Kabanata 28

72 1 0
                                    


Kabanata 28


Akala ni Kali ay magagalit ito nang dahil sa narinig pero nagkamali siya dahil simula nung pangyayaring iyon ay tila nagbago na nang tuluyan si Ran. Para bang nag-ibang tao ito at hindi naman mapigilan ni Kali na manibago lalo't nasanay na siya na kung tignan siya nito ay para siyang nilalait at galit sa kanya. Ang ipinagtataka niya ay hindi na siya nito hinahayaan na gawin ang mga gawaing bahay  kahit na medyo okay na naman ang sugat niya at maayos na siyang nakakapaglakad. 

At higit pa doon ay gusto nito na kung saan ito ay magpunta ay naroon rin siya kahit na sa pangingisda nito ay isinama rin siya kahit na wala naman siyang naitutulong at nagagawa kundi ang magreklamo at mag-inarte na baka masira ang skin barrier niya sa katawan. Para raw ito na mabantayan siyang maigi dahil maaaring matunton sila ng mga tauhan ng Alcatraz anumang araw o oras.

Sa tuwing magrereklamo naman siya patungkol doon ay gumagawa naman ng paraan si Ran na hindi siya maiinitan ang balat niya. May dala dala itong payong kung saan saan sila magpunta at ito pa ang nagpresenta animo'y ginagawa siyang prinsesa. Hindi naman sa nagrereklamo siya sa biglaang pagbabago nito nang tuluyan kasi iyon naman ang naging daan para maging magkalapit sila sa isa't isa at hindi na rin sila gaanong nagbabangayan. Subalit pa minsan minsan naman ay napagsasabihan siya nito pero hindi naman yung tipong nakakasakit ng damdamin na nakasanayan na niya dito.

She's enjoying it. Ipinagdarasal nga niya na magtuloy tuloy ito nang hindi na niya kahit kailan magawa ang mga gawaing bahay nang makapag beauty rest rin siya araw araw.

"Hindi ka pa ba tapos?" aniya habang abala pa ito sa panghuhuli sa mga isda, nakahubad ito sa pang-itaas at pinagpapawisan na.

Hindi niya alam kung saan siya titingin sa nahuli ba nitong sariwang isda o sa pagkaing nasa harap niya ---ay este sa maganda nitong pangangatawan.

Nilingon siya nito. "Bakit gusto mo na bang umuwi?"

"H-hindi naman, tinatanong ko lang kasi baka pagod ka na at nga pala bago ko malimutan."Pinaypayan niya ang sarili. "Baka gusto mong sumali mamaya. Magbo-bonfire raw kasi sila eh."

Suhestiyon iyon ni Fin na ikinasang-ayon naman ng lahat ng mga tao roon sa isla. At napag-usapan na nila iyon nilang dalawa ni Fin na kuhanin ang pagkakataong iyon para magkaayos na sila ni Cara at makausap niya ito at masabi ang totoong nararamdaman. Ilang araw na kasing naging mailap at tahimik si Cara, halatang umiiwas kay Fin. Gago rin kasi eh.

"Bonfire? You're joining?"

"Ikaw, kung sasali ka eh sasali na rin ako. Di ba't sabi mo na dapat kung nasaan ka ay naroon rin ako?"

Hindi nakasagot agad si Ran na tila ba nag-iisip. "Sasali ako pero mauna ka na siguro doon mamaya dahil susunduin ko pa sina Lily at Faith kasama na rin si Melissa."

"Sige. Hihintayin kita. Huwag kang magtatagal ah kasi walang makakabantay sa akin—"

"Oo na." Napangiti siya ng malapad nang bigla nitong inilagay ang ilang hibla ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga at bigla siyang ginawaran  ng halik sa noo.

Halos hindi siya makahinga sa ginawa nito at halos magwala na ang mga bulate sa loob ng kanyang tiyan. Simpleng gawin lang nito ay nababaliw na siya at pakiramdam niya tuloy ay para siyang high school student na pinapakilig ng kanyang crush.

Isa sa mga rason kung bakit gusto niya itong version ni Ran ngayon ay dahil nakakapag-usap sila nang maayos at hindi naman niya mapigilan ang nararamdaman niya na lumaki ang pagkagusto niya dito. Oo tama, may gusto na nga siya dito inaamin na niya mismo sa sarili niya. Sa ilang araw ba nilang magkasama at sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya ay hindi na niya mapigilan na mahulog ng husto at lihim siyang umaasa na sana ganun rin ang nararamdaman nito sa kanya kahit na palagi siyang pasakit sa ulo.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon