Kabanata 38

105 2 0
                                    

Kabanata 38

Nang makaalis sa isla ay dumiretso agad sila sa mansyon ng Tito Robert niya. Nakasakay na sila isang bulletproof na sasakyan habang silang lahat naman ay nakasuot ng bulletproof vest.

Nakayakap pa rin sa kanya ang kapatid niya nang mahigpit at sa magkabilang gilid niya sina Faith at Cara na halatang halatang nag-aalala at natatakot sa pangyayari.

Hinawakan niyang mahigpit ang kamay ni Cara nang makita niyang nanginginig na ito at umiiyak.

"They will be fine, especially Ran," aniya kahit na sa loob loob niya ay hindi siya sigurado na magiging maayos ang kalagayan ng mga ito sa dami ng mga armadong lalaking nakaaway ng mga ito.

Subalit gusto niyang huwag mawalan ng pag-asa ang dalaga at matigil ito sa pag-aalala. Nilingon naman siya ni Cara, mugtong mugto ang mga mata.

"I'm scared. What if I lose him? Ayokong mag-isa nalang ako." Bakas ang takot sa boses nito.

"Hey, listen to me" hinawakan niya ang mukha ni Cara at tinignan ng diretso sa mga mata, "you won't lose him, okay? We hope we will not lose any of them."

Tipid na ngumiti at tumango si Cara bago nito isinandal ang ulo sa mga balikat niya.

Pagkarating nila ay sinalubong sila ng pagkarami raming tauhan ng mga pamilya ni Kali. Naroon na man sa may bukana ng pintuan sa mansyon ay ang kanyang Tito Robert nakatingin sa kanila at hinihintay silang makalapit.

Inalalayan naman silang makababa at pinalibutan pa hanggang sa tuluyan silang makapasok sa bahay.

Kanya kanya silang dumiretso sa mga guest room na inihanda para sa kanila. Nagpahinga na muna ang tatlo habang si Kali naman ay hindi makaidlip. Hindi niya kayang magpahinga nalang habang sina Ran ay nasa panganib pa rin.

Hindi naman niya iyon makontak. Ni isang balita ay wala siyang narinig mula sa tauhan ng pamilya nila. Base sa mga narinig niya ay nawalan ang mga ito ng komunikasyon kina Ran simula nung makaalis sila sa isla.

Lumabas siya ng kwarto, madaling araw na ng gabi nang maabutan niya ang Tito Robert niya sa sala na pabalik na sana ito sa kwarto nito.

"Kali, bakit hindi ka pa natutulog?" Nag-aalalang tanong nito.

"When will this stop?" aniya sa mahinang boses, pagod na pagod na siya sa ganitong pangyayari.  Gusto niyang mamuhay sila ng normal.

"We're doing our best para mapahuli na iyang mga Alcatraz. Sa ngayon ay nagtatago pa ito at tanging mga bata niya ang pinapagalaw niya. And the problem is we can't locate them, masyado silang magaling magtago at pati na ang mga pulis na kaibigan ng pamilya natin ay nahihirapan na rin."

"Hangga't nabubuhay tayo, they will not stop, right?"

Tumango ito kay Kali at malungkot na bumuntong hininga. "Pasensya ka na at damay ka sa kaguluhan na ito. But trust me, hindi namin ito ginusto."

"I know, I understand now."

"Thank you for your understanding, Kali." Hinalikan siya nito sa noo bago ito nagpaalam na magpapahinga at matutulog na sa kwarto.

Nagtungo naman sa kusina si Kali para uminom ng tubig nang marinig naman niya ang ilang mga yabag na patungo sa direksyon niya.

At nang tignan niya ito ay nakita niya si Cara na gaya niya ay tila nahihirapan din yatang makatulog at nag-aalala. Tipid itong ngumiti nang magkatinginan sila saka naman ito tumabi sa kanya at uminom na rin ng tubig.

"Hindi ka rin ba makatulog?" ani nito sa mahinang boses nang maibaba ang baso.

"Hindi. Nag-aalala ako sa kanila lalo na't hindi parin sila makontak hanggang ngayon. I'm worried that may Ran might  have hurt himself knowing him na gagawin niya ang lahat di bale nang masaktan lang siya huwag lang ang mga importanteng tao sa buhay niya."

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon