"Then accept me..." Bulong niya. Natigil ako at unti-unting napatingin sa kaniya. Muli kong naramdaman ang init sa magkabila kong pisngi pero mqbilis ko ding pinilig ang aking ulo bago ko pinulot ang isang damit para tupiin ito.
"Here. Tuturun kita magtupi." Pagiiba ko ng topic, hindi ko din naman kasi alam kung ano isasagot ko para sa tanong niya.
Inabot sa kaniya ang isa pang damit.
"I don't know how." Tinaasan ko siya ng kilay sa kaniyang sinabi.
"Kaya nga tuturuan kita eh. Ang kulit mo din," sabi ko. Natawa naman siya ng bahagya. May saltik ata itong boss namin eh.
"Ganito. Itupi mo sa magkabilang side ang damit, dapat hindi lalagpas ang manggas ha then itupin mo na sa gitna. Ayan!" Masigla kong sabi bago inaboy sa kaniya ang ginawa ako, pero napatingin ako sa ginawa niyanh gulo-gulo.
"Sir Bowen naman eh!" Inis na sabi ko. Napapakamot naman siya sa kaniyang ulo.
"Sorry, I'll try again," sabi niya at ang malala hindi niya talaga maayos kaya naman napabuntong hininga nalang ako at pinabayaan siya, matututo din naman siya.
"Basta tignan mo lang ginagawa ko." Tumango naman siya at parang seryoso pang tinitignan ang ginagawa ko. Lihim akong napangiti bago pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Maya-maya pa natapos na din kami kaya inayos kona lahat ng gamit niya sa aparador.
"Inaantok ako bigla tara na matulog," sabi ko sa kaniya bago pumwesto sa isang bahagi ng kama at nahiga. Malaki ang pagitan namin sa isat-isa.
Humarap ako pagtungo sa kaniya, ngunit laking gulat ko nang maging siya nakaharap na din pala sa akin.
"Let's eat lunch together, tommorow." Ngumiti naman ako bago bahagyang tumango.
Maya-maya pa natahimik na din siya.
"Tahimik ka Sir?" Hindi siya sumagot sa halip hinawakan niya ang aking kamay bago ito bahagyang pinisil.
"Thank you for taking care of my mess," sabi niya. Napalunok naman ako dahil doon bago umiwas ng tingin.
"Makalat ka kasi masyado," pagbibiro ko kasabay ng pagbilis ng tiko ng puso ko. Hindi kona alam gagawin ko bakit ba ako nagkakaganito?!
Mahina siyang natawa. "Yeah, I admit that."
Napabangon ako at hinila din siya paupo.
"Maligo muna tayo," sabi ko. Alangan naman kasing matutulog kami agad diba?
"Together?" Nag-init ang magkabila kong pisngi pero nakuha ko parin siyang samaan ng tingin.
"Hindi no! Asa ka!"
—
Kinabukasan maaga akong umalis ng hindi na nagpapaalam kay Sir Bowen, wala kasi akong dadamitin na para pumasok kaya nang makapaggayak ako sa apartment dumiretso na agad ako sa trabaho.
Pagkapasok ko ng building nakita ko agad si Rose kaya naman nilapitan ko siya pero laking gulat ko nang bigla niya akong iwasan.
"Huy anong nangyayari sayo?" Tanong ko sa kaniya. Kinalabit ko pa siya pero tinignan niya ako ng makahulugan kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan.
Ano ba kasing nangyayari?
"Aezthal may balibalita kasi dito, totoo ba?" Tanong niya. Napakunot naman ako ng noo bago napatingin sa ibang direksyon, napansin ko ang sama ng tingin ng ibang katrabho kona laging nakangiti sa akin dati.
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
RomanceBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...