Chapter 26

623 15 0
                                    

Aezthal POV

Sunday ngayon at dahil day-off ko gagawin ko na ang binabalak ko na magpa-check up.

Pagkapasok ko sa clinic pumasok agad ako sa loob at dahil maaga ako ako ang una sa listahan.

Tumitingin ako sa paligid dahil kinakabahan ako sa maaring maging sagot sa akin ng doctor tungkol sa kondisyon ko.

"Miss Aezthal Ramos?" Tumayo ako at sumunod sa secretary ng doctor bago ako pumasok sa loob ng opisina niya.

"Hello Aezthal." Bati sa aking ni doktora. Ngumiti naman ako.

"Hello po," sagot ko. Tumayo siya bago ako nilapitan.

"May kakaiba kabang nararamdaman?" tanong niya. Kinapa niya ang dibdib ko at pinakinggan ang aking heartbeat.

"Hmmm mukhang normal naman," sabi niya bago ako tinignan sa mata .

"Pero Doc bigla bigla nalang po akong nakakaramdam ng ganito specially pag kasama 'yong boss ko, bigla pong kikirot ang sometime ang hirap po huminga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko." seryoso komg sabi. Bumalik naman siya sa kaniyang upuan pero pansin ko ang ngisi sa kaniyang labi.

"Ijah hindi doctor ang kaylangan mo sa gaiyang kondisyon," sabi niya kaya naman mas lalo akong nagtaka.

"Po? Albularyo po ba?" Malakaa na tawa ang pumuno sa loob ng opisina kaya mas napakunot ako ng noo. Pinagtritripan ata ako ng doktora na ito eh.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay wala ka namang sakit ang sabi mo at saka mo lang nararamdaman iyan pag kasama mo boss mo hindi ba?" Sabi niya habang nakapatong ng kaniyang kamay sa lamesa.

"Opo," simple ko lamang na tugon.

"Naisip mo na ba na baka sakaling special lang nararamdaman mo sa boss mo?"

"Po ano pong ibig niyong sabihin?"

"I mean, you're in love that's why you're reacting like that." Biglang namula ang aking pisngi at tila sinipa ako ng katotohanan.

                                     —

Tulala lang ako hanggang sa makaalis at makauwi sa bahay.

Bagsak ang aking katawan sa sofa habang paulit na ulit na bumabalik ang sinabi ni Doktora sa akin kanina.

"In love..." Shit this can't be happening!

"Aezthal bukas ang pinto mo! Paano nalang kung pasukin ka ng kung sino—hoy, anong nangyari sa'yo?" Napalingon ako sa pumasok. Si Valencia pala.

"I'm doom..." Walang buhay na sambit ko.

"Huh? Bakit?!" Tarantang tanong niya at mabilis akong nilapitan. Naupo siya sa tabi ko.

"Pumunta ako sa clinic para ipatingin puso ko." Biglang nanlaki ang kaniyang mata at bigla akong inalog-alog.

"Huh?! Anong sabi? May sakit kaba? Iiwan mo na ba kmi?" Bigla ko siyang sinapak sa ulo dahilan upang matigil siya sa kakahataw sa akin at parang kiti-kiti na hindi mapakali.

"Gaga! Hindi pa ako tapos! Walang may sakit at lalong walang mangiiwan!"

"Ayy sorry naman. So, ano nga?"

Napabuntong hininga ako bago inayos ang aking upo bago kininukwento ang lahat.

Noong una tahimik lang siya at seryoso pero nang matapos ko ang pagsasabi ng katotohanan bigla niya akong kinurot sa tagiliran at napapatili-tili pa dahilan upang mapaatras at mapangiwi ako.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon