Daciana Kielle POV
"COME AGAIN?! WHAT DID YOU SAY!?" seryosong sigaw ni Mr. Ashford
Nanginginig ang mga tuhod ko, hindi rin ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Mr. Ashford at lalong nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa kaba. Hindi naman ako ready sa ganito, meet the family agad ang peg.
"I KNEW IT!" natatawang sigaw ni Zeejei habang nakatingin sa akin.
"Oh ano, beh? Tanggal angas mo no? Meet the lolo na agad. Dapat magpasalamat ka sa akin." pang-aasar ni Zeeian.
Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang pang-aasar ng dalawa at naglakas loob na lamang ako tumingin kay Mr. Ashford na nakatingin lang sakin habang nakangiti.
"Hindi naman na bago sa pandinig naming tatlo ang ganyang balita. Marami talagang humahanga sa apo ko dahil kamukhang-kamukha siya ng anak ko na si Asteria, pareho silang maganda mana sa akin." he explained.
Oo nga no? She looks exactly like Arch. Chua at hindi ko man lang naisip na posibleng anak nila ni Engr. Bravo si Zianah.
Ang bobo ko inuna ko kase ang tibok ng kalandian ko.
"Maraming manliligaw si Khione pero ni-isa sa kanila walang naglakas loob na magpakilala ng personal kila Momma at mommy. So, should I look forward sa araw na magpapakilala ka sa moms namin? Or are you just one of her cowardly admirers?" Zeejei asked.
Grabe naman pala ang tatlong ito. Kakikilala ko pa nga lang sa ate nila tapos gusto nila meet the parents na agad?
Aba hindi pwede yun dapat diretso simbahan na agad kami. I do na agad. Tapos bubuo na kami agad ng pamilya ni Zianah.
All in na ito, sama pa pati pato. Si Zianah na ang napili kong kabatuhan ng pustiso at kahampasan ng tungkod sa pagtanda.
"Ay wala ito. Mahina ang manok ko. Si daddylo palang ang nakakausap niya pero takot na takot na siya. Paano pa kapag si Momma Ianah na ang maka-usap niya? Baka maihi siya sa pantalon niya dahil sa takot." sabi ni Zeeian habang tumatawa.
Isa pa yan si Engr. Bravo, itsura pa lang niya parang hindi na ako sasantuhin. Kumbaga siya yung tipo ng magulang sa wattpad na bibigyan ako ng sampung milyon para layuan ko lang ang anak niya.
Kung akala niya matatakot ako sakaniya at magpapadala ako sa sampung milyon na iooffer niya pwes hindi siya nagkakamali. Sana cash niya ibigay yung sampung milyon.
"Huwag mo naman masyadong takutin, yan-yan. Hindi pa niya kilala si Tito-daddy at ang Team Bravo 1.0." pananakot naman ni Zeejei.
"Magtigil na nga kayong dalawa, nanginginig na siya sa takot, oh? Baka mamaya magbago agad ang isip niyan bigla." pang-aasar ni Mr. Ashford.
Araw-araw na lang talaga ako tinatarantado ng mga tao. Sinusubok na naman ni Lord ang pasensya ko sa tatlong ito.
"I hope hindi makakasira ito sa trabaho mo Ms. Messina. Admiring my granddaughter is fine pero you should know your limits dahil you are still a professor in our university." paalala ni Mr. Ashford.
"Yes, sir. I know my boundaries. At kung iniisip niyo po na magiging favorite ko si Zeeian dahil kapatid niya si Zianah, nagkakamali po kayo. Pahihirapan ko po yang loko-loko niyong apo na ayaw pa umamin sa bestfriend niya." pang-aasar ko.
"Torpe moments." sabi ni Zeejei.
"Wow, nagsalita si hanggang tingin na lang sa malayo dahil takot mag confess." sagot ni Zeeian.
"Nag-aaway pa ang tatlong torpe eh pare-pareho lang naman kayong mga takot umamin." pang-aasar ni Mr. Ashford.
"Wow! Nagsalita ang hindi na binalikan ni mommyla." sagot ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...