Kabanata 31

76 1 0
                                    


Kabanata 31


"Sino ba yung bagong babaeng kasa-kasama ni Ran sa pangingisda? Nakakapanibago naman hindi ba't ikaw naman ang isinasama ni Ran?" naguguluhang tanong ni Aling Flor, isa sa kapatid ni Aling Lourdes.

Sumagot naman si Kali nang hindi ito tinatapunan ng tingin at ipinagpapatuloy ang ginagawa. "Kaibigan lang niya yan."

"Kaibigan? Kaibigan ba ang tawag mo sa babaeng kung makalingkis eh parang ahas. Tignan mo nga rin ang tinginan ng dalawa impossibleng magkakaibigan lang ang dalawa," sabat naman ng isa at nailing.

Bumuntong hininga siya at ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa. Jusko hindi na siya makapagpokus dahil sa sinasabi ng mga ito.

"Huwag ka ngang papatalo lalo na mamaya bonggahan mo ang regalo mo kay Ran." Tinapik tapik ni Lourdes ang balikat niya at may kung ano pa itong sinasabi na hindi na niya pinakinggan dahil nasa regalo na lumipad ang isip niya. May hindi ba siya nalalaman?

"Teka nga, regalo? Why would I give him a gift?"

Napatampal sa mga noo ang mga ginang. "Hindi mo ba alam? Birthday ni Ran ngayon. Balita ko nga ay magpapakain na naman yan siya mamaya at si Cara ang magluluto ng mga putahe. Sabi pa niya may malaki raw na cake na binili ang mga kaibigan ng kuya niya na siya namang ikinatuwa ng mga anak namin."

"Paniguradong sasali ako sa kainan dahil pagod na pagod na ako sa kakakain ng isda araw araw. Mas mabuting karne naman kahit isang araw lang."

Napangiti si Kali nang may maisip. Gift, huh? Hahanap pa ba siya ng regalo eh kung pwede namang iregalo niya ang sarili niya.

"Oh, saan ka naman pupunta? Hindi pa tayo tapos dito ah?!" takang takang tanong ni Lourdes sakanya nang bigla siyang tumayo at iniwan ang mga ito. Narinig niyang makailang beses siyang tinawag ng mga ito pero hindi na niya nilingon ang mga ito dahil ang atensyon niya ay na kay kina Ran na naglalaro ng volleyball.

"Can I join you guys?" maarte niyang tanong sa mga ito na ikinatigil naman nila sa paglalaro.

Nakuha niya agad ang atensyon ng lahat lalo na nung maghubad siya sa harapan ng mga ito hanggang sa shorts at bra nalang ang natira. Sumipol si Chance at nilapitan siya agad naman niyang ipinulupot ang kamay niya sa leeg nito.

"I said, can I join you?" she asked seductively.

"O-oo naman, babygirl—Aray!" Bigla namang hiyaw ni Chance nang may tumamang bola sa ulo nito, napahiga pa ito sa buhangin sa sobrang lakas pagtama ng bola habang si Kali naman ay nasa ibabaw na nito.

"Are you okay?" nagawa pa niya iyong tanungin bago siya hinila ni Ran papalayo dito.

"Hey! You're hurting me!"

"Gusto mong sumali di ba? Huwag kang mag-aksaya ng oras at magsisimula na kami sa laro.  Takpan mo nga din iyang harapan mo konting konti nalang ay luluwa na ang dibdib mo. Nakakahiya sa mga manonood."

"Ang sabihin mo distracted ka lang sa boobs ko, Aronzado."

"Are those even real?" he scoffed, and before she could react, Ran left.

Sa simula pa lang ng laro ay agad na pinuntirya ni Kali si Stacy sinugurado niyang hindi nito mapapasa ang bola pabalik sa kanila kung kaya't mas nilalakasan niya ang paghampas sa bola at madrama naman itong napapaupo sa sahig at paminsan pa ay sinasadya nitong matumba at sasaluin naman ito ni Ran.

Nagsiapiran naman sila ni Chance sa tuwing magkakapoints ang team. Nagtagal ang laro nila ng mga trenta minuto at sa loob na oras na yun ay hindi na nakahabol pa ang team nila Ran dahil na rin kay Stacy na palaging pumapalya at halatang walang kaalam alam sa paglalaro. Kaya naman ay malaki ang ngisi ni Kali buong laro nila dahil lamang na lamang siya dito at palagi naman siyang naco-compliment ng mga nanonood sila.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon