Kabanata 10
After three days, Kali decided to attend a party with her friends. It was held in a luxurious hotel, naimbita kasi sila ni Trevor na dumalo sa birthday nito nung nakaraang araw lang. They had no other choice but to attend, since Pia forced them all. Gusto kasi sana nilang huwag nang dumalo at magpahinga nalang muna sa bahay pero dahil ayaw naman nilang magtampo ang kaibigan they all agreed to attend the party in one condition. Pia had to make her confession tonight, to which she acquiesced. Wala na itong pakialam kung mareject man ito, at least she tried.
Before reaching the destination, they decided to stop by a store that mainly sells male clothes and other male stuffs. Namili na muna sila nang mabilisan, and Kali decided to buy an expensive watch. Naalala niya iyon ang nasa IG story ng binata na gustong gusto matanggap sa kaarawan. Habang si Pia naman ay bumili ito ng leather jacket at mamahaling guitar nahirapan pa ito nung una at natagalan sa pagpili. Si Paula na ang nag-advice na bilhin nalang ang dalawa.
Nang makarating sa sinasabing hotel binati sila ng mga staff at inalalayan sa kung saang table sila mauupo. The party has just started and they were a lot of people. Kilala nila ang iba dahil mostly sa mga ito ay mga kabatchmates lang naman nila nung college.
Hinanap naman agad ni Kali ang birthday boy pagkatapos nitong magperform sa stage, nang mapatingin siya sa may entrance. She blinked twice to confirm if what she was seeing was real, but eventually breathed a sigh of relief when Ran's image disappeared from her vision. Namalikmata siya akala niya si Ran ang nakita niyang papasok sa venue turns out it was a young man in his twenties. Parehas ito ng hairstyle ni Ran kaya siguro namalikmata siya.
Magpapaalam na sana siya sa mga kaibigan nang mapagtanto niyang wala na ito sa table, naiwan nalang siyang mag-isa. Great. Nag-cr lang siya saglit at iniwan na agad siya ng mga ito.
Nilapitan niya si Trevor na kakatapos lang sa pakikipag-usap nito sa isang babae agad niya itong binati at ibinigay ang regalong dala niya.
"Thank you for this. I'm glad nakarating ka."
"Pia insisted that we should come and besides it's your birthday. Anyway, nakausap ka ba niya?"
Trevor shook his head. "Why?"
"Oh, nothing. Iniisip ko lang baka naiabot na niya ang regalo niya sayo. Nga pala have you seen them? Wala na kasi sila doon sa table pagbalik ko."
"Hindi eh."
"Okay, hahanapin ko nalang sila mamaya."
"Why don't you just join me and my friends at my table?" he suggested when she was about to leave.
Natagpuan na lamang ni Kali na hila hila nang binata papunta sa table ng sinasabi nitong mga kaibigan. They were three men drinking and talking when they stopped as they noticed them approaching. Kali can't help but admire their looks, they all looked like demigods and must be young bachelors.
Binati agad siya ng mga ito at para bang ine-expect siya ng mga ito na makita or she's just assuming. Nakilala kasi agad nito ang pangalan niya na siyang nagpataas ng kanyang kilay, hindi niya naalalang nagpakilala siya o ipinakilala siya ni Trevor.
"How did you know my name?" diretsahang tanong niya nang maupo, napaubo ang lalaking naka eye glasses at napaiwas ng tingin.
The guy who has a tattoo on his arm let out a chuckle. "I've seen you in a magazine, by the way. I'm Eleven Paraiso. Nice to meet you, Miss Rosales. You're much prettier in person." Kinuha pa nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad.
She faked a smile. There's something about this Eleven guy. Hindi niya lang mawari kung ano. At hindi pa man nabibitawan nito ang kamay niya nang hablutin naman ito ng lalaking mukhang koreano.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
Storie d'amoreMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...