Kabanata 23
Maagang nagising si Kali dahil na rin sa mga ingay ng mga bata sa labas na naglalaro malapit lang sa bahay nila. At nang magpunta naman siya sa sala doon niya nadatnan ang magkakapatid na nag-aalmusal. Kinamot niya ang braso at nahihiyang nagtanong.
"I just wanna know where your bathroom is."
"Nasa may gawing kanan, malapit sa kusina."
Tipid siyang tumango kay Cara at pinasadahan naman siya ng tingin ni Ran sa suot niya. Suot niya ang ilang mga damit na pinamigay ng kapatid nito kaya siguro ito nagtataka sa suot niyang mahabang palda.
Nang magtungo naman si Kali sa sinasabing bathroom nila ay kumunot ang kanyang noo na wala man lang kung anong gripo o shower ang naroon. Isang kabo at maliit na balde lang ang meron kaya naman ay bumalik siya sa dalawa para muli na naman itong abalahin.
"There's no water, no bath tub, no towel and the door is broken."
"Pasensya ka na, Kali ah pero wala kasi kaming bath tub talaga dito pero towel meron naman ako. Sandali lang at may extra pa ako sa kwarto dala ni kuya." Ani nito at saka naman silang iniwan ni Ran sa sala.
Siniguro niya na hindi niya ito matitignan at umaktong tumitingin tingin sa labas ng bahay at saka naman ininat ang dalawang braso. Wala ba talaga itong gagawin? At naririnig kaya nito ang sinabi niya? Bumalik naman si Cara makalipas ang isang minuto at binigay ang isang puting tuwalya.
"Pasensya na hindi ko mahanap yung extra towel kay kuya na muna ang gamitin mo.—O bakit may problema na naman ba?" naitanong nito nang mapansin naman na hindi siya gumagalaw sa kanyang pwesto.
"May kailangan ka pa ba?"
"Walang tubig.Paano na ako nito makakaligo ng warm water? Hindi pa naman ako sanay—"
"Then fetch water. It's not a big problem." Hindi mapigilang sambit ni Ran sa kanya na tila naiinis sa kanyang kaartehan.
"Hindi ako marunong."
"Walang lugar ang mga maarteng tulad mo dito."
"Why don't you fetch me water? Mas malaki naman ang iyong pangangatawan. You know I can't lift heavy things. Hindi ko pa nararanasan—"
Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang pinutol sa pagsasalita. "I'm not your maid, Rosales. Tandaan mo nasa pamamahay kita at wala ka nang karapatan na utos utusan ako. At isa pa pamamahay na ito ako nasusunod."
He scoffed upon seeing her reaction. "Mag-init ka ng tubig at ihalo mo sa malamig na tubig. Hindi mo yan ikakamatay."
Napapadyak na lamang sa inis si Kali at walang nagawa kundi ay mag-igib nga ng tubig. Mangiyak ngiyak siyang pabalik balik sa igiban dahil sa tuwing napupuno na ang balde niyang dala ay nauubos na agad ang tubig nito kahit hindi pa man siya nakakaabot sa bahay. Panay na rin ang pagmasahe niya sa kanyang balikat at mga binti dahil nakaramdam siya ng pangangalay dito at ang mas nakakainis pa ron ay hinayaan lang siya ni Ran. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang dismayado ito na kahit simpleng pag-igib ay hindi niya magawa gawa.
At sa pangsampung beses niyang pag-igib hindi sinasadyang matapakan niya yung basag na bote sa buhangin. Sa sobrang abala at pagmamadali niya hindi niya ito agad napansin. Iniwas niya ang mata niya sa sugat dahil nag-aalala siya na baka mahimatay na naman siya kapag nakita niya yung sariling dugo niya. Nanghihinang napaupo siya sa buhangin at pagod na pagod na hinilot ang binti habang humihikbi.
"I fucking hate this! I'm all wet and I haven't even taken a bath!" parang tangang wika niya sa sarili at nang matapos naman sa pagdadrama niya ay bumalik siyang isang kabong tubig ang dala at tinipid tipid iyon para lang makaligo siya.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...