Kabanata 41
Napahilamos ng mukha si Ran habang nilolocate pa rin nila ang pinagtataguan ng mga Alcatraz. Tatlong araw na siyang walang maayos na pahinga, simula nung mapanood niya ang mga bidyo ni Kali na sinasaktan.
Hindi na nawala sa isipan niya ang impit na sigaw nito sa tuwing sinasaktan ito ni Stacy sa video. Sa mga panahong yun ay parang gusto nalang niyang basagin ang cellphone at kung puwede lang makapasok siya video ay tiyak na ililigtas niya ang dalaga. It was like a torture for him to see her in so much pain.
Walang araw na hindi niya sinisi ang sarili niya. Sa tingin niya ay maililigtas niya sana ito kung naging mabilis at maaga lang siya sa pag-uwi. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag mahuli na naman sila sa pagligtas nito ngayon.
Itinapon ni Ran ang sigarilyong hawak at saka naman sinuntok ang lalaking ilang araw nilang pinipilit na sabihin nito kung saan dinala si Kali. Nakatali ito sa isang upuan, duguan, at magang maga na ang pagmumukha.
Nang akma naman niyang bubunutin ang baril ay pinigilan na siya ni Eleven. Umiling ito sa kanya sabay agaw ng baril.
"Calm down, Ran. Mas lalo lamang na hindi yan magsasalita nang dahil sa ginagawa mo."
"Calm down? How can I calm down when it has been three days since we can not locate where Kali is?!"
"Ran, Eleven's right. Maghintay nalang tayo ng balita ng mga pulis. Sa ngayon ay hayaan nalang natin muna ang gagong ito hanggang sa maisipan niyang magsabi sa atin. Pero kapag hindi nangyari yun ako na bahala sa lalaking ito."
Inalis ni Ran ang pagkakahawak ni Eleven sakanya at tinungo ang lalaki saka naman ito hinawakan sa kwelyo at matalim na tinignan.
"If we fail to locate Kali today, I swear I'm gonna shoot you in the head. Bahala nang makulong ako, tandaan mo yan. Kaya kung ako sayo sabihin mo na akin kung saan nagtatago ang amo mong yan."
Ngumisi ang lalaki sa naituran niya na para bang natutuwa na makita siyang galit na galit.
"Wala kayong makukuha sa akin, Aronzado kahit ano pang pamimilit ang gawin niyo sa akin."
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa damit nito.
"Hindi ka na dapat pa pumanig sa mga Rosales. Alam mo kung gaano kahayup si Manuel, pati ang kapatid mo ay tiyak akong hindi rin niya iyon bubuhayin sa oras na makuha niya ito mula sayo." Natawa pa ito. "Kapag nangyari yun, wala akong sasayangin na panahon na tikman ang kapatid mo."
Hindi na siya nakatiis at pinaulan itong muli nang mga suntok saka lang siya natigil nang biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa niya.
Hinihingal na tumayo siya at pinagpagan ang damit. "Beat him for me, Fin" aniya at tinungo ang gilid para sagutin ang tawag.
Sinunod naman agad ni Fin ang utos niya. Galit na galit na sinugod nito ang lalaki at sa tuwing natatamaan ang lalaki ng suntok sa tiyan ay napapasigaw naman ito sa sakit.
"Hello? Who's this?" malamig na tanong ni Ran nang masagot ang tawag mula sa hindi niya kakilalang number.
"Ran, it's me," wika ng isang boses sa kabilang linya dahilan upang maikuyom niya ang kanyang palad.
Alam niyang ito ang dumukot kay Kali. Nakita nila ito nang ireview nila ang kuha ng cctv. Isa rin ito sa mga hinahanap niya, at sisiguraduhin niyang makakatikim ito ng suntok sa oras na magkita silang muli.
"Wala tayong dapat pag-usapan pa Santos kung ang itinawag mo lang sa akin ay para painitin lang ang ulo---" ibababa na sana niya tawag nang magsalita itong muli.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...