"Oh babe bakit kanina kapa tulala?" Tanong ni Chloe habang kumakain sila ngayon sa isang restaurant.
Naibalik sa tamang wisyo si Bowen bago niya nginitain ng kaniyang kasintahan. "Babe if you have employee that make you annoyed what will you do?" Tanong ni Bowen. Simula nang pumasok siya sa bagong hotel niya naiinis na talaga siya kay Aezthal dahil sa kilos nito sa kaniya.
Napaisip-isip naman si Chloe. "Fire her?" Patanong niyang sagot. Bigla namang nagtatakang napatingin sa kaniya si Bowen. Napansin ni Chloe ang tingin ni Bowen kaya mahina siyang natawa. "Kidding, just ignore it unless they did terrible thing to make you fired them, just easy babe, ignore them ok?"
Napatango si Bowen. "You're right, let's continue eating," sabi niya matapos non ay pinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain.
Matapos nilang kumain lubs na sila sa restaurant.
Napapikit si Chloe habang napaangat ng mukha dahil sa simoy ng hangin. Hinila naman ni Bowen ang kamay ni Chloe at kinulong ito sa kaniyang palad.
Napatingin si Chloe sa kanya habang napapangiti.
"How many years we've been in a relationship babe?" Tanong ni Chloe. Hindi naman sumagot si Bowen sa halip nang makapasok na sila sa may kotse pinagbuksan siya ng pintuan ni Bowen at pumasok sila sa loob.
"I have surprise to you," sabi ni Bowen bago pinaandar ang kotse.
Habang nasa byahe napapatingin naman si Chloe sa labas, maya-maya pa huminto ang sasakyan.
"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ni Chloe, hinila naman ni Bowen ang kamay ni Chloe at sabay silang naglakad sa loob ng isang malaking bahay. Pagkapasok nila bumungad ang madilim na lugar kung saan may mga kandila sa ibat-ibang bahagi at mga petal ng ibat-ibang kulay ng roses at sa itaas papuntang hagdan nakasulat doon ang word na, 'will you marry me?'
Nanlaki ang mata ni Chloe bago napatingin kay Bowen ngunit lumuhod si Bowen sa harapan ni Chloe. "It's been 3 years I as spending my day with you babe... Will you take this ring to continue the years together?" Unti-unting tumulo ang luha sa mata ni Chloe ngunit nakasilay ang ngiti sa kaniyang labi.
Unti-unting tumango si Chloe. "Yes..." bulong niya. Napangiti si Bowen bago isinuot ang singsing sa daliri ni Chloe at mabilis niya itong hinagkan.
"I promise to be a good husband babe." Hindi nakasagot si Chloe pero mas hinigpitan pa niya ang kaniyang yakap kay Bowen.
—
Avery POV
Halla anong gagawin ko?! Mukhang hindi na maganda tingin sa akin ni Sir Bowen tapos mababalitaan ko siya pala tumulong kay Kuya?!
"Tao po... tao po!" Napakunot ako ng noo nang marinig ko ang boses na iyon.
Wala akong pasok ngayon tapos si Kuya maaga umalis kasi simula na ng trabaho niya, sino kaya boss niya? Gusto ko din palasamatan.
"Hoy ano na Aezthal wala ka bang balak na pagbuksan ang pinakamaganda mong best friend?!" Mabilis kong binuksan ang pintuan. Nakasimangot akong nakatingin kay Valencia ba hanggang tenga ang ngiti.
Nang mapagbuksan ko siya sumilip silip pa siya sa loob. "Ikaw lang naman best friend ko at saka wala si kuya dito. Pasok na," sabi ko. Napansin kong biglang nag-iba timpla ng mukha niya. Ito talaga.
Nang makapasok siya sa loob at saka naman sinara ko ang pintuan.
Nang makaharap ako sa kaniya nakita kong may dala siyang isang basket ng candy. "Uy ano 'yan? Pahingi naman." Handa ko sana itong lalapitan pero hindi ko nagawa nang mabilis niya itong nilayo.
"Hindi pwede kay Brent to no," sabi niya. Napapamewang ako habang tinataasan siya ng kilay.
"So ganito nalang? Ipagpapalit mo ako sa kapatid ko ha? At saka tigilan mo na si kuya hindi ka no'n type," sabi ko. Bigla niya akong binato ng candy niya kaya sinapo ko ito bago binuksan.
"Napaka-supportive mo namang kaibigan!" Inis niyang sabi. Napapailing nalang ako.
"Paano ilang beses ka ng pumupunta dito hindi ka naman pinapansin ni kuya hahaha," mapangasar ko pang sabi. Ang totoo kasi niyan ayaw ni kuya sa babaeng mayaman, feeling niya binababa ang pagkatao niya, gusto niya siya ang bubuhay sa babaeng magiging asawa niya. Si Valencia kasi anak ng isang mayaman na nagmamayari ng pabrika ng ilang pagawaan ng candy kaya nang maipakilala ko si Valencia kay Kuya ni minsan hindi manlang niya tinapunan ng tingin ang kaibigan ko.
"Ikaw lulunukin mo iyan! Pag na-inlove na si Brent sa akin wala kang choice kundi tawagin mo akong ate!" Sabi niya bago nagdadabog na naupo sa upuan namin, aba feel at home.
Sinundan ko naman siya. "Sira ulo, ate mukha mo magkasingtaon lang tayo no," sabi ko. Bigla naman niya akong dinilaan bago siya nagbukas ng candy at nanggigigil niya itong kinagat.
"Oh akala ko ba para kay kuya 'yan?" Tanong ko pero inirahan lang niya ako. Baliw na baliw lang kay kuya eh. Para sa akin ok lang naman kahit sino gustuhin ni Kuya as long as masaya siya, pati nga si Valencia gusto ko para kay kuya kasi mabait naman si Valencia may pagkakulit nga lang pero alam kong sincere siya kay kuya ang kaso hindi ko naman pwedeng utusan si kuya no, kapatid lang niya ako pero hindi ko siya pwedeng diktahan.
"Nakakainis ka kasi. Saan nga pala si Brent ngayon?" Tanong niya at parang giraffe pang inangat ang kaniyang leeg para sumilip sa isang kwarto, akala mo naman may bintana doon. Siraulo talaga ng isang ito.
"May trabaho na siya ulit." Sabi ko. Napasandal ako sa upuan bago ko kinuha ang magazine para magbasa basa, puro mga mayayaman na tao lang naman nandito.
"Talaga?! Naghahanda na ba siya para sa future namin?" Mabilis kong inihampas ang magazine sa mukha niya.
"Future ka dyan isipin mo muna kung paano mo siya mapapa-fall sa'yo, asa ka ng asa dyan eh," sabi ko habang natatawa.
"Makapagsalita ka naman! Ikaw nga asa ka ng asa sa Eron na iyon wala ka din namang ginagawa ah," sabi niya. Natigilan ako bago kami nagkatitigang dalawa.
Bumungad ang ngiti sa aming labi bago kami ng apiran. "Best friend!" Sabay naming sabi maya-maya pa nagtawanan kaming dalawa.
Matapos naming sabihin iyon napailing ako. "Uy si Bowen Gastrell ba iyan?" Napalingon ako at nakita kong tinuturo niya ang magazine kung saan nasa isang page si Sir Bowen, as usual nasa ganoong suit parin siya at hindi natatanggal ang kaniyang salamin.
"My new boss," iritang sabi ko. Bigla kasing bumalik problema ko sa kaniya.
"Talaga? Ang yaman daw ng pamilya na iyan, takot nga ibang business man na makalaban sila sa isang negosyo eh," sabi niya habang nakatingin doon.
"Speaking of him may nangyari kasi..." kinuwento ko ang nangyari maging ang naging interaction namin ni Sir Bowen at ang pagligtas niya dito kay kuya.
Napatango tango naman si Valencia nang marinig ito.. "Lagot ka talaga d'yan pero magpasalamat ka na niligtas niya ang future asawa ko." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Naisingit nanaman kasi niya iyon.
"Ano ang gagawin ko? Mukhang masama na image ko sa kaniya," pagsasabi ko ng totoo. Jusko, sinong hindi sasama ng tingin kung nasabihan ko siya ng nerd, ng plastik, at nataasan ng kilay?! Waah, baka bukas wala na pangalan ko sa employee doon!
"Make him something to eat and personally say thanks to him," sabi ni Valencia bago siya napadekwarto at napapatingin na sa magazine.
Napakamot ako sa magulo kong buhok. "Paano ko gagawin iyon?! Mababaliw na ata ako waah!"
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
RomanceBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...