Kabanata 7
"Kakadating mo lang sa probinsya ano?" tanong ng matandang si Victoria. Nasa iisang mesa lang sila ni Ran at magkaharap, kakatapos lang din nila kumain ng sinigang na baboy. Naroon rin ang batang lalaki na kumausap sa kanya kanina, napag-alaman niyang apo pala ito ng mga matatanda at si Ran naman ay kaibigan raw nila ang pamilya nito kaya pala ay malapit ang binata sa kanila.
"Opo."
"Alam mo bang kamukhang kamukha mo ang nanay mo? Nung nakita kita kanina siya agad ang naisip ko."
"Yan rin po ang sabi ng ibang tao sa akin simula nung bata palang ako."
Naalala niya pa nuon palaging tinutukso tukso ang Daddy niya na wala man lang siyang pinagmanahan mula dito. Talo ng dugong Perez ang dugong Rosales, mas kitang kita ang pagiging Perez niya na may halong dugong Espanyol. Pero may pagkakataon naman na kamukha niya ang kanyang ama.
Napalingon sila sa batang si Mateo nang bigla itong nagsalita at nagdabog.
"Ayoko na busog na ako parang sasabog na ang tiyan ko."
"Hindi naman marami ang nakain mo ah." Wika niya rito.
"Oo nga, kumain ka pa Teo. Marami parang natira oh sayang naman." Naiiling na sambit ng Lola niya at tinuro ang plato.
"Ayoko na nga eh. Busog na ako." Muling wika ng bata na naiiyak na.
"May problema ba?" sabat ni Ran nang mapansin na para bang may tinatago ang bata.
Nagulat nalang sila nang bigla itong tuluyang umiyak nang malakas. Si Ran naman ay alistong tumabi sa bata at pinatahan ito. Hindi mapigilan ni Kali na mapatitig sa dalawa lalong lalo na kay Ran. He's too gentle and caring when it comes to children, iyan ang nadiskubre niya. Simula pa kanina ay napapansin niya na hindi takot at masayang masaya ang ibang pang mga bata nung dumating sila.
"What's wrong?"
"Eh kasi kuya tinutukso ako ng iba na baboy daw ako at malaki daw ang tiyan."
"Ano ginawa nila yun? Wag kang mag-aalala kakausapin ko sila at pagsasabihan. Ituro mo sila sa akin mamaya, okay?"
Tumango ito habang nagpupunas ng mga luha saka niyakap si Ran nang mahigpit. Maya-maya pa ay inudyok nito ang bata na kumain ulit at sinabihan na walang masama sa pagiging mataba dahil maging siya daw nuon ay mataba at nag-iba lang ang pangangatawan nung magbinata na.
Bago pa man sila magkatinginang dalawa ni Ran ay bumaling na agad si Kali sa matanda at tumulong sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos ay saka naman siya lumabas at hinanap ang kanyang ama. Nakasunod naman ang ilang mga armadong lalaki sa likod niya kung saan siya magpunta. Hanggang sa mahanap naman niya ang mga ito sa may tent kasama ang iba pang mga politiko.
Bandang alas tres na ng hapon nang simulan na ang kampanya. Hindi na si Kali sumama sa stage nakinood nalang din siya kasama sa mga taong naroroon. Samantala si Ran naman ay nasa likuran ng kanyang ama kasama na ang ibang mga tauhan nila.
"Alam niyo naman siguro hindi ba kung bakit kami naririto at kung ano ang pakay namin?" panimula ng kanyang ama. "Batid kong alam ninyo ang nalalapit na eleksyon kaya't naririto kami ngayon ay para humingi sa inyo ng tulong na kami ay inyong iboto. Wala kaming ibang nais kundi ay bigyan kayo ng inyong pangangailangan at ng magandang buhay."
"Matutupad po ba ang plano ninyong pagpapatayo ng health center malapit lang dito? Hirap na hirap po kasi kami sa tuwing nagkakasakit ang aming mga anak hindi naman sila maipa-check up agad dahil kakailanganin pa naming na bumiyahe ng isang oras at kalahati."
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...