Special Chapter

950 24 2
                                    

2 years later

Aezthal Pov

"Aezthal!" Napaigtad ako sa aking kama nang biglang may nagbukas ng pintuan at kasabay ng paghiyaw nito

"Bakit ba sumisigaw ka Val?" Tanong ko bago ko sinawsaw sa may patis na may kalamansi ang kinakain ko. Grabe ang sarap.

"Teka ano iyang kinakain mo?" Tanong niy at saka niya ako nilapitan.

"Crab apple. Gusto mo?" Tanong ko. Tumango naman siya at namulot sa bowl ko na puno ng crab apple at saka niya sinawsaw iyon.

Kakasubo palamang niya ng pagkain mabilis na siyang tumakbo papuntang restroom at saka siya hingal na hingla na lumapit sa akin muli.

Hindi maipinta ang kaniyang mukha dahilan upang matuwa ako. Bakit parang ang cute niya haha.

"Teka! Anong lasa iyan? Ang panget!" Sambit niya. Napasimangot naman ako dahil doon.

"Ang sama mo naman magsalita, masarap kaya... Alam mo hindi ka nalang sana pumunta dito kung lalaitin mo lang pagkain ko." Nakasimangot kong sambit pero bigla siyang napakunot ng noo kalaunan nanlaki ang mata at napatakip sa kaniyang bunganga. Nagtataka ko naman siyang pinagmasdan. May sapi ata siya ngayon.

"Hindi kaya buntis ka?" Tanong niya. Natigilan ako sa pagsubo at nabalot ng lungkot ang aking mukha.

"Mahirap na daw sa akin ang magka-anak, iyon ang sabi ng doctor." Ilang beses na kaming nagta-try ni Bowen simula nang ikasal kami at may ilang beses na din kami nagpa-check up pag nasusuka ako tuwing umaga o delay ako pero wala pari. Ang sabi ng doctor isa nalang himala na mangyari kung mabuntis ako at kung oo man isang beses ko nalang iyon magagawa.

Nakakalungkot lang kasi hindi ko mabigyan ng anak si Bowen... Kahit hindi niya sinasabi na gusto niyang magkaanak nababhala parin ako.

"Hey, huwag kang mawalan ng pag-asa, may blessing din na darating. Ganito nalang, meron ako nito dali, i-try mo." Napakunot ako ng noo nang makita kong binuksan niya ang kaniyang bag at nilahad ang tatlong pregnancy test.

"Bakit meron ka niyan?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas pa ang kilay.

Ngumisi siya. "Syemore excited ako sa magiging inaanak ko kaya bago ako pumunta dito nagdala na ako, madalas ko kasi napapansin pag pumupunta ako dito kung ano-ano kinakain mo, para kang cra-crave na buntis."

"Val naman please, tigilan mo na 'yan."

"H'wag ka ngang umangal. Susubukan mo lang naman wala namang mawawala." Hinila niya ko mula sa aming kama ni Bowen bago ako tinulak paloob sa banyo.

Sinunod ko nalang ng ginawa niya saktong pagkalagay ko ay pumasok siya sa loob ng banyo.

"Ano?! Ano?!" Hindi ako makatingin, sa salamin lamang ang aking tingin, umaasa ako na hindi. Ayaw ko lang ma-disappoint, hinihiling ko lang naman na kahit isa lang na anak ok na.

"Halla!" Napatingin ako sa may lababo at maging ako nanlaki na din ang mata nang makita ko lahat ng pregnancy test. Dalawa na ng guhit ng mga 'yon.

Parang tumalon ang aking puso sa kaba at saya ngunit kung masaya ako mas masaya pa na niyakap ako ni Val.

"May himala nga!" Sambit niya. Hindi kona mapigilan ang maluha. Araw-araw kong pinagdarasal na sana dumating ang araw na ito... Masaya kami ni Bowen, anak nalang ang kulang. Gusto ko may batang tumatakbonsa loob ng bahay.

Nang mahimasmasaan ako humiwalay kami ng yakap at iginaya niya ako sa may kama.

Naupo ako doon habang siya nasa harapan ko lang. "Hindi ako makapaniwala..."

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon