Kabanata 27
Parang asong nakabuntot si Kali kay Ran habang tinutungo nilang dalawa ang isang di pamilyar na lugar. Sumakay sila ng bangka papalayo sa isla nang alas singko sa umaga habang tulog pa naman ang lahat ng kasamahan nila sa bahay. Hawak hawak siya ni Ran habang nakasakay sila pareho sa isang tricycle na animo'y natatakot na baka maisipan nalang niya na tumalon bigla.
Narating naman nila ang isang lugar na napupuno ng mga taong nagtitinda ng mga kung ano anong mga bagay. Naroon sa kaliwa ang mga tindang mga gulay at sa kanan naman ay ang mga tindang mga damit, sapatos, pantali ng buhok at iba pang mga bagay na gamit gamit ng babae't lalaki.
"Anong ginagawa natin rito?" takang tanong ni Kali. "I mean-bakit mo ako isinama rito?"
"Tuturuan kita sa pamamalengke at sa iba pang mga bagay bagay na dapat mong malaman at matutunan."
"Ha? Natuto naman ako ah."
"Talaga? Kaya pala palagi kang may mga sugat sa iyong katawan."
"Sa paa lang ako may sugat ano-"
"Tignan mo nga iyang braso at daliri mo. Hindi ba sugat ang mga iyan?"
Awtomatikong itinago niya ang kanyang braso sa likuran dahil sa sinabi nito. Haynaku. Kahit pala medyo natatabunan ang braso niya ay halatang halata pa rin ang mga sugat na nakukuha niya sa pagpiprito at pagluluto ng iba pang mga ulam.
"Sir! Ma'am! Dito po kayo at may mga tinda akong mga kamote at iba pa." Pagtawag sa kanila ng isang matandang babae at hinila si Ran.
"Mahilig po ba kayo sa kamote o di kaya'y sa saging?" tanong nito kay Kali at nginitian siya nang malapad.
Nahihiyang tumango siya at kumuha ng isang bulig na saging. "Mahilig po ako sa saging pero gusto ko rin naman po tikman ang kamote. Narinig ko sa isang katulong-ay este isang kaibigan na masarap raw po ang kamote."
"Aray!" hiyaw niya nang bigla siyang pitikin ni Ran sa noo. "What the hell is your problem?" she mouthed.
"Kung mamimili ka dapat tinitignan mong mabuti ang kalidad nito" ipinakita ni Ran kay Kali ang saging na napili niya na mayroong pangingitim sa katawan. "This is a rotten banana. Yung piliin mo yung hindi pa bulok nang hindi ka magsayang ng pera."
"Fine." Sumusukong wika niya at namili na nga ng mga saging at kamoteng hindi pa nabubulok at akmang iaabot na niya sana ito sa matanda nang pitikin na naman siya sa noo sa pangalawang beses.
"Teka namumuro ka na ah. Ano na naman ang problema mo?"
"Bago mo i-abot ang gusto mong bilhin kailangan mong itanong muna ang presyo nito. You should be a wise buyer. Hindi pinupulot ang pera, Rosales, huwag kang umaktong may credit card kang dala ngayon."
Kinalma ni Kali ang sarili saka naman ginawa ang utos nito. Nang matapos naman ay nagpunta sila sa nagtitinda ng isda. Muli, ay tinuruan siya ni Ran kung ano ang dapat niyang piliin bilhan doon niya nalaman na para pala malaman kung sariwa pa ang mga ito ay dapat malinaw ang mata nito at hindi mabaho kapag inamoy.
Hindi pa sila nagtatapos marami pang itinuro si Ran sa kanya at siya nama'y walang ibang nagawa kundi ay tumango nang tumango. Bago sa kanya ang lahat ng mga ito lalo na't ito ang unang beses na naranasan niya ang mamalengke nasanay na kasi siya na si Melissa ang nagsha-shopping at namimili ng mga pagkain kaya wala siyang kaalam alam. Infernes, marami siyang natutunan at naging mahaba naman ang pasensya ni Ran sa kanya sa tuwing magkakamali siya. He would explain all over again kapag may nalimutan siya.
Patapos naman sana sila nang may madaanan silang isang batang babae. Kumpara sa mga nagtitinda roon ay walang ibang nasa mesa nito kundi ay isang putting tela at mga pulang yarn bracelets.
![](https://img.wattpad.com/cover/355184447-288-k893654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...