Kabanata 46

90 2 0
                                    

Kabanata 46

Malamig na hangin ang sumalubong kay Kali nang marating niya kung saan nakahimlay ang kanyang ina. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at para siyang nahihirapang huminga sa bawat hakbang niya papalapit sa puntod nito.

Walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha. Nang tuluyan naman siyang makalapit ay nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaupo na lamang sa lupa.

Sumagi sa kanyang isipan ang masasayang alaala niya kasama ang kanyang ina. Nang maalala niya ang maganda nitong ngiti ay parang gusto nalang niyang saktan ang sarili.

"W-was I really the one who killed you?" She stammered as her lips trembled.

"D-did I lost my memories about that day? Mommy, wala akong maalala,but they were telling me that I killed you and not Ran. And his parents....did I really took their parents away from them? Pinagtatakpan lang ba talaga nila ako? Pero bakit? Bakit kinailangan nila akong protektahan gayung alam nilang masasaktan ko sila."

She sniffled. "Gusto ko sanang huwag silang paniwalaan. Natatakot ako, Mommy. Natatakot ako na malaman na nagdusa silang lahat nang dahil sa akin. Pakiramdam ko ay ang sama sama kong tao."

Napapikit siya sandali nang maramdaman niyang muli ang pag-ihip ng isang malakas at malamig na hangin at tila ba pinapatahan siya nito.

Nang makatanggap naman siya ng tawag mula sa mga kaibigan. Napakagat siya sa kanyang labi habang hinahayaan niya ang pagring lang ng kanyang cellphone. Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman nila ang totoo.

Will they stay away from me? Sa isiping iyon ay nanaig sakanya ang desisyon na huwag na lamang sagutin ang tawag hanggang sa matigil ito.

Hindi namalayan ni Kali nakatulog nalang siya bigla sa loob ng kotse niya dulot na rin ng labis na pagkapagod. Aalis na sana siya kaso hindi na kinakaya ng katawan niya. Hindi na niya pinilit pa ang sarili at hinayaan na niya ang katawan na makapagpahinga tutal ilang araw rin naman siyang walang maayos na pahinga at tulog.

Siguro naman ano sapat na ito para sandaling malimot at matakasan niya ang mga bagay bagay na gumugulo sa isipan niya.



Nagising siya nang maramdaman niya ang vibrate ng kanyang cellphone sa kamay. Bumungad sa kanya ang halos isang daan na mensahe mula sa kanyang mga kaibigan at kay Ran.

Hawak hawak niya ang kanyang ulo ng ilibot niya ang tingin sa buong paligid.  Napamura siya nang mapagtanto niya inabutan na siya ng gabi at hindi pa niya alam kung saang lugar siya napunta. Basta basta nalang niyang itinigil ang sasakyan kanina.

Susubukan niya sanang tignan ang location niya gamit ang Google Map kaso nga lang ay bigla nalang namatay ang cellphone niya.

"Fuck this life" bulong niya at pinaharurot ang sasakyan.

Nilukob siya ng takot habang tinatahak ang isang daanan. Mayamaya pa'y naramdaman niya ang pananakit ng kanyang ulo.

"What the heck is happening to me?"

Naiwala niya ang atensyon sa daan nang unti unting lumala ang pananakit ng kanyang ulo. Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit.

"AHH! TAMA NA!" hindi niya mapigilang sigaw.

Biglang sumagi sa isipan niya ang batang siya na tumatakbo papalayo sa dalawang sasakyan na nakasunod sa kanya. Narinig niyang tinawag ang pangalan niya.

Hanggang doon lang ang nakita niya. Pagkatapos nun muli niyang ibinalik ang tingin sa daan habang iniinda pa rin ang papanakit ng ulo. Subalit pagtingin niya ay nagulat nalang siya ng makita niya ang batang siya na biglang tumawid sa daan dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon