Kabanata 9
"What the hell, Kali? Where have you been?!" gulat na gulat na wika ng kaibigan ni Kali na si Pia. Classmate niya ito nung college at kadalasan rin niyang kasama sa tuwing magba-bar siya.
Dumiretso kasi si Kali sa bahay ng kaibigan niya imbes na sa bahay niya dahil alam niyang magsusumbong lang sa kanyang ama ang mga ito kapag nakita siya doon. There's no safe place but Pia's place. Sa tingin niya ay mahihirapan na sa pagtunton ang mga tauhan ng ama sakanya.
She had a huge smile on her face and spread her arms, but her friend just shook her head and pointed to the dress she was wearing. Pia let out a boisterous laugh. She wasn't expecting her reaction since she forgot she was wearing the ugliest dress she had ever seen in her whole life.
"I almost couldn't recognize you. Mabuti nalang dalawa at nakita ko ang minimalist tattoo mo sa braso."
"Shut up."
"Oh girl, I will not shut up not until you tell me kung saan ka nagpunta at bigla bigla ka nalang nawala. Halos mabaliw na kami sa kakaisip kung nasaan ka at buong akala namin ay sumama ka na sa lalaking kahalikan mo sa bar nung nakaraan. Pero nakita namin siya kagabi sa bar and was also looking for you that was when we realized you were real gone."
"Nagpost ako sa instagram ko nung umalis ako."
"Well, busy kami at hindi na naman nacheck ang instagram mo."
"Fine."
At yun na nga ikwinento niya ang lahat nang nangyari sa buhay niya at pati na rin ang mga hinanakit niya sa kanyang ama. Si Pia naman ay hindi makapaniwala sa isiniwalat niya and when she found out na tumakas lang pala si Kali ay napatayo siya sa gulat.
"Girl! What if nagpadala na ang Daddy mo ng mga tauhan para hanapin ka? Ayokong madamay please lang sayang ang lahi kapag nagkataon" maarteng wika ng kaibigan niya.
Nakasanayan na niya ang pagiging maarte ng kaibigan dahil minsan ganun rin naman siya, pero mas malala nga lang ito.
"You don't have to worry—"
"Hindi ba't sabi mo ay may nakasunod rin sayong mga masasamang tao na tauhan naman ng kaaway ng pamilya mo sa politika."
Nailing siya. "Malaki ang siyudad malabong masundan pa ako ng mga nun. Tignan mo nga ako ngayon I'm safe. Please Pia just let me live here babayaran ko lahat ng bills mo."
Mabilis nagbago ang mood ni Pia sa narinig. Hulog ng langit si Kali dahil saktong sakto hindi pa siya nakakabayad ng kuryente na nagkakahalagang one hundred thousand mahigit.
"Okay fine, bestie."
"Really? Ohmyghad Pia you're such an angel. Wag kang mag-aalala tutulungan kitang makascore kay Trevor." Aniya, tinutukoy niya ang crush nitong isang singer at model na isa din naman sa malapit niyang kaibigan.
Niyakap ng mahigpit ni Kali si Pia. Tinulak naman agad siya ng kaibigan at nagtakip ng ilong saka naman umatras ng konti.
"Naamoy ko ang damit mo, amoy matanda!"
Kali just rolled her eyes and went to the bathroom. Napakaarte talaga nito hindi na siya magtataka kung bakit naging magkaibigan silang dalawa.
"Woah, am I seeing the ghost of Kali guys?" pasigaw na tanong ni Kai sa mga kaibigan.
Nasa bar sina Pia at Kali naisipan kasi nilang dalawa na lumabas at uminom nang uminom kaysa magmukmok nalang sa bahay at manood nang walang kwentang palabas. At isa pa hindi bumalik si Kali sa siyudad para sa wala. She should be enjoying as she should. She deserves a reward for being a good daughter to Ramon Rosales for a short span of time.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...