Kabanata 1

418 17 0
                                    


Kabanata 1

"Are you sure that he wants me to be there?" nakataas na kilay na tanong ni Kali sa utusan niya. Mariin namang tumango ito sakanya sabay ngisi at upo sa upuan na nasa harap lang din niya.

"Opo, ma'am. Nung malaman kasi ni sir na palagi kayo sa bar---"

Napahilamos siya ng mukha at natawa nang may pagkasarkatisko.

"Sinusumbong mo ako?" pagputol nito sa sasabihin. Napapahiyang napayuko nalang ang babae sa naging tanong nito sakanya.

Samantala napahilot na lamang ng sentido si Kali nang wala siyang makuhang sagot dito. Gustuhin man niya itong pagalitan nang malala ay hindi niya magawa dahil alam niya na trabaho lang ang ginagawa nito at ito pa ang mapapagalitan kapag pinagtakpan siya sa mga pinanggagawa niya rito sa siyudad.

"Melissa get my purse and my phone on the couch, I'll call dad. I have to explain my side he can't just order me to be in that place. That's so scary...." She paused for a bit before continuing. "I don't like the people there." Makahulugang wika niya.

"Naku ma'am, hindi na po kailangan naroon na nga po ang sundo niyo sa ibaba kanina pa. Wala ka na pong kawala."

Napaikot siya ng mga mata at napabuntong hininga. She's right, she'll never ever get to escape. Mabilis niyang hinablot ang bag at cellphone mula kay Melissa at dire-diretsong naglakad palabas sa sariling opisina sa kanyang bahay habang nakasunod naman ang kanyang utusan.

Saktong pagkababa niya bumungad agad sakanya ang alipores ng kanyang ama na nakasuot pa ng formal suit animo'y nagmumukhang galing siya sa isang sosyal siya na party at sinusundo siya ng mga ito. 

Itinaas niya ang kamay nang akmang magsasalita na sana ito para ipaintindi sakanya kung bakit sila naroon sa bahay. Napapahiyang itinikom ng lalaki ang bibig at inalalayan siya na makasakay na sa passenger seat ng kotseng paborito niya na pagmamay-ari ng ama. Matagal na niya itong hinihingi sa ama ngunit hindi siya nito pinapayagan dahil wala itong tiwala sakanya at takot na baka mabangga niya lang ito kung saan saan.

Well...hindi naman niya ito masisisi lalo na't maraming beses na niyang naibangga ang pinaka-una at pinakaluma niyang sasakyan. At ngayon umaasa pa rin siya na mapapapayag niya ang kanyang ama kahit alam niyang malabong mangyari.



Nakatulog siya sa byahe habang si Melissa naman ay nasa likuran nakaupo at panay ang kwento sakanya kung gaano na kaganda ang lugar. Wala naman kasi siyang pake sa mga bagay na patungkol doon ang gusto niya lang ay makapagpahinga at nang magkaroon siya ng lakas na awayin na naman ang Daddy niya.

Ilang oras ang lumipas ay naramdaman nalang niya na tumigil na ang sasakyan. Pagtingin niya sa labas medyo umiitim na ang langit hindi niya malaman kung malapit na ba gumabi o marahil ay malapit lang na umulan kung kaya't napatingin siya sa relong nasa kanang kamay ni Melissa at doon niya lang napagtanto na mag-aalas sais na pala. Ang tagal ng byahe nila kaya nakaramdam na siya ng gutom at pananakit ng tiyan.

Inalalayan siya ng mga lalaki sa paglabas ng kotse maging si Melissa ay hindi rin nagpakabog at nagpatulong na rin. Hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin at sa halip ay pinagtuunan ang malaking bahay na nasa kanilang harapan. Sa loob ay kapansin pansin ang malalaki at maliliwanag na ilaw kung kaya't alam niyang hindi lang siya ang bisita ng kanyang ama kundi may iba pa.

Napaekis siya sa kanyang braso. Sinong mag-aakala na babalik pa pala siya rito makalipas ang sampung taon? Tama nga si Melissa marami na nga ang nagbago sa lugar.

Hindi nagtagal ay sinalubong sila ng isang matanda, ang nanay ni Melissa na nagtatrabaho sa kanyang ama mahigit sampung taon na. Nginitian niya lang ito at sumunod hanggang sa dinala siya nito sa sala kung saan naroon ang kanyang ama na malaki ang ngiti habang kausap ang isang nakatalikod na lalaki at sa gilid nito ay isang payat na babae na nakikinig lang sa usapan.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon