Kabanata 26
"Ano naman ngayon?"
Akala niya ay hindi talaga siya nito papayagan sa nais niya pero nagulat nalang siya ito nang bigla nitong ilapit sa kanya ang dalang mga isda.
"Fine, do what you want, but I'll be right here, watching you."
"Anong akala mo sa akin bata?" hindi mapigilang bulong ni Kali.
"May sinasabi ka?"
"Wala!"
Tsk. Himala atang pumayag ito kahit na wala itong tiwala kay Kali. Bago naman ito nag-iwas ng tingin ay nakita ni Kali ang pag-angat ng sulok ng labi nito. Did—he just smile? Ano kayang nakain niya at bakit parang bigla nalang itong mabuti sa paningin ko?
Tumikhim si Kali saka naman sinimulan ang pagkiskis sa isda gamit ang kutsilyong nakuha niya sa gilid at narinig naman niya ang pagbuntong hininga ni Ran. Ilang segundo pa ay napaayos siya sa kanyang tayo nang maramdaman naman niya itong nasa likuran niya at iginiyang maigi ang kanyang kamay.
"As expected, you know nothing. Hindi dapat kutsilyo ang gamit mo kundi kutsara saka mo naman hawakang maigi ang isda."
"Ah okay" nasabi nalang niya habang palihim na kinakalma ang sarili. Nagulat lang siya ano sa ginawa nito, para tuloy itong nakayakap sa kanya sa likuran at rinig na rinig niya ang bawat paghinga nito.
"Masusugatan ka lang kapag kutsilyo ang gamit mo."
May kung ano pang eksplanasyon si Ran habang inisa isa nilang kinaliskisan ang mga isda samantalang si Kali naman ay tango lang ng tango at pilit na ipinapasok sa utak ang mga sinasabi nito. Pagkatapos naman ay tinulungan na rin siya nito sa paghihiwa ng mga sangkap at para bang wala na itong balak pa na bitawan ang kamay niya.
Sa kalagitnaan naman ng kanilang ginagawa ay biglang sumulpot sina Aling Lourdes kasama na ang mga kaibigan nito at inudyok si Kali na sumama sa kanila dahil magpapatulong daw ang mga ito sa pagtatahi ng mga iba't ibang klase ng tela at gagawing damit at mga kumot. Umayaw si Kali dahil hindi naman siya gaanong marunong pa at baka makaabala lang siya sa mga ito lalo na't palagi siyang palpak at nasusugatan ang sarili.
"Ano ka ba naman! Mapag-aaralan naman ang bagay na iyan eh. Hindi mo naman kailangang maging magaling agad." Himutok ng isa sa mga kasama nila Lourdes.
"Oo nga at isa pa lumabas labas ka naman at sumama sa amin kesa naman magmukmok ka dito sa bahay."
"Tutulong na muna po ako sa pagluluto at isa pa tulog pa po si Cara at mukhang masama pa ang pakiramdam niya."
"Jusko ayaw naming maburyo ka dito kaya halika na at pabayaan mo na si Ran diyan kayang kaya na niya yan."
"Iho, okay lang ba sayo na hihiramin muna naming itong kaibigan mo?"
Tumango si Ran. "Sumama ka na pabayaan mo na muna si Cara at nagpapahinga pa rin yun. Ako na ang bahala sa kanya. Huwag ka na rin mag-alala sa mga gawain rito sa bahay, ako na rin ang gagawa ng mga yun habang pinapagaling mo pa ang sugat mo sa paa," ani nito saka mabilis na tumalikod at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Hindi mapigilang mapatitig ni Kali dito. Parang may iba talaga eh, bakit para yatang nagbago ang tono ng pananalita nito sa kanya? At ito na ang bahala sa mga gawaing bahay? Sino naman kayang anghel ang sumapi dito at bigla bigla nalang naging mabait bigla? Natigil si Kali sa pagkatulala nang bigla siyang hilain ng mga babae papalabas ng bahay at bago pa man sila nakalayo ay narinig niya ang iwinika ng mga kaibigan nito.
"Teka may sakit ka ba Ran? Bakit parang pulang pula ang buong mukha mo at ang tenga mo?"
"Nakakain siguro ng pagkaing nakaka-allergy."
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...