Kabanata 3

151 13 0
                                    


Kabanata 3

"What's with that face?" natatawang tanong ng Tito niya habang nakaupo silang pareho sa hagdanan sa harap ng pintuan ng bahay.

Umagang umaga iyon at wala siya sa mood dahil masyadong mahina ang signal, kaya hindi siya makapag-check ng kanyang social media. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait sa sobrang pagkabagot.

"Tito, I need your help." Pinalungkot niya ang kanyang mukha.

He shook his head. " I'm so sorry iha. Hindi kita matutulungan. "

"Tito naman..."

"I think you should stay here. Tumatanda na Daddy mo and sooner or later ikaw ang papalit sa pwesto niya, you never know iha. At isa pa, I think it's time for you to be close with your Dad's new wife and your little sister as well."

He placed his hand on her shoulder.

"I hope you'll open your heart to them. Matutunan mo rin silang tanggapin."

She pretended not to hear it. Ayaw na ayaw niya talagang pinag-uusapan ang pangalawang pamilya ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito matanggap. It's not that easy.

Mayamaya pa pareho silang napalingon sa likod nang marinig nilang may tumikhim. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang hindi niya kilala ang mga ito, baka mga bagong hired na bodyguards ng kanyang Tito.

"Sir, may bisita po kayo sa bahay ninyo."

"I'll be back, okay?" Yumakap ito nang mahigpit sa kanya bago umalis. Ang ipinagtataka niya ay hindi sumama ang dalawang lalaki, sa halip ay tumayo lang sila sa gilid ng pintuan para bang binabantayan siya.

Nagtagal siya ng mahigit isang oras sa labas. Hanggang sa magsawa siya sa kakanood sa mga nagsisiliparang mga ibon sa kalangitan nang maisipan niyang puntahan and kanyang ama. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng mga bodyguards papasok ng bahay. Hindi man kumportable, ay ipinagwalang-bahala na lamang niya ito at dumiretso sa opisina ng kanyang ama.

Kaagad na pumukaw sa kanyang atensyon ang picture ng kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya pagkapasok na pagkapasok niya.

"What do you want?" bungad na tanong ng kanyang ama habang ang atensyon ay sa papel nitong hawak.

"You may sit down."

Nakapamewang siya at hindi sumunod sa utos ng kanyang ama.

"Let me go straight to the point. How long do I have to stay here?"

"Until I say so. Iyan lang ba ang ipinunta mo rito sa opisina ko?" pagod nitong tanong pabalik.

"Dad, why are you being like this?!"

"Inilalayo kita sa maling direksyon ng buhay. I want you to have a good life, and so I'm giving it to you, even if it means to be away with your bad influence friends."

"Bad influence?"Nanliit ang kanyang mga mata. "You don't have the right to judge them."

"I have the right to do so."Ibinaba ng kanyang ama ang eye glasses na suot nito saka siya mariin na tinignan.

"You think pariwara ako, just because of them?"

"Then who should I blame?"

You.

She remained silent.

Kumuyom ang kanyang kamao, nagsimula na ring mangilid ang luha niya. May sasabihin pa sana siya nang kumatok naman sa pintuan ang sekretarya ng Daddy niya sabay anunsyo nito na naroon si Ran sa labas.

"Let's talk some other time."

She pursed her lips.

Walang imik na tumalikod siya at umalis, nakasalubong pa niya ang binata pero hindi niya ito tinapunan ng tingin.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon