Kabanata 18

65 4 0
                                    

Kabanata 18

"Hey!"

Natigil si Kali sa pagmuni muni nang bigla siyang lapitan ni Stacy. Ipinaskil niya ang pekeng ngiti sa kanyang labi at agad rin iyon nawala nang makita na naman niya ang pagmumukha ng lalaking kinaiinisan niya. Para rin pala itong linta sa babae at kung nasaan ito ay naroon rin siya. Hindi ba't siya dapat ang sinasamahan nito gayung trabaho naman nito ang magbantay at siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang pamilya niya lalong lalo na siya? Tsk.

"Would you like to join us tonight?"

"Where?"

"At the bar. Let's have a drink? Come on, say yes."

"She's not allowed, Stacy. It would be very dangerous for the both of you to go-"

Pinutol niya ang iba pang sasabihin ito at ngumiti nang malapad sa dalaga.

"I'll never say no to that."

"Hindi papayag ang Daddy mo. You'll stay."

The nerve of this guy.

"I'll go with you."

"I said, no. You can't be there."

Ngumiti lang siya para inisin ito.

"Yes, I'll be there. Wala ka nang magagawa." Aniya at bumaling sa babae. "Don't mind him, I always get I want."

"Ran, what's wrong with you? Hayaan mo na si Kali sa gusto niya. Kung gusto mo at nang matahimik ka sumama ka nalang at isama na rin natin si Alexander. Is that alright, Kali?"

Matagal bago nakasagot si Kali. Seriously? Ano pa nga ba ang magagawa niya? There's no fun in that. Alam niyang marami itong ipagbabawal sa kanya kapag sumama ito pero at the same time ayaw naman niyang palagpasin ang pagkakataon na magbar at magpalamig ng ulo so, in the end, she agreed.



ALAS siyete ng gabi nang simulan nila ang pagtakas. Oo, hindi na sila nagpaalam sa pamilya ni Kali tutal masyado naman itong abala sa ibang bagay lalo na ang Daddy niya. Impossibleng maisip pa siya nito gayung mas priority naman nito ang bagong pamilya.

Sumakay sila ng motor patungo sa sinasabing bar. Nasa kay Alexander na siya sumama at si Stacy naman ay kay Ran. At nang marating nila ang bar sinalubong sila ng mga lalaking kakilala ni Stacy at maya-maya pa ay bigla silang iniwang dalawa ni Alexander kasama ang mga ito.

What a jerk right? Iniwan sila para makapagsolo ang dalawa?

"We'll be alright." Ani ni Alexander sa kanya nang mapansin na tila naging balisa siya dahil sa hindi siya kumportable sa mga lalaking kasama nila. Dinala sila nito sa isang round table at pinaupo saka naman binigyan ng iba't ibang klase ng inumin.


Walang wala na siya sa mood dahil hindi pa rin niya matanggap na pinabayaan lang sila. Ni hindi siya makapag-enjoy dahil nahihiya siyang iwanan si Alexander at isa pa mukhang wala naman itong balak na umalis dahil napapasarap na ang usapan nito sa mga lalaki.

Hindi niya gusto kung paano siya tignan ng mga ito para kasi siyang nababastos kahit na hindi naman gaano kaikli ang paldang suot niya. Inilibang niya ang sarili niya at luminga linga sa paligid habang pasimple namang naghahanap ng tyempo na makaalis. Hindi na kasi niya matiis na manatili pa. Naghintay na muna siya ng ilang mga minuto bago kinausap niya ang lasing na si Alexander at nagpaalam na mag-ccr na muna siya pero hindi na niya ito makausap nang maayos at nagpatuloy tuloy lang sa pag-iinom. Great.

"Ayoko na. " nasabi nalang niya nang bigla siyang alukin ng lalaking nagngangalang Drake ng inumin. Natawa ito sakanya at nailing.

"KJ mo naman. Uminom ka pa."

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon