Chapter 18

667 16 1
                                    

"Chloe..." Bulong niya habang hawak ng aking kamay. Napalunok ako bago ipinilig ang aking ulo.

"Sir naman hanggang dito ba naman 'yong ex mo paring manloloko iniisip mo? Teka bakit ba ako nag-aalala sa'yo dapat sana pinabayaan na kita eh!" Sambit ko. Para bang gising ang pinapagalitan ko.

Hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko habang ang isa ko namang kamay ay hinawakan ang kaniyang noo at halos mapaso ako sa init nito.

Maya-maya pa humarap siya sa kabilang bahagi kaya naman naluwagan niya ang pagkakawala sa kamay kaya ko kinuha ang pagkakataon upang bawiin ito bago ako tumalikod at hinanap ang remote ng aircon.

Nang mahanap ko ito sa bed side table pinahinaan ko ito, ang lakas lang kasi ng tama niya halos nanginginig na nga siya sa lamig tapos ganito pa siya.

Muli ko siyang pinagmasdan nasa ganoon parin siyang posisyon napabuntong hininga ako bago ko tuluyang lumabas.

Nang makalabas ako hinanap ko agad ang daan pababa, halos maligaw nga ako sa laki mabuti nalang sinundan ko ang katulong kaya nakababa ako.

Doon ko nakasalubong ang pinakamayordoma nila.

"Manang maari ko po bang mahiram ng kusina niyo?" Tanong ko. Napabaling naman siya ng tingin sa akin noong una nagtataka pa siya pero kalaunan ngumiti siya sa akin

"Merong cook dito doon mo nalang ipaluto ang gusto mo," sabi niya. Mabilis ko namang iwinagayway ang kamay ko bago mabilis na umiling.

"Naku po ako na po gagawa saglit lang naman po ito eh," sabi ko. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi bago niya ako tinanguan.

"Ok punta kalang sa kanan lakarin mo lang iyon ay makakapunta sa sa kitchen."

"Salamat po," sagot ko at naglakad muli. Sinundo ko lang ang instructions niya kaya nakarating ako.

"Hello po," bati ko sa isang taong nagluluto doon. Natigil siya sa paghihiwa bago ako tinignan.

"Ikaw ba ang bagong nobya ni Sir Bowen?" Namula bigla ang aking mukha sa hindi malamang dahilan, para ba akong nahiya bigla.

"Naku hindi po, nagtratrabaho lang po ako sa kaniya," sabi ko. Wala namn kaming relayson eh, ang sabi lang niya pananagutan niya ako, hindi ibig sabihin nun kami na, ok.

"Ganun ba? Nilalagnat ngayon si Sir Bowen, siya kasi ang pinakasakitin sa kanilang magkakapatid kaya naman hindi na kami nagtataka kung bakit ganoon siya," sabi niya. Ngumiti nalang ako bago naglakad palapit sa kaniya.

"Sakitin? Mukha naman po siyang ok," sagot ko. Nagtataka lang kasi ako, kung bakit napakasakitin niya.

"Alam mo ijah may nangyari sa magkakapatid na kami lang nakakaalam, isa na din ang dahilan na iyon kung bakit sakitin si Sir Bowen." Natigil ako sa paglalakad.

"Po? Hindi po sa pakikialam pero po kasi nakita kong may iniinom si Sir Bowen para sa anxiety." Muli siyang natigil pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig.

"Hindi dapat ako ang magsabi niyan sayo. Nga pala anong kaylangan mo dito?" Pagi-iiba niya ng usapan. Napabuntong hininga nalang ako, ang dami ko pa naman sanang tanong tungkol sa kalagayan ni sir Bowen.

Hindi sa nag-aalala ako sa kaniya ah! Ano kani... Ano nga ba? Basta curious lang ako. Gano'n!

"Magluluto po kasi sana ako ng lugaw para kay Sir Bowen tapos hihingi na din po ako ng palanggana para matrapuhan katawan niya."
Binigyan niya ako ng mapangasar na ngiti kaya hindi ko maiwasan ang mapaiwas ng tingin.

"Sure kabang hindi ikaw ng bagong nobya ni Sir Bowen? Maging nga si Ma'am Chloe hindi bumibisita dito pag nagkakasakit si Bowen Sir eh." Nag-init naman ang magkabila kong pisngi pero hindi ko na siya pinansin pa.

"Anong pangalan mo ijah?" Tanong niya habang tumitingin naman ako sa ref ng ingredients.

"Aezthal po," sagot ko bago kinuha lahat ng pwede kong isangkap.

"Aezthal... Napakagandang pangalan, ako nga pala si Dina. Manang Dina nalang itawag mo sa akin," sambit niya. Tuluyan naman na akong lumapit sa kaniya.

"Nice to meet you po Manang Dina," sabi ko bago ko sinumulan maghiwa ng mga gagamitin ko pero hinugasan ko muna ito bago iyon.

"Alam mo matagal na akong nanunungkulan dito, dalaga palamang ako. Mababait ang pamilyang Gastrell, maging ang mga anak nila, maloko nga lang si Sir Crue at Sir Rufus pero mabait ang mga iyon habang pinakatahimik naman sa kanila si Sir Maximus at ilap naman sa tao si Sir Albus, si Sir Bowme lang ang umaakto ng medyo matino sa kanila." Napapangiti niyang sambit, talagang napamahal siya sa magkakapatid ano?

"Halata nga po..."

"Si Sir Albus. Ang malaki ang part na nagbago sa kanilang lima. Nang makilala niya si Ma'am Avery alam mo sobrang tuwa ko nang malamang may babae ng nagpapasaya sa panganay ni Madam at ni Sir," sabi niyang muli. Napaka-powerful talaga ng love no? Siguro tama ang mgasinabi nila. Hindi ka mag-se-settle down kung wala ka pa sa tamang tao.

"Wala na bang isa pang Sir Albus Manang?" Pagbibiro ko, para kasing nakakatuwa lang magkaroon ng ganoon hindi ba?

Natawa siya ng bahagya. "Meron, si Sir Bowen," pagbiniro niya pabalik. Napatikhim naman ako bago iniwas ang tingin.

"Mapagbiro ka manang," sabi ko bago ko pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagsisimula na akong maggisa bago ko nilagay ang bigas, hihintayin ko nalang itong kumulo.

"Mabait naman si Sir Bowne hindi ba?" Tanong niya. Doon naman ako napaisip-isip, mabait ba siya? Well he's always gentle, gentle man din. Hindi niya pinapabayaan na ako ng bumubukas ng pintuan at noong natulog ako sa bahay niya kinukumutan niya ako kahit siya wala ng kumot.

Napangiti ako habang inaalala iyon... "Napapangiti kana." Biglang nawala ang ngiti ko bago ako tumikhim.

"Hindi ah! Alam niyo ba pinakaka-away ko si sir Bowen? Pinisil kaya niya kamay ko noong unang kita namin, paanong mabait iyon? Tapos sinisigawan niya pa ako kasi nabali ko paa niya," sambit ko. Bigla naman siyang napailing za sinasabi ko.

"Ganun? Parang hindi baman ganun si Sir Bowen," sabi niya. Mas namula pa ang pisngi ko pero hindi na ako kumibo, bakit ba biglang lumalakas tibok ng puso ko?!

Kinakabahan ba ako? Pero wala namang nangyari para kabahan ako hindi ba?

"Oh kumukulo na niluluto mo," sabi niya, doon ako napatingin. Ok na pala.

Tinimplahan ko nalang ito at naghintay pa ako ng ilang minuto haggang sa matapos na ginayak kona lahat ng kakaylanganin ko bago ako pumanik.

Pinasunod ko na din sa isa pang katulong ang palanggana na may maligamgam na tubig.

Nang makarating ako sa kwarto ni Sir Bowen, tulog parin ito habang nakakunot ang noo, mukhang nilalamig parin siya kaya naman ang ginawa ako, binaba ko lahat ng kurtina.

Matapos non ay pumunta ako sa closet niya para maghanap ng towel para pangtrapo sa kaniya.

Nang makahanap ako nilapitan ko siya at sinumulan punasan ang kaniyang mukha ngunit nagulantng ako ng biglang nagmulat qng kaniyang mata. Natigilan ang aking kamay na nasa pisngi niya.

"What are you doing?"

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon