Chapter 5

790 16 0
                                    

Karipas na takbo akong umalis sa kwartong nililinisan ko para lang maibigay ang ginawa ko.

"Aray..." impit akong napaatras nang maitama ako sa salamin.

"Haha anong ginagawa mo Aezthal?" Napahaplos ko sa aking mukha bago ako pumasok sa loob.

"Nandyan na ba si Sir Bowen, Kristen?" Tanong ko sa secretary ni Sir Bowen. Nandito na kasi ako sa harapan ng office niya.

"Wala pa pero sabi niya parating na daw siya, bakit ano bang kaylangan mo kay Sir Bowen?" Tanong niya. Napatingin ako sa pintuan bago ako napabuntong hininga. Alangan namang hintayin ko pa siya? Masama na nga loob kong igawa siya ng graham ball ulit eh. Kahit ibinalik niya ginagawa ko kahapon gusto ko parin makapagpasalamat sa ginawa niya para kay Kuya, pag nakapagpasalamat na ako edi wala ka akong utang na loob.

"Ibibigay ko sana ito, pwede bang ikaw nalang magbigay?" Inabot ko sa  kaniya ang paper bag. Iyong ginawa ko kahapon kinain ko nalang, may marshmallow pa naman 'yon sa loob.

"Ok sige mamaya pag dating niya," sabi niya. Nagpasalamat naman ako bago umalis.

Tumuloy ako sa elevator para kumain na, pagkababa ko ng first floor naglakad ako palabas ng building sakto namang nag-ring ang cellphone ko.

Kinapa ko iyon sa aking bulsa bago sinagot ang tawag. "Oh kaylangan mo?"

"Ang panget mo naman magpabungad, by the way pupunta ako sa bahay niyo mamayanh gabi ha, mag-o-over night ako." Napakunot ako ng noo. May nababasa kasi ako sa boses niya.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka sasampahan ng kaso ni Kuya pag ginahasa mo siya ah," natatawa kong sagot. Napahagikgik naman siya sa kabilang linya.

"Basta ba reresbakan mo ako hahaha." Napangiti ako. Kalokohan talaga niya, patay na patay lang sa kapatid ko.

Malawak ang ngiti ko habang kausap si Valencia pero nang makalabas ako sa building nawala ang ngiti sa aking labi hindi dahil sa init ng araw sa labas kundi dahil sa biglang makasalubong ko ang isang lalaking nakasalamin.

Maaliwalas ang mukha niya pero nang magsalubong ang aming tingin bigla siyang bahagyang napakunot.

Pareho kaming napahinto at ilang distansya lang ang layo namin sa isat-isa.

Nagkatitigan kaming dalawa, hindi ko alam kung ilang segundo iyon. "Hello bruha, and'yan ka paba?" Naibalik ako sa tamang wisyo. Hindi ako sumagot sa halip ibinaba ko cellphone at pinatay ito.

Napalunok ako at bahagyang yumuko bago inangat muli ang aking ulo. "Morning sir Bowen." Tinitigan lang niya ako bago siya naglakad, nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko hanggang sa lagpasan niya ako.

Bigla akong napasimangot. "Tsk."

Napalinong ako sa kaniya at patuloy lang siyang naglalakad palayo.

Napabuntong hininga ako... Ewan koba ako naman nauna sa aming dalawa eh, nasabihan ko siyang nerd kaya parang peke siyang ngumiti at pinisil niya kamay ko, ang kaso hindi ko maamin na ako talaga mali sa aming dalawa, suguro naman kahit na sino miinis kung sabihin sila ng ganoon diba?

Pero kahit na! Naiinis parin ako sa kaniya!

Nagpatuloy nalang ako maglakad hanggang sa makarating ako sa canteen.

Nasa pila palang ako nang bigla akong napalingon nang may kumalabit sa akin.

"Aezthal magme-meryenda ka palang?" Tanong ni Sir Eron. Biglang lumawak ang aking ngiti at tumango sa kaniya.

Napansin kong parang nag-aalangan siya. Nahihiya ba siya sa akin? "G-gusto mo bang sabay na tayo kumain sa rooftop?" Biglang nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon