya hindi ako lalayo... I will stay here beside him, no matter what.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon