Kabanata 24
"Saan ka galing?" iyon ang bungad na tanong ni Kali kay Ran nung umuwi ito ng madaling araw at pasuray suray halatang lasing na lasing at bigla siyang pinasok nito sa kwarto.
"Why do you care?"
"Why do I care? Malamang kanina pa kita—I mean kanina ka pa naming hinihintay ng kapatid mo. Hinanap namin kayo kung saan kayo nagpunta ng mga kaibigan mo."
"Tsk. Shut up. Umalis ka riyan sa higaan at sa sahig ka matutulog."
"Ano?!"
Bago pa man siya makapalag ay itinulak siya nito dahilan upang matumba siya sa sahig at tinapunan naman siya ng unan sa mukha. Sa inis niya ay hinila niya ito paalis sa kama nang ilang beses dahil nagmatigas ito lalo. Hindi niya maintindihan kung bakit nito naisipan na dito pa talaga sa kwarto niya matulog eh nakasanayan naman niyang doon ito sa sala palagi at hindi siya kailanman tinatabihan. Humugot siya ng malalim na hininga .
"Ano ba! Masakit na masakit na nga ang likod ko sa matigas na higaan na yan tapos papatulugin mo pa ako sa sahig? No way!"
"Hindi mo ikakamatay ang matulog sa sahig."
"Anong hindi?! Ikakamatay ko ano! Alis na nga sabi eh!"
Nagpumiglas siya ng bigla nitong hulihin ang dalawa niyang kamay na siyang dahilan na mapaupo siya sa gilid at bumangon naman ito saka naman sila nagkatitigang dalawa. Doon na natigil sa pag-iingay si Kali at nanigas sa kanyang kinauupuan. Ito ang unang beses na nagtitigan sila ng matagal nang hindi niya nakikitaan ng galit ang mga mata nito. Bumilis na naman ang puso niya parang nagwawala lalong lalo na nung ilapit nito ang mukha sa kanya.
"A-anong gagawin mo?"
She gulped when he placed his two thumbs on her lips while looking at her intently. "Alam mo naman hindi ba na ayaw na ayaw ko sa mga maiingay."
He smirked before grabbing her face and planted a soft kiss on her lips.
"What the---", he kissed her again and Kali's cheeks turned red. Fuck. This is not me! Why am I enjoying this?!
Pagkatapos ay saka naman ito bumalik sa pagkakahiga na para bang walang nangyari at tinalikuran siya. Napahawak nalang si Kali sa labi niya habang nakatingin kay Ran.
Nang gabing yun hindi na nagawa pang magreklamo ni Kali at sa sahig na lamang natulog kahit na labag sa kanyang kalooban. Halos ilang beses niyang sinampal ang sarili nang mapagtanto niyang napapangiti na lamang siya sa tuwing naaalala niya ang ginawa ni Ran. Dapat ba talaga siyang kikiligin eh lasing na lasing naman ito at malamang walang alam sa mga ginagawa.
KAKATAPOS lang nila Kali sa paglalaba ng mga damit kasama si Cara at naisipan nilang bumili ng turon na ibinebenta ni Aling Lourdes. Naging paborito niya itong kainin tuwing hapon dahil nasasarapan siya dito at madali siyang nabubusog kahit na isang piraso pa lang ang nakakain niya lalo na kung may soft drinks din silang iniinom. Pabalik naman sila sana sa bahay nang makita naman niya sa di kalayuan si Ran kasama na ang mga kaibigan nito na naglalaro ng basketball.
Niyaya niya si Cara na maupo sa buhangin at nagdahilang mas mabuti kong magpahangin na muna sila kahit na ang totoo ay gusto lang talaga niyang mapanood ang laro ng mga ito. Mabilis namang umagaw sa kanyang pansin ang malapandesal na tiyan ni Ran at wala sa sariling napapakagat ng kanyang labi. Alam niya sa sarili niya na pinapantasyahan niya ito pero masisisi niyo ba siya gayung babae lang naman siya at natu-turn on sa mga lalaking may magagandang katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/355184447-288-k893654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...