Kabanata 37
Nakatayo si Ran malapit sa may bintana, may kausap sa telepono habang humihithit ng sigarilyo. Tinawagan niya ang isa sa mga tauhang nagbabantay kay Ramon Rosales.
"Rio, send us five people to watch over us. We will be visiting her mother's grave, and I don't want something bad to happen. This day is so special for her."
"Yes, sir," Rio responded quickly.
"Just send me your location, sir."
"Good. I'll send it right away after this call." Inilagay niya sa kabilang tenga ang cellphone. " Anyway, any updates? Nabasa mo ba ang message ko sayo the other day?"
"Yes, sir. Based on our investigation, tunay ngang galing iyon sa mga tauhan ng mga Alcatraz. At magpahanggang ngayon ay binabantayan pa rin nilang maigi ang isla."
He took a deep breath. "Magpadala ka pa ng maraming tao rito sa isla lalo na't aalis kami. Siguraduhin mong mapoprotektahan nila ang mga tao rito sa isla. At siguraduhin mong walang makakahalata sakanila dahil ayokong matakot ang mga tao dito."
"Yes, sir. Paparating na po ang mga kasamahan ko diyan. Nga po pala yung mga nahuli naming umaaligid sa inyo nung nakaraan. Ano pong gagawin namin sa kanila? Should we kill them?"
"No, hand them over to the police. As much as possible, huwag kayong papatay maliban nalang kung nasa alanganin na ang buhay ninyo."
"Yung police officer na kaibigan ni Sir Ramon po ba?"
"Yes. I'll have to end this call. I need to go." Mabilis niyang sabi nang mapansin na pumasok si Kali sa kwarto, kagagaling lang nito sa banyo.
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya, lumapit naman siya sa dalaga at ipinalibot ang kamay sa bewang nito saka ito ginawaran ng mabilis na halik sa labi.
"Is everything fine?" She sounded worried.
Tumango si Ran. Ayaw niyang malaman nito na any moment ay maaari silang lusubin ng mga kaaway lalo na kung makakaalis na sila.
"Come on, let's leave early. Kailangan natin magmadali."
"Wait, I need to put on my make up."
Pinigilan niya ito at isinubsob ang mukha sa leeg ng dalaga.
"You don't have to. You're already beautiful to me. Ayokong may mga lalaki pang mahulog o magkagusto sa iyo."
"Tsk. Bolero."
Nakasuot sila ng cap at mask pareho. And they were both wearing white T-shirt and jeans. Nagshades na rin si Kali at itinali ang ang mahabang buhok nang walang makakilala sa kanya. Nakasunod lang sa kanya ang binata nang hanapin niya ang libingan ng ina.
Tumigil na muna siya sandali at humugot ng isang malalim na hininga. Humangin ng pagkalakas lakas na para bang wine-welcome siya ng kanyang ina sa mga oras na iyon.
Inilapag niya ang hawak niyang bulaklak at umupo sa lupa, sumunod naman si Ran sa ginawa niya. Hinaplos niya ang naka engraved na pangalan nito habang nanginginig ang mga labi at pinipigilan ang mga luha na bumagsak. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero wala ni isang lumabas sa bibig niya.
She wanted to tell her how much she had grown. She wanted to tell her that her life had never been as colourful as it used to be. Gusto rin niya malaman nito na walang ni isang araw na hindi ito sumasagi sa isip niya. And lastly, she wanted to tell her that she's with the man she truly loves.
"I love you, mom. Please, come back to me."
But instead of telling those to her mom, naupo nalang siya doon pinakiramdaman ang paligid at ninamnam ang katahimikan hanggang sa may lakas na siya ng loob na umalis na.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
عاطفيةMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...