Kabanata 48Sa paglipas ng tatlong taon, hindi na nawala sa kamay ni Ran ang sulat na iniwan ni Kali para sakanya. Marami man ang nagbago sa buhay niya at ng kanyang kapatid hindi siya tumigil sa pag-asa na balang araw babalik rin dalaga sa kanya kahit walang kasiguraduhan.
Walang araw na hindi siya nakatingin sa labas habang paulit ulit naman niyang binabasa ang sulat nito. At kapag binabasa niya ito ay tila ba naririnig rin niya ang boses ni Kali na sumasabay sakanya at hindi niya napipigilan ang sarili na huwag maiyak.
Sa tatlong taon niyang paghihintay kahit kailanman ay hindi nagbago ang pagmamahal niya dito. Wala na siyang balak na maghanap pa ng ibang babae. Sapat na sakanya si Kali, ang asawa niya.
Umihip ang malakas na hangin nang sandaling mabuksan niya ang sulat. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng pangungulila.
'Hindi ko alam kung paano ko ba ito sisimulan pero nais kong malaman ninyong lahat na labis ang aking pagsisisi at hindi ko gusto ang mga nangyari. Kung maibabalik ko lang ang panahon at maitatama ang lahat gagawin ko. Masakit para sa akin na ako ang puno't dulo ng gulong ito at mas lalo pa akong nasaktan nung malaman kong ako pala ang dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, Ran. Hindi ko matanggap. Galit ako sa sarili ko at hindi ko kakayanin na humarap pa sa inyo pati na rin sa pamilya ko.
Gusto kong magpakalayo layo, gusto kong bigyan niyo ako ng sapat na panahon na unti unti kong matanggap ang lahat ang magkaroon ng lakas na loob na harapin kayo balang araw. Alam ko na sa mga oras na ito gusto mo akong sundan o di kaya ng mga pamilya ko pero ipapapakiusap ko sa inyo na hayaan niyo na muna ako. Maaari ba? Pangako, sa pagkakataong ito pipilitin kong magbago at maging mabuting tao.'
"Ran?"
Mabilis na tumalikod si Ran at pinunasan ang mga luha sa kanyang mata. Saka niya nilingon si Fin na para bang walang nangyari. Bumaba ang tingin nito hawak niyang sulat. Nahihiyang nagkamot siya ng ulo at itinago ito sa kanyang likuran.
"Hey, what's up? Anong kailangan mo?"
"Ipinatatawag ka ni Cara sa baba. Ipinapapabalik raw kasi yung mga bulaklak mo na naman."
Tipid siyang ngumiti at akmang lalapagsan na sana ito nang magsalita namang muli si Fin na ikinatigil niya. "Hanggang kailan mo gustong gawin ito? Ilang beses na niyang ipinababalik ang mga bigay mong bagay. Bakit hindi ka magpakilala sakanya o di kaya'y ikaw na mismo ang magbigay."
"Hindi niya gugustuhin na magpakita sa akin, Fin. At isa pa ayokong marinig mula sa kanyang labi na hihiwalayan niya ako. "
"Aren't you tired watching her from afar again just like what you did several years ago?" May himig ng lungkot ang boses ni Fin.
Pagod? Kahit kailanman ay hindi siya mapapagod na pagmasdan ito sa malayo habang paunti unti nitong inaabot ang mga gusto sa buhay ni Kali.
Walang araw o taon na hindi niya ito pinapadalhan ng regalo at sulat. Kahit na paulit ulit itong ibinabalik sakanya o di kaya'y itinatapon sa basurahan. Masakit para sakanya ang ginagawa ni Kali pero hindi siya sumuko. Mahal niya eh, mahal na mahal.
"Bakit hindi ka nalang maghanap ng ibang babae, Ran? Sa tingin ko ay malabong bumalik pa si Kali sa iyo---"
"Fin, hindi mo ako maiintindihan kasi wala ka sitwasyon ko ngayon," kalmado niyang sagot dito.
"Walang sinumang babaeng makakapantay sa kanya. Kahit pa na sobra siya sa kaartehan, kasungitan, at minsan walang pake kung ano ang sasabihin ng ibang tao sakanya mailabas lang hinanakit niya. Mahal ko ang babaeng iyon sa kabila ng mga nagawa niya,"pagpapatuloy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/355184447-288-k893654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
Любовные романыMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...