Kabanata 43

116 2 0
                                    

Kabanata 43

Umaga iyon ng puntahan siya ng Tito Robert niya kwarto. Hindi niya ito nilingon, narinig niyang napabuntong hininga na ito sa gilid niya. Ilang araw na siya nitong kinakausap at tinatanong kung anong problema niya.

Pinunasan niya ang mga luha niya niya. Nanatili pa rin ang malamig niyang tingin nang maramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano ba kasi ang nangyayari? Kung iniisip mo na baka balikan ka ni Manuel ay hindi na mangyayari yun. Nakakulong na ito kasama ang iba pa nitong kasabwat niya at si Brandon naman ay patay na."

Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang mga daliri nito. "Wala ka nang dapat ikatakot pa. Magiging normal na ang buhay mo. Magagawa mo na ang gusto mo at makakabalik ka na sa siyudad."

"Nagmamakaawa ako sayo sabihin mo sa akin kung anong problema at handa akong makinig sayo. Ayokong nakikita kitang ganito, nasasaktan kami sa pananahimik mo. You're torturing us."

'Tama. Tinotorture ko kayo nang maisipan ninyong maigi kung ano nga ba ang ginawa ninyong masama,'wika ni Kali sa isipan.

Nang hindi siya sumagot ay napagpasiyahan rin naman nitong iwan siya. Napahiga nalang din siya sa higaan, ibinaon niya ang mukha sa una at doon na ibinuhos ang lahat ng galit niya.

Umiyak siya ng umiyak hanggang sa mapagod siya at unti unting gumaan ang pakiramdam niya.

Bumaba si Ran alas dose ng gabi para uminom ng tubig. Nakaramdam siya ng matinding pagkauhaw at hindi siya makatulog nang mahimbing. Sumasagi sa isip niya ang dalaga.

He misses her, the Kali that smiles a lot whenever he gives her the full attention she wants. Kaya lang ay parang nawalan na ng kakayahan ang dalaga na ngumiti. Kung ano ano na lamang ang pumapasok sa isip niya kung may nagawa ba siyang masama o kung may nasabi ba siyang masama.

Pagkatapos niyang mainom at tumambay sa sala saglit nang maisipan naman niya na pasukin ang dalaga sa kwarto. Ipinagdadasal niya na sana tulog na si Kali sa mga oras na ito nang s ganun ay hindi siya nito maitataboy.

Hindi naman niya ito pipilitin na kausapin siya.  Sadyang gusto lang niya masilayan ang mukha nito ng kahit ilang segundo lang o isang minuto at pagkatapos ay aalis rin naman siya agad nang tahimik.

Nang mabuksan niya ang pinto ay dahan dahan siyang naglakad papalapit sa natutulog na dalaga. May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib niya nang makita ang na tila umiiyak pa rin ito kahit sa panaginip.

Hinaplos niya ang mukha nito at pinunasan ang mga luha. Saka naman tinapik tapik ng mahina ang balikat nito para patahanin ang dalaga. Mayamaya pa ay tumigil rin ito sa pag-iyak at pikit matang hinawakan ang kamay niya saka naman nito idinampi sa malambot nitong pisngi.

"I miss you," Ran whispered.

Animo'y narinig naman ito ng dalaga at bigla itong ngumiti ng hindi abot sa tenga. Subalit agad rin naman nitong nabitawan ang kamay niya at tumagilid habang mahimbing pa rin na natutulog.

'What have you done?' Naiwika nalang niya nang mapansin niya ang kalat sa buong paligid. Niligpit na muna niya ang mga ito bago nilisan ang kwarto.

Pagkagising na pagkagising ni Kali si Melissa agad ang hinanap niya. Humahangos naman itong dumating sa at malapad na ngumiti ngunit agad rin itong napawi nang mapansin ang ekspresyon niya.

Nagkamot ng ulo si Melissa. "Akala ko okay ka na kasi hinahanap mo ako" bulong nito habang naglakad ito papalapit sakanya.

"Ano po ang maitutulong ko sa inyo, Señorita?"

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon