Chapter 37

596 13 0
                                    

"Itigil ang kasal!"

Lahat ng bisita sa simbahan napatingin sa harapan.

"Mrs.Gastrell," bulong ng ilan habang nanlalaki ang kanilang mata.

"Wala pa si Aezthal pero ako na magpapatigil sa kalokohang ito." Lihim na napangiti si Mr.Gastrell habang pinagmamasdan ang kaniyang asawa na taas ang noong pumunta sa ginta ng aisle.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Ngumisi si Avery bago lumapit. Nanatiling nakatingin naman si Bowen dahil nagtataka siya kung bakit ganito kumilos ang kaniyang pamilya.

"Mom, sigurado kang pwede kong gawin iyon?" Tanong ni Avery. Ngumiti ang ginang sa kaniya bago tumango. Iyon naman ang naging hudyat ni Avery upang lumapit sa dalawa at walang pagdadalawang isip niyang sinuntok sa t'yan si Chloe na nanlalaki naman ang mata.

"Oh my..." reaksyon ng lahat. Nagaalala namang tumingin si Bowen kay Chloe.

"Ate what is this?" May halong hinanakit na tanong ni Bowen. Inilabas naman ni Melanie ang kaniyang Cellphone.

"That woman is faking her pregnancy!" Sambit ng ginang. Napakunot ang noong napatingin siya kay Chloe na panay ang iling habang ang mga tao sa simbahan bulungan ang namayani.

"Wala kayong proweba! Buntis ako!" Sigaw ni Chloe.

"Then explain this," sambit ni Mr.Gastrell at pinakita ang isang resibo ng product na fake pregnacy belly na pinadala sa address niya at nakapangalan pa sa kanya.

Napaatras si Chloe habang gulat ang lahat sa mga kanilang nasasaksihan habang si Bowen hindi mawari ang nararadaman. May saya at hinagpis ang kaniyang puso, saya dahil may pag-asa pa siya dahil hindi talaga totoong buntis ang dalaga at hinagpis dahil nagpaloko siya.

"Paano niyo-"

"How? It's simple, we're Gastrell," matapang na sagot ni Mr.Gastrell.

"You kow what hindi naging maganda ang unang pakikitungo ko kay Aezthal because I thought you're still Bowen girlfriend not until I found out you cheated on him... pero pinalagpas namin. Aezthal got my attention like Avery, pareho silang babaeng kayang mahalin ng buo ang mga anak ko... Aezthal is there when Bowen was sick kahit walang nagsasabi sa kaniyang gawin iyon na hindi mo ginawa sa anak namin but it's still ok because Bowen love you and were fine with that, wala kami balak na baguhin ang nararadaman ng anak namin pero sa ganitong paraan nakaya mo na siyang niloko at nagawa mo ulit!" Masama ang tingin ni Melaine sa babaeng ito maging ang pare nanatiling tahimik na nakamasid.

"Mom what's happening? Bakit sumisigaw si Grandma?" Tanong ni Ellie kay Avery. Napailing naman si Avery bago hinawakan nag kamay ng kaniyang anak.

"It because niloko si Tito Bowen mo." Napatango tango naman si Ellie at tahimik nalamang siya muling nakinig.

"No...Hindi niyo pwedeng gawin ito kaylangan naming ikasal ni Bowen!" Pagmamatigas ni Chloe. Napailing iling nalang ang lahat sa inaasta ng dalagita.

"Bowen deserve someone better, hindi ako nakialam sa relasyong ng mga anak ko pero ngayon mangingialam kami, hindi niya kaylangan ng babaeng kaya siyang lokohin dahil alam kong darating ang time na makakaya mo ulit siyang lokohin habang kasal kayo. Kung noon ok ako sa relasyon niyo kasi mahal ka ni Bowen pero ngayon hindi na dahil hindi na din ikaw ang mahal niya." Naguluhan naman doon si Chloe na napatingin siya kay Bowen.

"Is she telling the truth?! Whose that slut!" Nanalim ang tingin ni Bowen.

"Aezthal is not slut! If you ever call her like that again I'll kill you," maowtoridad niyang sambit na ikinalaki lalo ng mata ni Chloe. Hindi siya nakaimik at nagsimula muling humikbi ng malakas.

Napahilot sa sintido si Bowen. Hindi na niya kaya pa ang mga nangyayari.

Napaupo naman si Chloe sa sahig habang ang kaniyang magulang sinaluhan siya.

"Lalabas ito sa lahat na pinagtutulungan niyo anok namin!" Sigaw ng ginang na ina ni Chloe. Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Franco at Melaine.

"Wala kaming pake, after all walang laban ang pamilya niyo sa amin," sambit ng ginang habang si Chloe naman kumawala sa hawak ng kaniyang magulang at pagapang niyang nilapitan si Bowen.

"Bowen please don't listen to them..." Nanatiling nakatingin si Bowen sa kaniya ngunit walang bakas na emosyon ang namamayani sa kaniyang mata.

Hikbi at pagmamakaawa namang ni Chloe ang naririnig sa simbahan ngunit natigil ito nang may dalawang lalaki ang habol hiningang tumakbo papunta sa harapan.

Lahat ng mata napatingin sa kanila. "Rufus? Crue?"

"K-Kuya Aeszthal... Aezthal..." Nahihirapang sambit ni Crue. Nabalot ng kaba ang puso ni Bowen nang marinig niya ang pangalan ni Aezthal.

"Aezthal got into an Accident damn it!" Pagmumura ni Rufus. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Bowen. Tila namanhid ang kaniyang katawan habang ang mag-asawang Gastrell nanlalaki ang mata at napapatakip naman sa bibig si Avery.

"No!" Sigaw ni Bowen at karipas ang takbo niyang lumabas ng simbahan. Handa na sana niyang papasok sa driver seat pero hinila siya ni Rufus papunta sa back seat at si Crue ang nag-drive.

"Ayaw naming pati ikaw madisgrasya kung magpapadalos dalos ka!"

"W-what h-happen?" Utal niyang tanong habang sinisimulan ni Crue ang mag-drive.

"Pumunta kami sa bahay niya para i-convince siya na pumunta sa simbahan at pigilan ang kasal. Sinabi namin ang lahat ang kaso katulad mo nagpadalos dalos din siyang iniwan kami pero agad kaming sumunod pero nabunggo ang taxi sa malaking truck, sinugod agad sila ng driver sa hospital. Sila Kuya Albus at Kuya Maximus ang nagpunta sa kanila habang kami pinuntahan ka." Nanginginig ang kamay ni Bowen, hindi siya mapakali.

"Tell me she's alright, right?" Napapapikit si Rufus, hindi siya makaimik.

"Right?" Inulit ni Bowen ang kaniyang tanong ngunit walang nangyari. Malakas niyang sinuntok ang passenger seat dahilan upang mag crack ito bago siya napadaosdos habang tahimik na humihikbi.

"This is my fault... Aezthal.." hindi nakaimik ang dalawa, ngayon lamang nila nakitang nagkakaganito si Bowen. Simula nang tumungtong ito ng labing lima hindi na nila ito nakitang umiyak pa at lagi nalang nitong sinasarili ang nararamdaman pero ibang-iba ngayon, wala siyang takot ipakita sa lahat ang kaniyang kahinaan.

Tahimik na humihikbi si Bowen hanggang sa makarating sila.

Nagmamadali siyang tumakbo sa loob ngunit napahinto sila sa pagtakbo nang madaanan ng dalawang nurse na nag-uusap. Nakatalikod si Bowen habang pinapakinggan ang usapan ng mga ito, nagbabakasakali siyang may maririnig siya tungkol sa nangyaring aksidente.

"Iyong taxi incident, dead on arrival..."

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon