Kabanata 12

88 10 0
                                    


Kabanata 12

"Ano tatayo na lang ba kayo dyan?! Akala niyo ba hindi ko naririnig ang tsismisan niyo umagang umaga?!" Dumagundong ang boses ni Kali sa buong bahay, hapon iyon nang mapansin niya ang dalawang babaeng katulong na nagbulong bulungan.

"Jusko naman oh. Tapos yung mga mesa hindi niyo man lang naayos? Kanina ko pa kayo napapansin ah! Baka gusto niyong mawalan ng trabaho?"

Nag-iwas ng tingin at napayuko ang mga babae habang nakikinig sa mga pinagsasabi niya.

Alam niyang siya ang pinag-usapan ng mga ito lalo na't narito na ang bagong asawa ng kanyang ama. Naiinis siya na hindi man lang nito nagagawa ang trabaho at hindi siya makapagpokus sa pagbabasa ng paborito niyang libro sa sala.

Mula sa itaas ay bumaba ang kanyang ama, nakakunot ang noo at humingi ng pasensya sa dalawang babae. Kali scoffed. Hindi niya gusto kung paano pakitunguhan ng kanyang ama ang mga ito gayung pagtsi-tsismis lang ang alam. Nakayukong humingi ng pasensya ang dalawa sa kanya bago ito nagsitakbuhan papalayo.

Napahilot na lamang ng sentido ang kanyang ama habang napatingin sa kanya. "Anak, kanina ko pa napapansin na sinisigawan mo ang lahat ng mga katulong natin. You are too harsh on them."

"Ayan kasi Dad eh!"

"Kaya hindi nila nagagawa mga trabaho nila kasi bine-baby ninyo. Tignan mo nga ito" dinampot niya ang flowervase sa gilid. "Ni pagpunas sa mga alikabok hindi magawa tapos yung sa garden halos mamatay na lahat ng halaman. Nawala lang tayo saglit sa bahay eh napabayaan na nila ang mga gawain nila—"

"Ano bang nangyayari sayo? Akala ko okay ka na sa lahat? Hindi ba't nakakasundo mo sila nung nakaraang araw? Pinagbubuntungan mo ba sila ng galit mo dahil magpahanggang ngayon ay hindi kita pinapayagang lumabas at bumalik sa siyudad?"

"You don't understand me!" Naiinis niyang wika sa kanyang ama at ginulo ang buhok.

"Honey, what's happening?" Lumabas mula sa kusina ang bagong asawa ng kanyang ama at tila nag-aalala para sa kanilang dalawa.

Napaikot ang kanyang mga mata, of course hindi naman talaga mawawala ang santi-santita sa isang pamilya. Akala mo ay mabait na mabait pero nasa loob pala ang kulo at mukhang pera. Ito ay walang iba kundi si Faith Amante. She never forgot her name. Why would she? Naalala niya kung paano nito nilandi at inagaw ang Daddy niya.

"Dinig na dinig kayo ng lahat ng tao sa bahay. What is wrong, Kali?"

"Could you please do not interfere? Away magpamilya ito." Hindi na niya mapigilang sambit na ikinagalit ng kanyang ama.

"Show some respect! She's now your mom."

"Mom?" natawa siya ng pagak saka pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Those dirty clothes that she wears, jewelries and make up doesn't change who she is. Kahit ilan pa sigurong mga alahas at mamahaling damit ang isuot nito ay mananatili pa rin itong basahan sa paningin niya. Sa dami dami ng babaeng pwede namang asawahin ng kanyang ama napili pa talaga nito ang babaeng galing sa hirap at anak ng hardinero nila noon. O marahil ay magaling lang talaga itong babae sa kama at nakuha nito ang loob ng kanyang ama?

"I'm not calling or treating the woman who ruined our family as my mom. Come on, Dad, she is your mistress and she will stay that way," she uttered with disgust.

Akmang papadapuin na ng kanyang ama ang palad nito sa kanyang pisngi nang pigilan ito ng babae at pilit na pinakalma. Nang magtama naman ang mga mata nila ng babae ay nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito bago ito nag-iwas ng tingin na para bang nahihiya sa kanya. Dapat lang.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon