Chapter 22

721 13 0
                                    

Aezthal Pov

Mamula mula ang aking mukhang nakatingin sa bintana ng kotse ni Sir Bowen. Bumabalik parin ang kalokohan na ginawa niya kanina, I mean namin. Ahem...

"Do you want me to open the window?" Napakunot ako ng kilay sabay napalingon nang magsalita si Sir Bowen sa tabi ko na kasalukuyan nang nagda-drive.

"Huh? Ok lang ako Sir," takang sambit ko habang nanatili akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nakatutok lang ang mata sa may daan.

"You're blushing." Simple lang nitong sambit ngunit biglang nagpabilis ito ng kabog ng aking puso.

"A-ah, a-ako na m-magbubukas h-hahha!" Umiwas ako ng tingin bago tuluyang binuksan ang bintana para hindi na ako mapahamak no. Nakakahiya talaga at bakit nga ba ako umaarte ng ganito?

Pagkakaalam ko may-cctv sa locker room paano nalang kung nakita iyon ng nag-o-operate no'n sa buong hotel.

Nanlaki ang aking mata bago ibinalik sa kaniya ang tingin. "Sir! Paano kung napanood tayo kanina??!" Sigaw ko sa kaniya pero isang tipid na ngiti naman ang kaniyang isinagot sa akin.

"Do you think I make a move if I didn't plan it? Don't worry, I handle that," sabi niya bago ako sinulyapan at nginitian. Natulala ako sa kaniyang mukha, tila ba parang hini-hipnotize ako ng kaniyang tingin at matamis na ngiti at para akong na pa-paralyze.

"Ahem! Sa daan ang tingin Sir," sabi ko bago umiwas ng tingin at itinuon nalang sa labas ang aking buong atensyon.

Napapikit ako sa lamig ng hangin, mas masarap talaga pag talagang hangin ang dumadampi sa balat kaysa aircon kahit pa amoy na amoy ang pabango ni Sir Bowen sa buong paligid ayaw kong ma-willy no.

"Nagbabalik po ang pinakingkingan at handang magbigay ng isang aral tungkol sa pag-ibig. Ako po ito si Miss Carla." Napatingin ako sa radio. Nakikinig pala siya ng ganito. Tinignan ko siya pero mukhang wala naman siyang pakealam siguro para lang mawala ang katahimikan ng buong sasakyan.

"Dear Miss Carla ano pong gagawin ko kung iyong lalaking naka one night stand ko gusto akong pakasalan para lang sa responsibilidad?" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang marinig ko iyon.

Kasunod ay nakarinig ako ng tawa mula sa radyo. "Sender anong masama doon? Bihira nalang sa mga lalaki ang ganiyan, baka nga nasa 2% out of 100% nalang ang ganiyan eh, bakit hindi mo i-grab? Alam mo ang mga lalaking may paninindigan ay karapat dapat na tanggapin." Napalunok ako at lihim na napatingin kay Sir Bowen pero saktong hininto naman niya ang sasakyan dahilan upang muntikan akong ma-forward sa harapan.

"We're here," sabi niya bago bumaba. Pinanood ko naman siyang pumunta sa harapan hanggang sa makarating siya sa pintuan ng passenger seat bago ito binuksan.

Lumabas ako pwro nanatiling sa iba ang aking isipan, hindi mawala sa isip ko ang sinabi nung broadcaster na iyon.

Karapat dapat na tanggapin... Napatitig ako kay Sir Bowen habang naglalakad kami pero laking gulat ko nang bigla niya akong tapunan ng tingin bago hinawakan ng marahan ang aking kamay.

"May problema ba?" Mabilis kong hinila ang aking kamay dahil tila gusto nang kumawala ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Umiling ako. "Wala. Iniisip ko kung anong kakainin hahaha," pagpapalusot ko at tumingin sa harapan. Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang restaurant.

Biglang bumigat ang aking dibdib at bahagyang napaatras.

"Pwede bang huwag na dito S-Sir?" Utal kong tanong.

Bigla naman siyang napatingin sa akin habang unti-unting napapakunot ang kaniyang noo. "Ayaw mo ba ng pagkain dito? Do you want me book in other restaurant?" Mabilis akong napailing bago pilit na ngumiti.

"Sa jollibee nalang tayo pwede ba?" Nakangiti ko nang tanong. Sa pagkakataon na ito totoong ngiti na ang pinapakita ko. Wala ng halong pagkalungkot.

Tinitigan niya ako bago ko naramdaman ang kamay niya na inangat upang hawakan ang aking ulo bago ito marahang hinaplos.

Ramdam ko naman ang paglakas at pagbilis ng tibok ng aking puso. Ano bang nangyayari sa akin? Need ko na ba magpatingin sa doctor? Tama! Iyon nga gagawin ko sa linggo tutal wala naman akong pasok nun, ipapakunsulta ko nararamdaman ko, mahirap na baka kung ano na ito.

"Liz?" Napalunok ako bago inatras ang aking ulo palayo sa pagkakahila niya kaya naman bumaba ang kaniyang kamay.

"Ok lang ako Sir, nagugutom na ako eh," sabi ko. Napansin ko naman na bahagya siyang natawa bago napailing.

"Then let's go." sagot niya kaya naman sumabay na ako sa paglalakad. Isang pagitan lang kasi ang mall eh, meron naman jollibee doon mabuti nalang wala siyang kareklareklamo eh. Siguro kung ibang lalaki ito magrereklamo dahil tingin nila this fast food chain is just for kids.

Nang makapasok kami bigla akong nawalan nang balance nang may kung anong bumangga sa akin ngunit laking gulat ko nanh may isang bisig ang pumulupot sa aking bewang. Napaangaat ang aking tingin sa tila ba biglang nag blurd ang lahat ng taong nandoo at nanatiling sa mukha lang ng lalaking hawak ako ngayon ang aking buong paningin. Hindi maipinta ang kaniyang mukha dahil nakakunot ang noo nito pero sa kabila ng lahat napakaamo parin ng kaniyang mukha, nahiya naman ang balat ko.

"Hey! You forgot to say sorry!" Napaayos ako ng tayo nang magsalita siya pero nanatiling nasa bewang ko ang kaniyang kamay habang nakatingin sa isang may edad na lalaking nakabangga sa akin. Napansin kong mukhang aalis na sana ito ang kaso tinawag siya ni Sir Bowen.

Masama ang tingin ng lalaking lumingon sa amin. "Apologize." Mahina ngunit may diin na sambit ni Sir Bowen at eto nanaman puso ko parang gusto nanamang kumawala sa hawla niya.

"Is that Bowen Gastrell?" Rinig kong sabi ng mga tao sa tabi-tabi dahil nakuha na niya ang atensyon ng mga napapadaan.

"Yes. I think so."

"SIr tara nalang hayaan mo na-" Natigil ako ng ang lalaking bumangga sa akin biglang lumuhod sa harapan ko.

"s-sorry Ma'am!" Halata sa boses nito ang takot. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa paligid at lahat sila nagbubulungan na.

Mabilis kong hinila ang lalaki patayo habang nanlalaki ang mata. "Please huwag po kayong lumuhod at saka ok lang talaga. Alam ko naman na hindi niyo sinasadya." Nakangti kong sambit pero nanatili naman siyang nakayuko kaya nilipat ko ang aking tingin kay Sir Bowen na nanatiling seryoso ang kaniyang ekspresyon.

Hinila ko ang kaniyang kamay bago kami tumakbo paalis don.

Nang makalayo kami, ako ang kusang huminto at hinihingal na napatingin sa kaniya. "You lost your temper there Sir. Hindi ko alam na ang soft na katula mo magagalit ng gano'n. Tsk, tsk." Kunwari pinapagalitan ko siya pero deep inside masaya ako. Hindi ko alam, ngayon ko lang naranasan ito, hindi naman big deal ang nangyari pero kung umasta siya kanina parang nahiwa ang balat ko.

Bigla siyang napapikit at ñarang pinapakalma ang kaniyang sarili. Napansin kong namamasa ang kaniyang palad at nanginginig ito. Kinapa ko kung ano ang nasa bag ko bago ko ito inabot sa kaniya.

"How did you get this?" Tanong niya ngunit tinanggap niya din ito bago ininom.

"Nakita ko nahulog sa bulsa mo kanina. Kumalma kana ba Sir?" Tanong ko. Hindi siya nakaimik ng ilang, segundo pero tumango din naman siya kalaunan.

"Thanks..." umiling ako.

"So bakit kanga nagalit?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman siya.

"I dont know. Are you sure you're ok?"

"Hmm." Hindi ko alam biglang kumilos ang katawan ko. Humakbang ako papalit sa kaniya bago siya hinalikan ng mabilis sa kaniyang pisngi, matapos no'n napaiwas ako ng tingin.

"A-ahem! T-tara na!"

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon