Kabanata 15

83 7 0
                                    

Kabanata 15

Hindi mapigilan ni Kali na hindi pansinin ang lahat ng mga taong kasama niya sa hapag-kainan. Umaga iyon, at kagabi lang nung ianunsyo ng kanyang ama at kaibigan nito na ikakasal siya kay Alexander sa ayaw man o sa gusto niya. Hindi siya nakareact agad at nang makaalis naman ang mga ito ay saka naman sila nagkasagutang muli ng kanyang ama.

Nagpupuyos siya sa galit na wala man lang pumigil sa ama niya sa desisyon nito maging ang Tito Robert niya ay sumang-ayon na lamang sa ideyang pagpapakasal. Ang mas lalong nakakagalit pa doon ay nung malaman niya na ang Tita Roselle niya ang nag-udyok sa kanyang ama at si Ran naman ang inutusan ng mga ito na mamili kung sinong lalaki ang dapat ipapakasal sakanya. She can't believe she's in an arranged marriage with someone whom she just met. Akala niya ay simpleng set up lang iyon ngunit nagkamali siya.

"What do you think about Alexander, Ran?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso nang dahil sa tanong ng kanyang Tita.

"He is the perfect son to his father which means he could also be the perfect husband to your niece."

Perfect husband? Nagpapatawa ba siya?

"Iyan rin ang napansin ko, iho. Bagay na bagay sila ng pamangkin ko kaya nga nung pinili mo si Alexander ay sumang-ayon ako agad. If you think he's perfect for Kali then he really is."

Pinili na lamang ni Kali na magbingi-bingihan sa mga ito kahit na gusto na niyang layasan ang hapagkainan at isuka ang lahat ng mga kinain niya.

Nang matapos sa siya sa pag-aalmusal balak na niya sanang bumalik sa kwarto niya at wala nang balak pang makipagplastikan sa lahat nang bigla naman siyang harangin ni Ran.She crossed her arms and raised her eyebrows at him.

"Get out of my sight." Madiin niyang sabi pero hindi ito nakinig at ibinigay sa kanya ang isang paperbag na may laman na damit.

"Magbihis ka. You'll be going out with Alexander today."

"Ayoko. You can't force me to go out with him! Hindi ko gusto ang kaibigan mo."

"Huwag mong hintayin na isumbong kita sa Daddy mo patungkol sa ginawa mong pagtakas."

"No, you will not do that."

"Then, I'll be waiting."

Nilagpasan niya ito at padabog na dire-diretsong pumasok sa kwarto niya at saka naman naligo. Itinapon niya lang sa gilid ang paperbag at saka naman sinadyang magtagal sa banyo. Tignan lang natin kung makayanan ng ugok na yun ang maghintay.



Makalipas ang isang oras at kalahati ay narinig niyang kinakatok na siya ng maraming beses at nagbingi bingihan lang siya. Hanggang sa papalakas na ang katok at nagulat na lamang siya nang bigla siyang pasukin ni Ran sa loob. Napasigaw siya at dali daling hinablot ang tuwalya sa gilid saka naman ito itinapon sa huba't hubad niyang katawan.

"Fuck!" rinig niya namang bulong nito at dali dali ring tumalikod habang ang mga kamay ay nasa ere.

"Stop shouting, will you?!"

"Isa kang bastos! Manyak!"

Binato niya ito ng bote ng shampoo saka naman nagpatuloy tuloy sa pagsisigaw nang malakas at binalewala ang mga pagbabantang natatanggap niya mula kay Ran. What the fuck is wrong with this man? Talagang desidido na pasukin siya sa banyo!Paano kung nakita nito ang dalawang buko niya? Argh. Sino ba naman kasi mag-aakala na papasukin siya nito sa banyo bigla?

"Akala ko may nangyaring masama sa iyo.."

"Sinungaling! Isusumbong kita! Painosente ka pa yun pala ay gusto mo lang akong busohan---"

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon