Kabanata 20

63 4 0
                                    

Kabanata 20

Kakapasok lang ni Ran sa bahay niya nang maispatan niya ang grupo ng kanyang kaibigan na naroon sa sala at kasalukuyang namang pinaghahandaan ng pagkain ng nakababata niyang kapatid na si Cara.

Naroon sina Vigo, Eleven, George, at naroon rin si Chance ang kaibigan niyang kagagaling lang abroad. Abala ang mga ito sa pakikipag-usap kay Fin patungkol sa mga babaeng nagiging customer nito sa bar and restaurant na pinagtatrabahuan. Saktong pagkaupo niya sa sopa matapos yakapin ang kapatid at inom sa basong tubig na nasa mesa. Narinig niya na isa si Kali sa napag-usapan ng apat.

Nasamid siya bigla at naubo nang tanungin siya bigla ni Chance.

"Kamusta naman kayo ni Kali?"

"Fuck this," he murmured and wiped the side of his mouth.

"What I mean is kamusta ang pag-aalaga sa panganay na anak ni Ramon Rosales?"

Nang mag-angat siya ng tingin naroon ang pilyong ngiti ng mga kaibigan niya tila ba may kasama itong panunukso. Hindi niya ito sinagot at pinagdiskitahang kainin ang pagkaing nasa harap.

"Won't you agree to Fin? He said Kali looks like an angel in person. Siya pala yung tinutukoy ni Fin na sexy, young model. " Natawa pa si Chance at nilingon ang ibang kaibigan tila hinihimok ang mga ito.

He scoffed. "More like a devil to me."

"Kamusta naman ang trabaho? I'm sure palaging nasa siyudad iyon. Nastalk ko na siya many times and I found out she likes to party a lot."

Umiling siya. "She's trapped in their house, but she had tried to escape once without her father knowing. Hindi siya hinayaan ng kanyang ama na bumalik doon kung kaya naman ay inarrange marriage siya kay Alexander Santos."

"Woah, you mean that Alexander guy na sumulot sa ex-girlfriend mo nung college?" hindi makapaniwalang sambit ni Eleven at nailing.

He sighed. He doesn't want to remember the past but Eleven brought it up. Hinding hindi niya malilimutan na ito ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng girlfriend niyang si Stephanie, isa sa malapit na kaibigan ni Stacy. At hindi niya alam kung bakit si Alexander pa ang napili niyang ipapakasal kay Kali.

Tumayo siya at nagpaalam na muna sa mga ito na magpapahinga na muna siya sa kwarto pero ang totoo ay gusto lang niya talagang iwasan ang mga tanong pa nito patungkol sa nakaraan niya at maalala ang dating kasintahan.

"Ano ka ba hindi mo na sana sinabi iyon!" rinig niyang suway ni Vigo kay Eleven sa mahinang boses bago siya makaalis.

Pagkaupo niya sa kama niya ay bumukas muli ang pintuan at bumungad naman sa kanya ang pagmumukha ng nag-aalalang kapatid at dinalhan siya ng pagkain. Umupo ito sa tabi niya at napagbuntong hininga.

"Dinalhan nalang kita dahil alam kong gutom na gutom ka. Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan mo hindi naman nila sinasadya."

"Wala naman akong problema doon."

"Sige sabi mo eh. Maiba na nga lang bakit ka nga pala umuwi dito nang maaga? Tapos na ba ang pagtatrabaho mo sa mga Rosales? Hindi ka na babalik doon?"

"Huwag kang magmadali, Cara."

Nalungkot ang pagmumukha nito. "Ilang taon ka nang nagtatrabaho sa kanila ah? Hanggang ngayon ba ay paghihiganti pa rin ang nasa isip mo?"

"Alam mong hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamtan ang hustiya."

"Kung ganon bakit ka nga nandito? May problema ba?" paglilihis nito sa ibang bagay nang mapagtanto nitong wala siyang magagawa sa desisyon ng nakatatandang kapatid.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon