Kabanata 42

96 0 0
                                    

Kabanata 42

"Ano bakit hindi ka makaimik? Ayaw mo bang malaman ang totoo?"

"B-binibilog mo lang ang utak ko."

"Shut up. Alam kong ayaw mong malaman ang totoo na namatay ang Mommy mo dahil kay Ran," ani nito saka naman bumulong sa kanyang tenga.  "THAT'S RIGHT. HE KILLED YOUR MOM."

Napangiti ito nang malapad nang makita nito ang reaksyon niya. No, way. Ran? Umiling siya.

"You're lying."

"Tignan lang natin kung masasabi mo pa kayang nagsisinungaling ako sa oras na makita mo ito."

Tuluyan na siyang nanlamig ipakita nito ang isang larawan. Naroon sa picture ang duguang payat na pangangatawan ng kanyang ina habang sa gilid naman nito ay isang lalaking duguan na rin ang kamay at tila takot na takot na nakatingin sa Mommy niya.

"And you're Dad knew about it. At anong ginawa niya? Nothing. Kinupkop niya si Ran, binihisan, at ginawang anak anakan at sa tingin niya ay tama lang na namatay ang Mommy mo. Dahil sa mga panahong iyon ay nagbabalak na siyang pakasalan ang nanay ni Lily."

Ran? Agad niyang napagtantong si Ran nga ito nang may makitaan niya itong may pagkakahawig ang lalaki kay Ran.

No, no, no. Does this mean she's telling the truth? That Ran killed her mother? Nang sandaling iyon ay pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-uto utong babae sa mundo. Nagawa pa niyang mahalin ang taong pumatay ng kanyang ina!

He's fucking a demon! Kaya hindi na siya magtataka kung bakit bigla bigla itong naging mabait sakanya yun pala ay para hindi na niya ito pagdudahan. Nagawa pa talaga siyang pagsabihan ni Fin na pagkatiwalaan si Ran. Para ano? Para pagtakpan ang kaibigan?

Was he really in love with her? Or he was just guilty because he killed her mom? Sa isiping iyon ay napupuno na siya ng galit at wala namang tigil ang pag-agos ang mga luha niya habang nakatitig sa larawan.  Paano niya nakayanang matulog katabi ang lalaking sumira sa buhay niya?!

"Your Dad was so thankful that Ran accidentally killed your Mom. Sa wakas, ay makakapiling na niya ang totoong mahal niya. And take note, all of your family also knew about this. They kept it a secret dahil ayaw nilang mas lumayo ang loob nila sayo."

Hinaplos ni Stacy ang mukha niya na para bang naaawa pa kuno ito sa kanya pero ang totoo ay nasisiyahan ito na nasasaktan siya ngayon.

Ilang segundo ang lumipas ay dumating naman bigla si Manuel. Hinablot siya nito at pinatayo saka naman ipinulupot nito ang braso sa leeg niya habang may nakatutok na baril sa sentido niya.

Nakita niya si Ran, sandaling nagtama ang paningin nilang dalawa. Lumambot ang mukha nito nang makita ang ayos niya at nang mga oras iyon ay malamig niya lang itong tinignan.

Hindi na masyadong napagtuunan ng pansin ni Ran ang ekspresyon ni Kali sa mukha dahil na kay Manuel na ang atensyon niya. Pinalibutan naman sila ng mga pulis. Tumabi kay Ran ang mga kaibigan at itinutok na rin ang baril sa direksyon ni Manuel.

"Manuel Alcatraz, sumuko ka na! Kung ayaw mong mapipilitan kaming barilin ka."

"Sige subukan niyo at papasabugin ko ang bungo ng babaeng ito."

"Wala ka nang magagawa Ran, kahit pa anong gagawin mo---"

Pinutol ni Ran ang sasabihin ni Stacy. "Tama nga ako, kasabwat mo ang mga Alcatraz. Nahuli na ang ilan sa mga kamag-anak ng mga Alcatraz at ikaw ang sisiguraduhin kong susunod sa kanila."

Tinaasan siya ni Stacy ng kilay at natawa. "Kahit naman anong gawin mo na ipakulong ako. Hinding hindi niyo na makakamtan pa ang kasiyahang pinapangarap ninyo."

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon